“anu yun teng ang itatanung mo?”.. Ang matipid kung turan sa kanya…
Tinanggal ni donita ang tingin sa akin at kinuha nya ang kanyang tasa at humigop ng kape…
Tumingin sya sa malayo at humigop ulit ng kape.. Masyado akong kinabahan sa kanyang mga kilos.. Nag lalaro sa aking isipan kung anu ang kanyang itatanung..
Tahimik lang ako na nag hihintay sa kanyang sasabihin..
Inilapat ko ang aking likod sa sa sofa at huminga ng malalim kinuha ko din ang aking tasa na nakalapag sa center table at humigop din ng kape..
Matagal na katahimikan ang nangibabaw sa amin ni donita.. Pawang nag iisip pa si donita ng kanyang sasabihin sa akin.. Tahimik lang din ako na nag hihintay sa kanyang sasabihin…
“pao”.. Bakit ka nandoon kanina kasama yung empleyada mung si beth at ang anak nya? “… Ang tanung sa akin ni donita habang naka tingin sya sa malayo…
Di ako nakasagot agad sa kanyang katanungan.. Di ko alam kung anung isasagot ko.. Nag lalaban ang aking isipan kung sasabihin ko sa kanya ang katutuhanan..
” bahala na.. “.. Ang bulong ko sa aking sarili…
Huminga ako ng malalim at tumugon sa kanyang katanungan…
“sinamahan ko na mamili sina beth at ang anak nya ng damit sa mall.. Naawa ako sa kalagayan nya at ng anak nya.. Makikita mo naman sa itsura nila kaya nag magandang loob lang ako sa kanila teng”…
“espesyal ba sila na tao kaya mo sila tinutulungan?”.. Ang tanung ulit ni donita sa akin..
Natigilan nanaman ako sa kanyang tanung.. Naka tingin ako sa kanya ngunit sya ay di tumitingin sa akin.. Seryuso ang kanyang mukha at naka tingin sya sa malayo…
Humugot nanaman ulit ako ng malalim na hininga at tumugon ulit sa kanyang katanungan…
“empleyada ko si Beth kaya concerned ako sa kanya dahil lumiliban sya sa trabaho, may sakit ang kanyang asawa.. mabuti at nalaman ko ang rason kaya naawa ako sa sitwasyun nya” .. Ang turan ko kay donita..
di ko alam kung makukumbinsi ko sya sa aking tinuran.. Parang gusto ko nang tumayo at iwan sya.. Parang ayaw ko nang sagutin ang kanyang mga katanungan sa mga sandaling iyon..
“sagutin mo ang tanung ko pao.. Special ba si beth at ang anak nya? “… Ang malamig na turan ulit ni donita…
Natahimik ako.. Nag tatalo ang aking isipan… Dito ko na realize na mahirap talaga ang katutuhanan… Masakit pero kailangan na malaman ni donita ang totoo…
Humugot ulit ako ng hininga.. Inipon ko ang lakas ng loob ko para sabihin na lang kay donita ang katutuhan.. Isusuko ko na ang aking lihim sa kanya kung anu man ang kahahantungan ay aking tatanggapin na bilang isang kaparusahan sa aking nagawa…
“oo teng”.. Ang matipid kung turan sa kanya…
Napapikit ang mata ni donita at nakita kung bumaybay ang kanyang luha sa kanyang pisngi at bumaybay ito at pumatak sa kanyang short…
Nakaramdam ako ng pag sisisi sa pag amin ko sa kanya.. Nasaktan ko nanaman si donita…
Idinilat nya nanaman ang kanyang mata ngunit nakatingin parin sya sa malayo…
“anak mo si lyn?”.. Ang matipid nyang tanung ulit sa akin…
Hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay at sinalikop ko ito sa aking palad…
“patawarin mo ako teng”… Ang turan ko at tumulo na din ang aking luha.. Nakaramdam ako ng sobrang kalungkutan sa isang banda ay gumaan ang aking loob dahil sa pag sabi ko ng katutuhanan sa kanya, kusa kung isinuko ang lahat para sa katotohanan.. Kung anu man ang kalalabasan nito at maging kabayaran ay tatanggapin ko.. kaya di ko namalayan na tumulo na ang aking luha sa mga oras na yun…
Humagulgul na ng iyak si donita.. Inakap ko sya at ikinulong sa aking bisig.. Pariho kaming humagulgol ng iyak…
“patawarin mo ako teng.. Di ko ginusto ang lahat nang yun.. Wala ka sa mga oras na yun kaya nahulog ako sa tukso dahil sa pangungulila ko sayo.. Di inaasahan na nabuo ang isang gabi na nag kasama kami ni beth..”… Ang salaysay ko kay donita…
Tahimik lang syang nakikinig habang patuloy pa rin syang umiiyak… Di ko alam kung anung magiging reaksyun nya.. hinintay ko sya na mahimasmasan sa kanyang pag iyak.. Habang nakayakap pa din ako sa kanya…
Ilang saglit lang at bumitaw sya sa aking pag kakayakap.. Tumingin sya sa akin na namumula pa din ang mata…
Matagal syang nakakatitig sa aking mga mata nakatitig din ako sa kanya at nag tama ang aming paningin.. Handa na ako kung anu man ang kanyang sasabihin.. Hinihintay ko ang kanyang sasabihin ng may kaba sa aking puso…
“sa lahat ng nangyari sa inyo ni beth, minahal mo ba sya?”.. Ang turan sa akin ni donita na nakatitig sa aking mga mata…
…