Masaya kaming kumain ng tanghalian.. Parang wala lang nangyari sa part ni donita.. Nakikipagpalitan din sya ng mga kurokuro sa harap ng hapag kainan…
Tahimik lang ako at naka ngiti habang nakikinig.. Panakanaka ay tumitingin ako kay donita…
“anak.. Kain ka pa.. Ang turan ni donita kay yengyeng dahil ang bilis nanaman nyang matapos at akmang aalis na..
” busog na po ako ma”.. Ang turan naman ng aking anak..
“kain ka pa nak.. Kaya payat ka eh di ka kumakain..” ang pasunod ko ding turan…
Nakasimangot na bumalik sa upuan ang aming anak na si yengyeng at muli kung nilagyan ang kanyang pinggan ulit ng pagkain..
“papa.. Papa.. Tama na po yan.. Di ko na po yan mauubus.. Mamaya susuka na ako nyan.. Busug na ako..”.. Ang turan ni yengyeng habang nakahawak sa aking kamay na may hawak ng serving spoon na may ulam na inilalagay ko sa kanyang pinggan..
“ok sige.. Basta ubusin mo yang inilagay ko sayo ha..”.. Ang turan ko..
Nakatingin si donita na naka ngiti kay yengyeng.. Ako din ay nakangiti din..
“nako yang anak nyu talaga na yan.. Pihikan talaga yan..”..ang sabi ni manang na nakangiti din..
“hay nako saan ba yan mag mamana eh di sa ama nya na pag kumain nung bata ay naduduwal..” payatot din yan nung bata pa si pao.. Pihikan din yan sa pagkain dati.. “.. Haha.. Ang nakatawang turan ni nanay…
At sabaysabay kaming nag tawanan….
” ahhh nay.. Pwede ba kaming lumipat ni pao at ni yengyeng sa pinatayo kung bahay?”… Para po kasi talaga yun sa aking mag ama kaya ipinatayo ko ang bahay na yun…”.. Alam ko po na may bahay din na sarili si pao ngunit gusto ko po sana na bago ako bumalik sa America ay maiwan ko ang mag ama ko sa bahay namin na ipinagawa ko.. “.. Ang seryusong turan ni donita na nakatingin kay nanay..
Tumingin si nanay kay donita at lumipat ang tingin sa akin.. Napatingin din ako kay donita…
” si pao ang kausapin mo teng.. “.. Kung ako ang tatanungin mo walang problema sa akin yun.. Maganda din na doon kayo tumira sa ipinagawa mung bahay dahil sayang naman yun kung di matitirhan.. Malaking bahay pa naman yun.. “.. Pag usapan nyung dalawa”.. Amg turan ni nanay kay donita…
Napatingin si donita sa akin… Nagkatinginan kaming dalawa…
“tika nga pala.. Kilan ba kayo mag papakasal?…puro kayo may sariling bahay ni pao.. Ngunit di ko nadinig sa inyo na nag plano kayung mag pakasal ah”.. Ang naka kunot na noo ngunit naka ngiting turan ni nanay na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni donita…
Dumukot ako sa aking bulsa at may kinuha ako..wala ang singsing sa aking bulsa… Naalala ko pala na nag palit pala ako ng aking damit na pangbahay.. Nakalimutan ko pala sa aking pantalon ang engagement ring na binili ko kay donita…
Akmang tatayo ako sa aking pag kakaupo ng magsalita si yengyeng..
“ay papa may napulot po akung singsing sa kwarto nyu ni mama kanina.. Pumasok po kasi ako doon humiram ako ng charger ng cell eh.. Nakita ko po sa sahig kaya pinulot ko po..”.. Ang turan ni yengyeng sabay abot ng singsing sa akin…
“salamat nak.. Para kay mama mo pala yan..”.. Ang nakangiti kung turan…
Napatingin si donita sa akin na medyo namula ang kanyang mata.. Nakatitig sya sa akin…
Kinuha ko ang kaliwang kamay ni donita at tumitig ako sa kanya…
“will you marry me teng?”.. Ang turan ko sa kanya na nakangiti…
Nakatitig din si donita sa akin at nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.. Dumaloy ito sa kanyang pisngi at tumulo sa lamisa…
“yes pao!.. Yes! … Ang tumatango at nakangiting turan ni donita habang humagulgul na ng iyak at yumakap sa akin…
Niyakap ko din sya ng buong higpit at sumubsob si donita sa aking dibdib… Naluha din ako sa itinuran ni donita sa akin.. Lubos lubos na tuwa ang aking nadarama ng mga oras na iyun.. Walang kasing saya ang aking nadarama na sa wakas ay mapapakasalan ko na din si donita…
Tahimik lang na nakatingin sa amin si nanay, si yengyeng at manang.. Nagulat din sila sa aking di inaasahang pag propose kay donita…
Ilang sandali lang ay bumitaw na si donita ng pag kakayakap sa akin at pinahid ko ng aking palad ang kanyang mukha sa mga luha na umagos sa kanyang pisngi…
“congrats sa inyung dalawa.. Mabuti at naisipan mo na anak na pakasalan si teng.. Matanda na kayo.. Lagpas na nga kayo sa kalendaryong dalawa.. Hehe..”at mag dadalaga na ang anak nyu.., mabuti naisipan nyu nang lumagay sa tahimik.. ang nakangiting turan ni nanay habang nakatingin sa aming dalawa ni donita…
Nakangiti lang kami ni donita na nakatingin kay nanay…
” sya nga pala kilan ba kayo mag papakasal diba ilang araw na lang at babalik ka na teng sa America?”.. Ang turan ni nanay habang naka tingin kay donita..
“pag balik ko na lang po galing ng America nay… May dapat pa po akung ayusin doon at pagkatapos nun ay uuwi na ako dito at dito na po ako pipirmi..”.. Ang turan ni donita kay nanay na nakangiti…
“nako madami pa palang mang yayari nun.. Di ka ba natatakot na sa ilang taon pa ay baka mapurnada ang kasal nyu?”.. Ang turan ni nanay kay donita na nakatingin sa kanyang mga mata…
“may trust po ako kay pao nay.. Iniwan ko po sila ni yengyeng at nadyan pa din sya kasama ang aming anak.. At nag hihintay parin sa akin.. I have reason to trust him and to love him dispite of the obstacles.. Ang anak po namin ang reason nay.. Natuto po akung mag patawad at humingi din ako ng tawad kay pao sa mga taon na nawala ako sa kanila ni yengyeng.. Ngayun ko na realized ang pag kukulang ko.. Kaya wala po akung dapat na ikatakot dahil alam ko po na mahal po ako ni pao.. At mahal ko din po sya.. “.. Ang turan ni donita na umaagos ang luha sa kanyang mga mata habang itoy kanyang sinasabi kay nanay..
” namula ang mata ni nanay sa itinuran ni donita.. Pati din si manang ay tahimik din at namumula ang mata…
Tahimik lang ako na nakatingin kay donita.. Lumukso ang puso ko at di ko din napigilan na maluha ang mata sa kanyang tinuran.. Ibang iba na si donita nung dati kaming magkasama.. Mature na talaga sya.. At mas lalo ko pa syang minahal dahil sa kanyang sinabi sa oras na yun…
“salamat teng”.. Salamat sa pag mamahal mo sa aking anak”.. Alam ko na may pinag dadaanan kayo ngayun ni pao.. Nakikiramdam lang ako sa inyung dalawa ngunit pinili ko lang na tumahimik at ipaubaya sa inyung dalawa ang pag aayus kung anu man ang pinagdaanan nyu.. Nagdadasal lang ako palagi na maging maayus na kayo para sa aking apo.. At mukha ngang dininig ng panginoon ang aking panalangin.. Hangad ko ang inyung kaligayahan at matibay nyung pag mamahalan ni pao”.. Ang naiiyak na turan ni nanay… Tumayo si donita at pumunta kay nanay at kanya itong niyakap…
Naging madamdamin ang tagpong iyun… Di ko na napigilang umiyak dahil sa tuwa.. Si manang ay naiyak na din sa mga oras na yun.. Si yengyeng ay tahimik lang na nakamasid at nakikinig lang din..
Niyakap ko ang aking anak.. At hinalikan ko sa noo at niyapos… Yumakap din si yengyeng sa akin..
Iyun ang tagpo na di ko makalimutan sa buong buhay ko.. Ang gaan ng aking pakiramdam sa mga oras na yun.. Punung puno ako ng pag mamahal..
Matapos kaming kumain ay pumunta kami ni donita sa terrace at nag pahinga.. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa.. Naka akbay ako sa kanya samantalang nakapatung naman ang kanyang kanang kamay sa aking hita..
Kinuha ko ang aking kamay na naka akbay sa kanya at sinalikop ko ng aking kaliwang palad ang kanang palad nya..
Tumitig ako sa kan…