Vince And Diane – Last Part

Hi! Sorry sa tagal ng ending. Binago ko na ito mula sa dating ending. Sana hindi ko kayo nabigo sa ending hahaha

Lumipas ang mga buwan na walang balita mula kay Vince. On the 6th month na wala syang balita ang binali na ni Diane ang kanyang pangakong hindi magtetext. Hindi man nya gusto makipaghiwalay sa text lang ay nagpadala sya ng msg nang pamamaalam at pagtapos ng 3kanilang relasyon. Feeling nya kasi ay nangangapa sya sa dilim kung ano na ang kondisyon ng relasyon nila. Dagdag pa dito ang inis sa pagpayag nyang huminto ang mundo nya para lang antayin ang nobyong hindi man lamang sya maalala.

A few days after, may text msg na gumising sa kanyang araw ng bakasyon. Mag alas 10 na ng umaga nung mabasa nya ang msg ni Vince.

“Nasan ka? Meet kita sa mall kung san tayo una nagkita. Kasama ko si Eric mamaya para makalabas ako ng hindi magdududa si Rizza. Meet tayo kahit sandali lang. Kinapos ako ng pera panghulog sa motor. Alam mo naman ang gastos sa mga bata. Ikaw lang pwede o lapitan honey. Bayaran kita kapag makuha ko na bonus ko.”

Inis na inis si Diane na yun ang gumising sa kanyang araw ng pahinga. Sa isip nya, hindi ba talaga nakakaintindi na ayaw na niya? Hindi ba nagpaalam na sya ilang araw na nakalipas? Dineadma na lamang nya ang text at hindi sinagot.

After 30 mins…

“Honey natanggap mo ba yung text ko kanina? Nandito na kami sa mall kung saan tayo una nagmeet. Antayin kita hanggang 12nn. Kita lang tayo sandali, hindi pa kasi ako makadalaw sayo. Pahiram ako ng 1,500 kasi kinapos. Panghulog ko lang sa motor. Na-skip ko na kasi ang hulog ng dalawang buwan at kapag hindi ako makahulog ngayon ay mawawala na ang motor sa akin. Babayaran naman kita kapag nakuha ko na ang bonus ko. 12nn ha, antayin kita. Pa-load na din pala kahit 20 lang.”

Hindi na makapagpigil sa gigil, sinagot ni Diane ang text.

“Dumaan ang pasko, bagong taon at valentines day ni hindi mo ako naalala tapos ngayong kailangan mo ako magtetext ka at demanding ka pa? Kagigising ko lang alam mo ba? At hindi mo ba natanggap ang text ko a few days ago na ayaw ko na Vince. Pagod na ako ka-aantay sayo.”

Walang reply.

Akala ni Diane ay ok na pero after 1 hour…

“Honey, kailangan makauwi na ako sa bahay ng ala una na nakabayad na sa motor kundi ay lalayasan na ako ni Rizza. Mabibisto nya na hindi ako sa kumpare ko ako pumunta para kunin yung perang hihiramin ko.”

Gigil na gigil si Diane sa kakapalan ng mukha ni Vince. Hindi nya maisip ano ang nakita nya dito nung umpisa at nahulog ang loob nya. Napapayag pang maging nobya nito. Ganun ba sya kabulag at kalibog for the past years? Nagpasya si Diane na puntahan na rin ang lalaki sa mall.

“Antayin mo ako. Dating ako ng 12:30.”

Nang magkita sila ay inabot na lamang nya ang perang kailangan. Alam nyang hindi rin naman sya susuyuin dahil kasama ang bunsong anak nya.

“Ito na ang perang kailangan mo. Wag mo.na bayarab kahit yung mga dati mong utang. Wag mo na ako kontakin kahit kailan. Wag mo na ako tawaging honey. Wala na tayo. You don’t need to find time at piliting makapunta sa akin. Goodbye.”

Umalis sya na hindi na nag-antay magsalita si Vince. Ni hindi na muli nilingon ang dating kasintahan.

That was March 2007.

Hindi nga agad kumontak si Vince pero for years ay nakakatanggap pa rin sya ng message sa social media. Mula Friendser, Multiply at even nga sa Facebook hanggang sa isang araw ay…

Nagriring ang phone ni Diane na may unknown Dubai number. Inisip nya namiss-call lamang ito ng pinsan nyang nag abiso na nagpalit na sya ng number kasabay ng pagpalit nito ng trabaho. Ngunit hindi tumigil agad ang pag-ring ng kanyang telepono.

“Hello! Di naman need pa tumawag Abby kasi may facebook naman. May ipapabili ka ba para maipadala sayo?” Masayang bati nya sa tumawag.

“Hi. May inaabangan ka palang tawag galing dito sa Dubai. Kamusta ka na? Miss na kita. Malungkot ang buhay dito sa abroad. Nakkailang buwan na din ako dito. Ito nga at ngayon lang nakaluwag at bumili agad ako ng card para matawagan ka at ibali…