Malungkot na aspeto ng buhay ko, magisa ako at di nakapag asawa. Ngunit di naman ako nag iisa sa buhay, may isa akong anak, actually pamangkin ko eto, na naging anak ko na dahil siya ay sa aking puder na nagkaedad. 10 taon ng ito ay maulila, kapatid ko ang tatay neto, at sabay nasawi sa isang aksidente ang mga magulang nito. Siya Utoy.
Bago pa man ako mastroke ay napagtapos ko na ito at nagtatrabaho na rin sa isang bangko. Laking pasalamat ko at nairaos ko ang batang ito. 12 taon ko ito inalalayan hanga makapgtapos at makahanap ng trabaho. Naipasok ko rin ito sa bangko na pinagtatrabahuhan ko. Isang taon din kaming nagkasama sa trabaho bago pa ako magkasakit. At ngayon 5 taon na akong pinapasan ng anak anakan ko.
Maganda naman ako, maputi at makinis, tipikal sa mga bank tellers. Medyo chubby ako noon, marahil dahil narin sa trabaho, na malimit na nakaupo at wala naman akong sports na ginagawa kaya ako nastroke. Madami din ako manliligae noon, ngunit nawalan na rin ako ng gana makisama sa mga lalaki, at naituon ko na ang pansin sa pag alalay kay utoy. Alam naman niya ito at laking pasalamat niya sa akin. Nahihiya narin naman ako, nasa sa edad niyang 20s ay alaalaga niya ako, at ayaw kung mahalintulad s…
Wag Kang Matulad Sa Akin
Ako nga pala si Emmy, 52 Years old. 5 taon na rin ng ako ay mamild stroke. Bago nito ay sa bangko ako nagtatrabaho, at sa dahil nga nito maaga akong nagretiro. Mild lang naman ang inabot ko ngunit nagkaroon na rin ng mga kokonting diperensya ako sa katawan. Kanang bahagi ng katawan ko ang mild paralyzed. Kaliwang utak ko ang nadali ng stroke. Nakakalakad naman ako ngunit may bahagyang panghihina na sa mga kanan kung paa, kayat gumagamit na rin ako ng walking stick. Ang kanang braso ko naman ay may bahagya naring panghihina at medyo bumaluktot na rin ng bahagya ang aking mga kamay. Bagamat nagagamit ko pa naman ito. May kaunti naring pagkaka ngiwi ang aking mga labi, mga tipikal na nararanasan ng mga taong na stroke. Nagagawa ko pa naman lahat ng aking pang araw araw na gawain, gustohin ko man mgtrabaho, kaya ko mang magtrabaho, sa kasamaang palad ay hindi na maaari. Isa sa mga natutunan ko na alagaan ang sarili at wag iprioritize ang trabaho. Dahil di mo na nga maibabalik ang lahat ng nawala sayo ay marami pang pweding ipalit sayo.