Isa sa hindi nga lamang makakalimutang bahagi ng buhay nilang mag-asawa ay ang kakambal ni Abigail na si Andrea. Halos hindi nga malaman ni Seth kung alin sa dalawa ang asawa. Pero sa tagal na din nilang magkasama ng asawa, pansin ni Seth na may dalawang maliliit na nunal sa kanang pisngi ang asawa niya, samantalang si Andrea naman ay wala.
Kahit magkakambal ang dalawa, magkabaligtad naman ang personalidad nila. Nang makilala ni Seth ang kambal ng asawa, sobrang gulat ito na very outgoing ito. Siya pa nga ang unang nakipagkaibigan, at kakilala siya ng matagal na niyang kaibigang si Rick.
“Akalain mo pare, may kakambal pala ang jowa ko?” tawa ni Rick. Nagulat naman si Seth dahil akala niya ay magkaibigan lamang ang dalawa.
“Pucha, jowa mo na si Andrea?” pabirong tanong ni Seth.
“Tagal na pare. Pero medyo tinago ko lang kasi alam mo naman si mama, traditional. Ayaw nun yung hindi nalalaman ano background ng babae. Balak ko sana ipakilala siya pag engaged na kami para wala na masabi si mama.”
Naiintindihan naman ni Seth ang kaibigan. Bukod kasi sa strict ang ina nito, galing sila sa masasabi mong 1800s type ng lifestyle. Si Rick lang itong talagang malayang nakakagawa ng gusto niya dahil pasaway at kagaya sa ama na outgoing din.
Ang katotohanan, minsan ay may ibang naiisip si Seth sa asawa at sa kambal nito. Naiisip nito, na masarap din kaya si Andrea? Para tuloy siyang nagkakapantasya sa kambal ng asawa niya sa de oras, na ito nga’t shota na pala ng kaibigan niya.
Katawan palang, magkaparehas na magkaparehas na sina Andrea at Abigail. Magkaparehas itong D cup, maputi, long hair, deep eyes at makapal ang kilay. May kaunti kasi silang lahing American, at sadyang namana ng dalawa, kahit na sa totoo lang ay malayo na ang lahi nilang ito mula sa linya ng kanilang mga magulang.
—
Isang araw, namataan ni Seth na naguusap ang kambal sa veranda ng bahay nila. Pinatira ni Seth ang kakambal ng asawa sa bahay nila, dahil naaawa ito at palagi nalang pinagagalitan ng kanilang mga magulang dahil walang stable na trabaho si Andrea. Work hopper. Malaki naman ang bahay nila na napundar niya sa kaniyang pagtatrabaho sa Saudi. 35 na si Seth at naubos niya ang kabataan sa pagtatrabaho nang maaga sa ibang bansa. Bente anyos palang siya ay kinailangan niyang pumunta ng Saudi para maitaguyod ang pamilya. 23 naman sina Andrea at Abigail.
Parang seryoso ang pinaguusapan ng dalawa, at tila may tinuturo si Andrea sa kapatid. May pinapakita si Andrea sa cellphone nito at tinignan lang ni Abigail tsaka parang sinasabing “sa susunod”, sa basa ni Seth sa labi ng asawa.
Hindi na ito pinansin ni Seth at umalis na lamang na di nagpaalam sa asawa dahil kailangan na niyang bumalik sa opisina. Isang assistant manager sa isang IT firm si Seth, at ginto sa kanila minsan ang oras.
—
Makalipas ang isang linggo, napromote bilang assistant manager ng kabilang branch ng firm si Rick. Matagal na niyang inaasam na sana naman ay makatuntong doon dahil maglilimang taon na siya sa company. Dahil dito, inimbitahan niya sina Seth, Abigail at ang girlfriend nito na dumalo sa kaunting salu-salo sa resthouse nina Rick sa Dasmarinas.
May mga kaibigan din sina Rick at Seth na dumating doon, at pagkatapos ng kwentuhan at party stories, isa isang nagsiuwian ang mga kaibigan ni Rick at nagpasalamat, binati ito ng congratulations at umalis na.
“This pandemic sucks, pare. Hindi pa ba ililift itong facemask? Nagpoprogram tayo sa opisina pero naka-facemask parin tayo,” biro ni Rick kay Seth bago mag-offer ng isang whiskey. Kasalukuyan silang naguusap sa veranda.
“Man I don’t know about you but at least you and Andrea can enjoy some bebe time together. Yan tawag nila diyan di ba. Netflix and Chill na din kayo.”
“Napaka-80s mo talaga pare. Ngayon mo lang natutunan yan no?” tawa ni Rick bago nagtoss ng drink….