“Siyempre naman. Go go go ! Iga-gangnam style ko lang tong sakit ko.Uhhhy. Smile na yan :)”
“Baliw ka talaga. May sakit ka na nga, baliw ka pa rin. Hahaha”
“Eh wala eh. Ganyan dapat.” Nabalitaan ko rin na nakabalik siya sa trabaho makalipas ang ilang linggo.
Minsan dinadalaw ko rin siya sa bar na pinapasukan niya. Kaibigan ko rin kasi ang manager nila doon.
Pagkakita niya sakin, nasorpresa siya. Masaya siya. Niyakap niya ako. Kinakamusta niya ako.
“Kamusta ka na?” “OK lang.” “Kumain ka ng maayos. Huwag na huwag munang iinom. Makinig ka. Bata pa yung mga anak mo.”
“Oo na. Balita ko may nanliligaw daw sayo dun.” “Ha? Sira ka ba? Ikaw pa nga lang, ang sakit-sakit na sa ulo. Tapos dadagdagan ko pa? Haha.
Baliw lang?” “Ayoko. Basta ayoko na may iba pa manliligaw sayo ha.” Ngumiti lang ako. Salita siya nang salita na halos ayaw na niya akong pauwiin.
Isang araw, tumawag yung kaibigan kong nasa Japan. Na-aprubahan na yung pagpunta ko dun. Ilang buwan nalang aalis na ako ng Pilipinas.
Isang araw, nakipagkita ako kay Erwin sa tabi ng dagat. Sinadya ko talaga dun kasi nakaka-relax ng utak. Para kapag kinausap ko siya tungkol sa pag-alis ko ay di siya gaanong mabibigla.
Dumating siya. Niyakap niya ako. Parang wala akong response sa mga ginagawa niya. “Anong problema ng mahal ko?”, tanong niya. “Maghiwalay na tayo.” “Bakit? Di pa naman alam ng asawa mo ah. Alam na ba ng nobyo mo?”
“Hindi. Hindi ganun. Aalis na ako. Pupunta na ako ng Japan.” “Dito ka na lumaki. Nasanay ka na sa panahon dito. OK naman ang buhay mo dito ah. Nandito naman ako. Walang mag-aalaga sayo dun.”
“Kaya ko nang alagaan ang sarili ko.” “Bakit pa? Please. Dito ka nalang.” “Gusto ko ng bagong buhay.” Sa sinabi kong iyon, para siyang natigilan. Tahimik siya ng ilang minuto.
Tinanong niya ako… “Kelan alis mo?” “Ilang buwan mula ngayon. Di ko pa alam.” “Sigurado ka na ba talaga?” Tumango lang ako. Sobrang nasasaktan na ako. Pero ayaw kong ipakita sa kanya.
“Hindi naman natin kailangan maghiwalay eh. Kung gusto mo, hahanap din ako ulit ng trabaho doon. Pwede rin akong magpatulong sa mga kaibigan ko doon.”
“Erwin, tama na. Diba sabi ko sayo na wag mong pababayaan ang pamilya mo. Na kahit anong mangyari, sila dapat ang pipiliin mo. Sila ang priority mo. Erwin, alam kong masaya tayo dito. Pero kapag nagkataon, marami tayong masasaktan. Maaaring masira nang tuluyan ang pamilya mo.
Ayokong ako ang maging dahilan na mawawalan ng tatay ang mga anak mo. Wag puro sarili lang natin ang iniisip. Maaaring makakita ka pa ng ibang babae. Pero kahit napaka-bungangera ng asawa mo, mahalin mo siya.
Alagaan mo siya. Mamayang pag-uwi mo ng bahay ninyo, yakapin mo siya at sabihin mo kung gaano mo siya kamahal. Nagbubunganga lang siya kasi marami siyang iniisip. Sa lahat ng pagsubok na darating sayo, sa kanya ka parin lalapit.
Siya lang ang makakatulong sayo. Ang asawa mo ang tanging magmamahal sayo ng walang kondisyon at walang hinihinging kapalit.” Nag-iyakan kami. Niyakap namin ang isa’t isa.
At nang tumahan na ang mga masasakit na damdamin, pinili na naming umuwi. At yun na ang naging huling pagkikita namin. May balita pa rin ako sa kanya. Ang alam ko, tuluyan nang gumaling ang sakit niya. Pero hindi na talaga daw siya umiinom.
Maaga na rin daw umuuwi at laging may pasalubong para sa asawa at mga anak niya. Malaki raw ang naging pagbabago niya. At ang dahilan, yung nangyari noong isang araw na iyon sa tabi ng dagat na kaming dalawa lang ang nakakaalam.
~~~~~ Hindi madali ang pagiging kabit. Mali ang akala ng iba na puro kamunduhan lang ito. Hindi mo dapat husgahan lahat. Kung magiging kabit ka, wag na wag kang makikipagkumpentensiya sa asawa ng partner mo. Kasi wala kang karapatan.
Kung magiging kabit ka, hindi ka magpapagamit para sa lang kamunduhan. Magpagamit ka sa paraang matututo yung partner mo. Na tuturuan mo siyang maging mabuting tao.
At dun niya malalaman ang importansya niya at ang importansya ng mga taong nakapaligid sa kanya at nagmamahal sa kanya ng totoo. At ikaw bilang kabit, matutunan mo ang responsibilidad mo.
Yung responsibilidad na hindi makakasira ng buhay ng iba, bagkus, makaka-ayos pa. Na kapag isang araw ay magkita kayo, makikita ninyo ang isa’t-isa na maayos ang kalagayan sa piling ng mga mahal ninyo sa buhay.
At magngingitian na lang kayo na parang walang nangyari. Yung feeling na lihim ninyong ipagpapasalamat sa isa’t-isa dahil nagkakilala kayo.
The End.