“What” and “If” are two words as non-threatening as words can be. But put them together side-by-side and they have the power to haunt you for the rest of your life: What if? What if? What if? I don’t know how your story ended but if what you felt then was true love, then it’s never too late. If it was true then, why wouldn’t it be true now? You need only the courage to follow your heart. I don’t know what a love like Juliet’s feels like – love to leave loved ones for, love to cross oceans for but I’d like to believe if I ever were to feel it, that I will have the courage to seize it. And, Claire, if you didn’t, I hope one day that you will.
All my love,
Juliet
-Letters to Juliet, 2010-
“Oo na! Sige na! Naduwag ako e! Ang tanga tanga ko talaga!!!”
“Oist Claire! Tumigil ka nga dyan! Taon taon na lang tuwing dumadating ang April 9 lakas ng trip mong panuorin yang sine na yan tapos hahagulgol ka na maghapon.”
“Ate Beshie bakit ang sakit pa din? 7 taon na bakit parang kahapon lang yun?”
Lumapit si Michelle sa kaibigan at binatukan. “Ugok! Ikaw ang di sumipot sa tagpuan nyo!”
“Aray ha!”
“Ang drama ko kasi! Pasalamat ka batok lang kaya ko gawin sayo. Gusto ko sana i-umpog ka sa pader baka sakali magising ka sa katotohanan.”
“Kasalanan ko ba talaga? Di ko naman ginusto yung mga nangyari…”
“Alam namin. Alam mo din yun. Aksidente yun. A freak accident.”
“Pero siguro kung sumipot nga ako on time…kung di ako naduwag for a moment…e di sana wala sya dun sa lugar na yun…mahal na mahal na mahal ko si Renz…bakit ba kasi natakot ako makipagtanan after ko pumayag?”
“Claire, walang nakakaalam ng mga mangyayari pa lang. Di natin alam kung yun talaga ang panahon nya. Dumating ka man on time or hindi. Sino ba naman magaakalang may kotseng bigla na lang pumasok sa loob nung resto na tagpuan nyo at di sya nakaalis agad kasi nakatalikod sya at di nakitang masasagasaan sya?”
“Baka yun din ang panahon ko…kaya ako naghihirapan ngayon…ang hirap mabuhay ng wala si Renz…wala ako matakbuhan kapag masaya ako…or gustong umiyak o…