Pagdating ko sa office, my team went beyond my expectations. There was a buffet of different muffins and free flowing coffee at a corner of the conference room. Our clients were commenting on the warm welcome and even our VP gave me a thumbs-up even if I came in 15 mins late.
The meeting lasted for hours that we even extended beyond lunch time. Though we got the approval for the second phase, umaasim na mga mukha nila sa gutom nang kumatok si Michelle.
“Beshie, may catering set-up sa labas. Sa lobby ko na pina-ayus kasi seryoso kayo. E sabi ni Jerry patapos na at pirmahan na lang ng contract kaya inabisuhan na kita. Pwede na kayo kumain.”
“Ate Besh, sino nag-order ng foods? Akala ko ba nagtitipid ang madam sa budget? Lahat pa favorite food ko. Sicilian salad, grilled chicken, bulalo and fish fingers with ranch dressing tapos buco pandan ang dessert. Pati nga drink ay kakaiba ang choices … iba ibang palamig.”
“Loka ka! Sayo nakapangalan yan pati daw yung almusal set up kanina. Ang humble mo talaga Beshie! Kaya kita love e.”
“Gaga!”
Hindi na ako nakipagtalo pa. Hindi na din ako nagtanong sa iba at malamang mas weird pa kung malaman nilang hindi ako ang nag-order ng food. Pero sino?
After umalis ang lahat including the caterer ay may package ulit na dumating for me. It was a basket full of my comfort sweets and the card says…
Dearest Claire,
Congratulations!
Here’s to celebrate your success…
Kilala mo na ba ako ngayon? From the muffins to lunch set and now these?
If nagtataka ka paano ko nalaman na may major presentation ka today, hmmm…let’s just say I have a connection dun sa company na kausap mo kanina kaya nakarating sa akin ang balita.
And based sa naipadala ko kahapon ay malamang di mo naisip ang details on food. Masyado ka kasi workaholic dear.
Relax ka na muna. Enjoy these sweets. Like how we planned it for our little trip…
Loving you,
V.H.
Is he back?
To leave me again?
Voltaire Halili.
My puppy love. Kapitbahay namin. Kami lang magka-age sa street kaya natural na maging malapit sa isa’t isa. Magkaklase mula elementary hanggang college.
College nakilala nya sa PE si Renz. Naging tatlo kaming magkakaibiga…