Wheel of Fortune Chapter 24: Secrets Revealed
Naglilinis sa harapan ng bahay nila si Isa, wala ang boyfriend at soon to be husband nito na si Boying dahil may inayos sa trabaho. Tumigil naman sa harap ng bahay nila ang isang Alphard na Van at tinignan ito ni Isa.
Halos mahulog ang panga niya ng makita niya kung sino ang nasa loob ng kotse na ito, maganda at maputing babae at nakangiti ito sa dating yaya nila Khel na si Isa. “Kamusta ka na Isa?” Sabi ng boses na kilala na ni Khel.
“Dolores? Anong ginagawa mo dito?” Sabi ni Isa, halatang takot at kabado ang ginang. “Hmmmm I think alam mo na bakit ako nandito, dalawampung taon na ako nag antay Isa, sabihan mo si Rey na magkita kami sa bahay nila mamayang alas kwatro ng hapon, kailangan na naming pagusapan ito” sabi ni Dolores at ngumiti ito.
Binaba naman ng driver ng ginang ang isang kahon para kay Isa “ayan Isa, diaper, gatas, crib, para sa anak mo, kakailanganin mo yan, please patawagan na si Rey, kung hindi ako lang ang makakausap ni Khel” sabi ng ginang at ngumiti ito at umalis na ang sasakyan niya.
Takot si Isa, kabado at di alam bakit biglang nandito si Dolores. Agad agad kinuha ni Isa ang kanyang cellphone at tinawagan si Rey na nasa bahay niya lang sa Atimonan, sa bago nilang bahay ni Gladys.
“Oh Isa, napatawag ka? May problema ba?” Tanong ni Khel habang nakabantay kasama ni Gladys sa mga anak niyang naglalaro. “Rey, kailangan mong umuwi ngayon, andito si Dolores at hindi ko alam kung bakit! Pinapatawagan ka at sinasabi na magkita daw kayo sa bahay ng alas kwatro!” Sabi naman ni Isa.
Nanlaki naman ang mata ng ama ni Khel at napatayo ito “ano? Sigurado ka ba diyan Isa? Si Dolores ang nagsabi?” Sabi ni Rey at tumango ang ginang “Oo Rey, siya mismo ang nagpunta dito sa bahay ko! Di ko alam kung bakit?! May pinagusapan ba kayo?! Bakit siya nandito?! At paano si Khel?!” Sabi ni Isa na nag-aalala
“Wag ka nang mamroblema Isa, ako ng bahala diyan, pumunta ka na lang sa bahay mamaya, panigurado gusto niyang guluhin ang bahay” sabi ni Rey at tumango si Isa “Oo walang problema, pupunta ako dun, maliligo lang ako” sabi ni Isa sa ginoo
“Oh sige, ako din, para makapagusap usap na tayo, alam ko na dadating din ang araw na ito, di ko lang alam na ngayon pala” sabi ni Rey “Oo nga, kayanin sana ng binata mo” sabi naman ni Isa at binaba nila ang telepono.
Sa eskwelahan naman ay nagulat ang mga dalaga sa sinabi ni Diva, gulong gulo sila at di makapaniwala, maski si Camille di niya kayang paniwalaan ang sinabi ni Diva sa kanila.
“Ma! Alam mo pala ito bakit di mo sinabi sa akin?! Lalo na kay. Khel?!” Sabi ni Ariel at tumingin lang sa kanya si Diva “Ariel, di ko lugar para sabihin iyon kay Khel yun, maski nga ang ama ni Khel hindi pa sinasabi sa kanya” sabi naman ni Diva
Nagulat naman si Diva dahil may tumawag sa kanyang telepono, isang numero na hindi niya inaasahang tatawag pero kinakatakot niyang tatawag ito sa kanya “Hello Rey?” Sabi ni Diva na kinagulat
“Diva, andito daw si Dolores, gusto daw niya makipagkita” sabi ni Rey at nagulat ang ginang “ano? Alam ko mga anak niya lang ang nandito” sabi ni Diva at tumango si Rey “andito daw siya, magkikita kami ng alas kwatro sa bahay, kami na ang magpapaliwanag kay Khel pero sana andun si Camille” sabi ni Rey
“Wag ka mag-alala, kasama ko lahat sila ngayon dito, isasama ko sila mamaya” sabi ni Diva at tumango si Rey “sige, alam natin tong lahat kaya naman hayaan niyo kami mag-usap mamaya” sabi ni Rey at tumango ang ginang
“Sige walang problema” sabi ni Diva at binaba niya ang telepono, tinawag niya naman ang sekretarya niya “cancel all my meetings this afternoon, and please tell the professors of these four students to excuse them, may pupuntahan kaming importante” sabi ni Diva at tumingin ito sa nga dalaga, alam na nila ang totoo kaya naman isasama sila ni Diva sa komprontasyon mamayang hapon.
Sa bahay naman nila Khel ay tapos na itong kumain ng tanghalian, tumatawag ngayon si Sandy sa kanya “hello? Kamusta tita?” Sabi ni Khel ng pabiro at sumagot naman ng seryoso si Sandy
“Huy Khel, pwede bang pumunta ka sa office today? Andito kami ngayon eh, may malaki tayong problema” sabi ni Sandy at tumango naman si Khel “sino sino kayo jan?” Sabi ni Khel sa telepono
“Ako, si Kay, tsaka si Tori, di ko macontact si Thea eh, please oh punta ka na dito” sabi ni Khel at tumango ang binata. “Sige alis na ako dito” sabi ni Khel at nagpaalam siya kay Lia. Nagtext din kay Ariel ang binata at nagreply din ito agad “okay Honey, see you later, pupunta kami ni mama daw diyan po” sabi ni Ariel
Nagtataka naman si Khel pero hinayaan niya na lang muna ang sinabi ni Ariel. Nagmaneho si Khel papuntang opisina, at nagtext ulit si Ariel “Honey sasabay na kami kay Mama po, see you po sa bahay” sabi ng dalaga at tumango naman si Khel.
“Okay Honey, ingat po kayo” sabi ni Khel sa kanyang naging reply, pumunta naman na si Khel sa opisina at umakyat ito. Binuksan niya ang pinto at nakita niyang naluluha luhang mukha ni Tori at katapat niya si Sandy at si Kay naman hinihimas ang likod nito.
“Sandy whats wrong? Bakit umiiyak si Tori?” Sabi ni Khel at umiling si Sandy sa binata. “Well nagpplano ng umalis ang family ni Tori, pero ayaw niya daw umalis sa atin” sabi ni Sandy at tumingin ito kay Tori
“Okay tell me what happened?” Sabi ni Khel at tumango si Kay at ngumiti sa binata. “Well boss kasi po I was going to get some papers done po, naiwan ko po kasi dito nung friday and Mam Thea gave me permission to come over pero nakita ko si Ate Tori dito umiiyak sa harap ng computer po niya, I called Ate Sandy agad po and talk to her as HR” sabi ni Kay at tumango si Khel
“Boss… gusto na daw umalis nila papa at mama dito, after what happened with you and Kit, nakausap naman na nila si Sir Mike, binigyan si papa ng post somewhere up north, pero boss, ayaw ko kayong iwan, and with the way things are sa bahay eh ayaw ko po doon” sabi ni Tori
Nagets naman ni Khel ang point ng ama ni Tori, ayaw na nila dito dahil sa gulong pinasok ng anak na si Kit at apparently kasama din si Kat dito. Tumango naman si Khel at ngumiti sa dalaga.
“Then stay? You are old enough naman na, mahirap pero if you reallly want it then I can definitely support you with that decision, si Sandy din at si Bunso, andito kaming lahat para sa iyo Tori” sabi ni Khel at ngumiti ito
“Isa pa, I don’t want to get involved sa family decisions mo pero I get why your father wants to go, di naman kasi basta basta lang yun eh, pero if ayaw mo magpaiwan ka” sabi ni Khel at tumango si Sandy
“Oo nga girl! Sa akin ka na lang tumira, hatian mo lang ako sa gastos sa kuryente at tubig and all other utilities eh okay na, wag ka na lang maingay sa boys natin, pero you can live with me, may isa akong spare room sa place ko” sabi ni Sandy at tumango si Kay
“Oo nga Ate Tori, ako I live alone dito, my family is in Laguna pero okay lang naman po, isa pa we could bond din, gym tayo after work and kita pag weekends” sabi naman ni Kay at ngumiti si Khel din dito
“Tandaan mo Tori, we have no choice kung kaninong family tayo mapupunta sa pagkapanganak natin pero we choose which people we treat as our extended family, if this team is like a family to you then go lang Tori” sabi ni Khel at tumango si Tori sa kanya
“Salamat po Boss, Khel, kahit na alam mo yung nangyare eh hindi ka nagbago sa trato mo sa akin” sabi ni Tori at ngumiti lang ang binata “well bakit naman kasi di ba? Its not like may ginawa kang Mali, for me you are Tori, and as long as you are loyal to me then I will be loyal to you” sabi ni Khel at tumango si Tori dito
“Oo girl, loyal yan si Bossing sa mga tao niya, lalo na pag loyal sa kanya, so wag ka na umiyak at tapon mo na yung resignation letter mo at halika, pumunta tayo ss bahay ko ng mapakita ko sayo yung place mo” sabi ni Sandy at tumango naman ang dalaga dito at pinunit ang papel sa harap niya.
“Bossing thank you nag punta ka ah! Di ko macontact kasi si Thea eh, pagod ata” sabi ni Sandy at natawa naman ito “no problem Tita” sabi ni Khel at yumakap naman ang dalaga dito “tama na sa tita ah, jombagin kita eh” sabi ni Sandy
“Oh halika din dito Tori, let me hug you para may pakonsuelo” sabi ni Khel at yumakap ang dalaga sa kanya ng mahigpit at hinimas ni Khel ang likod niya para tumahan ang dalaga at tumango ito
Nagpaiwan naman si Kay dahil may aayusin at si Khel din dahil nalimutan niya pala ang laptop niya dito, tumaas naman ang kilay ni Sandy “hoy wag sa office ah! Wag sa pwesto ko! Naku naku naku!” Sabi ni Sandy at natawa si Tori
“Sira ka talaga tita, sige na, ingat kayo ah, see you tomorrow” sabi ni Khel at ngumisi ang dalawa. Pumasok naman si Khel sa office niya at kinuha ang gamit pero pumasok din si Kay at ngumiti.
“Hmmmmm akala ko kailangan ko pang gumawa ng storya para pumunta ka dito eh, di naman na pala” sabi ng dalaga at sinara at nilock niya ang pinto at ngumisi kay Khel, tila alam na ng dalawa ang susunod na mangyayare.
Sa bahay naman nila Khel naman ay dumating na sila Diva at ang mga dalaga, Nakita naman nila si Isa na kausap si Lia at ngumiti si Camille dito.
“Aling Isa!” sabi ni Camille at niyakap niya ang dating yaya niya at ngumiti naman ito kay Diva “kamusta ka na aling Isa? Ang laki laki na ng tiyan mo po!” sabi ni Camille at ngumiti ang batang dalaga.
Ngumiti naman si Diva at ngumiti din si Isa dito “Hmmmmm sinabi mo ba sa kanila Diva?” sabi ni Isa at tumango ito “pinilit nila ako eh, and I think they should know din naman” sabi ni Diva at tumango ito
“So alam niyo na bunso?” sabi ni Isa kay Camille at tumango ito “Bakit ganun siya Aling Isa? Paano nangyare yun?” sabi ni Camille at umiling lang ang ginang
“Hindi ko din alam Hija, pero tingin ko masasagot niya yun” sabi ni Isa at Nakita nilang dumating ang ama ni Khel na si Rey at pinuntahan ang grupo nila.
Nagmano at yumakap naman si Camille sa ginoo habang nag-mano din ang tatlong dalaga dito at ngumiti si Rey “Kamusta kayo mga hija?” sabi ni Rey at ngumiti naman ang mga dalaga
Bago pa man makasagot ang mga dalaga ay dumating ang isang puting Range Rover Evoque, ang kotse na minamaneho ni Karina, bumaba mula sa magandang kotse ang tatlo babae, si Dolores, Karina, at Winter.
Tumingin tingin si Karina sa paligid, at si Winter naman ay nakangiting tumingin tingin din, Nakita ng mas nakababatang kapatid ang sirang motor ni Khel na nakatabi doon sa isang gilid.
“Unnie, look at that motorcycle, you said oppa drived one right?” sabi ni Winter at tumango naman si Karina “It’s probably how he got into an accident dongsaeng (nakababatang kapatid)” sabi ni Karina.
“Girls, lets go to them, introduce yourselves muna ah mind your manners din” sabi ni Dolores at ngumiti ito sa grupong naipon at sumunod sa kanya ang magagandang anak niya.
“Kamusta kayo? Mukhang everyone is here” sabi ni Dolores at lumapit sa kanya si Ariel at bumeso pero hindi ito nakangiti sa ginang at ngumiti si Dolores sa kanya.
“Hmmmmmm I bet nagagalit ka siguro pero relax lang kayo, tama naman ako di ba Rey?” sabi ni Dolores at tumingin ito sa kanya at tumango naman si Rey at tumingin ito sa kanya
“I think you all should hear our explanation, pero doon tayo sa taas, masyadong mainit dito” sabi ni Rey at tumango naman sila pero pinigil sila ni Winter.
“Wait po! I wanna introduce myself po to everyone and my unnie would want it too!” sabi ni Winter at ngumiti naman ang mga dalaga dahil sa cute face ng dalaga
“Sige pero pwede naman siguro sa taas na lang kayo magpakilala” sabi ni Rey at tumango ang dalaga at umakyat lahat sila sa loob ng bahay ni Khel, magkakatabi sila Dolores, Karina at Winter sa isang solo sofa kung saan malapit ito sa bintana at nakatayo ang dalawang anak.
Ang apat na diyosa ay sa big sofa nakaupo kasama si Diva, malapit si Diva kay Dolores, tapos si Ariel, si Liza, at si Ruby, si Camille naman ay nakaupo sa arm rest kung saan malapit ito kay Rey na nakaupo sa isa pang solo sofa, sila Lia at Isa naman ay nasa likod nito at kumuha sila ng upuan mula sa dining room.
“Okay hija, you can introduce yourself na before we start talking about somethings” sabi ni Rey at tumango naman si Winter at ngumiti ito at nag-bow
“Hello po everyone, I am Winter Giselle Gomez-Yuchi, the youngest daughter of Dolores Gomez-Yuchi and Akihiro Yuchi, 18 years old” sabi naman ni Winter at ngumiti ito sa mga tao sa bahay at nag bow din ito
“Hello again Winter” sabi naman ng mga dalaga at nag-smile sa kanila si Winter at kumaway siya, si Karina naman ay Nakita ang mga pictures ni Khel at ngumiti ito at tinignan ang bahay ni Khel.
“Unnie! Your turn!” sabi ni Winter sa dalaga at ngumiti si Karina at tumango ito at nag-bow din si Karina at ngumiti sa mga tao kahit nakataas ang mga kilay nila Ruby at Liza.
“Hello Everyone, I am Karina Aeri Yuchi, Mommy Dolores’ stepdaughter, my parents are Akihiro Yuchi and Yuna Aeri, I am 22 years old, and like what I mentioned earlier sa mga dalaga po, the future wife of Michael Borta, nice to meet you” sabi ni Karina at nagulat naman si Rey dito.
“Hmmmm future wife? I think you know why we are here naman hija, and Ariel, Khel’s girlfriend is here as well?” sabi ni Rey
“Oh yes, I know po lahat ng iyon, that’s why I am very confident nga po right now po, Khel would probably get mad at everyone in this room but me and Winter, everyone here, including my mom, has lied to Khel” sabi naman ni Karina sa lahat ng nasa kwarto.
“For one I think we all know na ayaw niyang nagsisinungaling sa kanya, and you knowing what happened eh is probably the biggest lie that you could have told your son tama po ba?” sabi ni Karina at tumayo si Ariel
“Karina, let’s not get into this, alam mo namang di natin lugar na makialam doon” sabi ni Ariel at tumango si Karina at ngumiti sa kanya “I agree, sinabi ko lang naman ang totoong nangyare” sabi ni Karina at ngumiti ito kay Ariel.
“I bet you know kung ano ang kayang gawin ni Khel when you lie to him, I think all you girls know, he did leave for palawan na galit sa inyo this past weekend di ba?” sabi naman ni Karina
“Paano mo nalaman yun?” sabi ni Ruby at tumingin si Karina at tumango ito kay Ruby “the same way we found out that there was a plan to break Khel and Ariel up” sabi ni Karina at tumingin ito kay Lia
Tumingin naman ang dalaga kay Lia at kinabahan ang ginang “Karina, stop, I think you’ve said enough na” sabi ni Dolores at ngumiti naman si Karina at naglakad ito papunta sa likod ng ina at tumingin na lang siya sa labas
“You see, I asked some people to keep an eye out for Khel, I asked Lia to be one of them. PInuntahan ko siya at sinabi kong alamin niya kung sino ang mga taong gustong kumalaban kay Khel, so I found out about the plan of the Santos’ Family and I contacted Diva as quickly as I can” sabi ni Dolores at tumango din si Diva.
“You know why I did this, tama si Karina, I lied to Khel, I lied to my own son” sabi ni Dolores at tumingin ang mga dalaga kay Dolores dahil ito ang unang beses na tinawag niyang anak si Khel.
Samantala sa opisina ni Khel ay nilock na ni Kay ang pinto sa opisina ng binata at…