Wheel of Life Chapter 14: Second Hit: Getting Stronger, Getting Sexier, and Getting Deadlier!
Dumaan ang mga araw at ginawa nga ni Khel ang sinabi niya kay Dolores. Araw araw, tuwing umaga, ay nagtraining sila ni Mr. Han. Malalakas na hampas ng wooden katana at madalas silang tumatakbo din ng mahabang lugar.
Matindi ang progress ni Khel sa training niya, matindi ang training ni Mr. Han at si Khel naman ay sumasabay din sa training ni Mr. Han. Namangha naman si Mr. Han dahil parang nakakuha ng bagong focus ang binata.
Alam ng binata na para malabanan si Joker, ay kailangan niyang gawin ito, masaktan man siya o ano man ay kailangan niyang wala ito kung ibig sabihin ay wala ng mamatay sa pamilya niya.
Nang weekend ay pumunta ang buong team bahay sa bahay nila Khel sa Atimonan, birthday kasi ng anak nila Rey at Gladys na si Belle at lahat siya ay masaya, nawala panandalian ang lungkot ni Khel dahil sa mga kapatid niya at masaya sila.
“Kuya! Next month po birthday ni Papa, tapos po birthday ko po, punta po kayo ulit ah” sabi ni Clar at ngumiti naman si Khel at tumango ito sa dalaga “sure baby Clar, ano ba gusto mong gift?” Sabi ni Khel at ngumiti ang dalaga.
“Uhm kuya, Barbie po” sabi ni Clar at ngumiti si Khek dito “sige, ilan ba?” Sabi ni Khel at natawa naman ang mga dalaga dito “grabe si Khel, wag mo spoil si Clar!” Sabi ni Liza at natawa naman si Camille
“Oo nga kuya, remember dati na kahit birthday ko eh di ako binibilan ng barbie ni mama?” Sabi ni Camille at tumango si Khel “Oo pero tanda ko din nung bata tayo, ako yung bumili ng unang barbie mo kasi ayaw ni Tita kay Barbie” sabi ni Khel at natawa ang mga dalaga
“Kuya paano ka po nakabili ng barbie?” Sabi ni Belle at ngumiti si Khel nun. “Ah nag work ako na delivery ng dyaryo dati, mag seventh birthday nun si Ate Camille niyo tapos sabi niya Barbie daw gusto niya” sabi ni Khel
“Tapos sinabi ko kay Tita na bibili ko siya ng barbie, tapos sinabihan siya ni Lolo na hayaan niya daw ako, so ayun nabili ko ng barbie si Cams” sabi ni Khel at natawa si Camille sa storya niya
“Pag bukas ko noon ugly cry talaga ako, as in! Tapos mula noon inalagaan ko yung barbie na regalo ni Kuya, hanggang ngayon nasa room ko pa yun” sabi ni Camille at tumawa naman si Khel.
“Oppa andaya, wala kaming stories nung bata kami with you, tanda ko lang nun training kay Ssabo-nim eh” sabi ni Winter at natawa ang binata sa sinabi ng kapatid niya sa kanya.
“Ano ka ba, eh di ngayon tayo gumawa ng memories together! Tapos sama natin sila Belle and Clar and syempre si Junjun din” sabi ni Khel at nagtawanan muna ang mga dalaga bago ngumiti si Ruby
“Ay naku Khel, dapat ipaalam natin sila na parents muna nila” sabi ni Ruby at natawa lalo si Khel at ngumiti si Ariel na buhat niya si Junjun “at kailangan lumaki muna si Junjun, di ba? Baby? Di ba?” Sabi ni Ariel sa batang hawak niya.
“Ah basta, Clar, sabihan mo ko anong itsura ng Barbie na gusto mo ah?” Sabi ni Khel st tumango ang batang dalaga at hinila ni Belle ang manggas ng Khel at natawa din ang binata dahil nakapout ang bunso niya
“Sige po baby Belle, ikaw din ibibili ko po ng Barbie din, tutal wala akong gift pa sayo ngayon” sabi ni Khel at natawa naman si Belle dito at ngumiti “yehey! Thank you Kuya!” Sabi ni Belle at natuwa ang dalaga.
Nagpatuloy ang party ni Belle at ng matapos ay ngumiti si Khel kay Rey bago umalis. “Anak, kamusta ka? Narinig ko kay Dolores eh malungkot ka daw” sabi ni Rey kay Khel st ngumiti lang ito ng konti.
“Okay lang naman pa, pero medyo malungkot lang pero I will still be okay, need ko po magpakatatag, buti na lang laging nandiyan sila Ariel at Karina” sabi ni Khel at tumingin ito sa mga dalaga at ngumiti ang binata naman dito.
“Sige, alam mo naman kung nasaan ako palagi di ba? Wag kang mag atubili na tawagan ako or puntahan okay?” Sabi ni Rey at ngumiti naman ang binata at tumango ito sa binata
“Salamat po pa, pero basta pa ah, take care of your family ah! Wag nang pasaway” sabi ni Khel at natawa naman ang ginoo at ngumisi ito “actually sinusubukan namin ng mama gladys mo na umisa pa eh” sabi ni Rey at natawa si Khel.
Nagkantahan sila gamit ang karaoke at nakaupo si Khel sa gitna ni Karina at Ariel, kumakanta si Ariel habang nakahilig ang ulo ni Khel kay Karina, pagod ang binata pero nakangiting nanonood kay Ariel.
Nang kumanta naman si Karina ay kay Ariel naman hinilig ang ulo niya, halatang pagod si Khel at alam ng mga tao sa bahay ito, lagi nilang napapansin na umiinom ito ng alak sa gabi at nag-cigar pa minsan.
Nagpaalam naman na ang team bahay sa party at pina-alalahanan ni Clar ang kuya niya sa Birthday nilang mag-ama, ngumiti si Khel st tumango ito at humalik na ang mga dalaga s abinata.
Pag-uwi ay nagsabi si Khel na magpapahinga na siya at nag-pahinga nga ang binata. Dito nakapag-usap ng masinsinan si Ariel at Karina dahil nagpahinga na din ang ibang dalaga maliban sa dalawang girlfriend ni Khel at si Camille.
“Karina, natatakot ako para kay Khel, why is he training so hard ba?” Sabi ni Ariel at napatango din si Camille “Oo nga, may something eh, baka mapahamak si Kuya if patuloy niyang gagawin ang mga yun” sabi ni Camille na napansin ang training ni Khel.
“Sa totoo lang, di lang kayo ang takot, ako din para kay Khel, Mom said that he needs to train, the training is a distraction dahil gustong habulin ni Khel yung pumatay kay Jessica” sabi ni Karina at nagulat ang dalawa
“Ano?! Bakit?! Karina! Bakit hahabulin ni Honey ang pumatay kay Jessica? Paano at sino ba yun?” Sabi ni Ariel at nakatingin lang si Camille sa kanila “Yun ba yung Joker na sinasabi ninyo dati?” Sabi ni Camille at nalungkot si Karina
Tumango ang dalaga at kinuwento niya ang tungkol kay Joker, gaya ng dati hindi niya sinabi ang mga bagay patungkol sa Yakuza, sinabi lang niya na baliw na manliligaw si Joker at si Joker at Akira ay iisa.
“Shit! So you mean to say na yung Akira na boyfriend ni Jessica, yung pumatay sa kanya, ang tunay na goal ay pahirapan si Khel?! All the while dahil sayo iyon?!” Sabi ni Ariel at tumango si Karina ng malungkot
Gaya ni Khel at naging malungkot din si Karina dahil alam niya ang totoo. Kumikilos di Joker dahil sa kanya at dahil sa kanya kaya target si Khel at plano ni Joker na pahirapan o baka patayin pa si Khel.
“Oo… and I’ve been so so down on myself pero ayaw ko lang ipakita kay Khel… iniisip ko tuloy, what if hindi na lang ako naging parte ng buhay ni Khel, mas masaya sana siya ngayon” sabi ni Karina at tinignan siya ni Ariel.
Tumayo naman si Camille at sinampal niya ang dalaga “tanga ka ba?!” Sabi ni Camille at nagulat naman si Karina at Ariel. “Ang tatanga ninyo kung ganyan kayo mag-isip!” Sabi ni Camille na naluluha.
“You think Kuya would be happy if he did not met you? Or any of you girls?! Mahal na mahal kayo ng Kuya ko! To the point na kaya yun nagtrain dahil ayaw niya siguro kayong magaya kay Jessica! Tapos iisipin ninyo na umalis?!” Sabi ni Camille sa mga dalaga
Tama naman si Camille, para kay Khel ay ginagawa niya ito para sa kanila, para protektahan sila, at si ayaw niya din masaktan ang kuya niya dahil paniguradong magagalit at masasaktan si Khel pag umalis ang isa sa mga dalaga
Yumakap naman si Karina sa dalaga at ngumiti ito “Sakit nun Cams ah” sabi ni Karina at tumango ito “I agree, hindi ako aalis at hindi ko iiwan si Khel, not now or ever” sabi ni Karina at tumango si Ariel
“I agree with that bestie, ikaw din Camille, we can only support Khel and make sure nothing happens to him, promise ko sa inyo I won’t let him do something stupid or dangerous” sabi ni Ariel at tumango ang mga dalaga
Dito nag-desisyon ang tatlong dalaga sa buhay ni Khel na bantayan ang binata, bantayan at suportahan siya kahit na nakakatakot ang mga naiisip nila na gustong gawin ni Khel.
Dumaan ang mga araw at inimbitahan si Khel sa pageant nila Winter at Aura, nakangiti naman si Khel na umattend kasama ng ina niya at kasama din sila Ariel at Karina.
Buong Team Bahay naman ay nandoon din at natuwa sila sa excitement ng dalawang bunso nila, lalo silang natuwa dahil nakangiti si Khel sa dalawang dalaga at ngumiti sila dito
“Oppa! Ano yung special prize naming if Manalo kami?” sabi ni Winter at ngumiti naman si Aura “Oo nga Kuya, whats our special prize?” sabi ni Aura at natawa naman si Khel at tinawag niya ang dalawa at natawa si Khel at ngumisi
Binulong ni Khel sa dalawang bunso ang prize nila “Kung sino manalo sa inyo, I would spend the weekend with you, this coming weekend, tayong dalawa lang” sabi ni Khel at nangiti ang dalawang dalaga
“Kuya, so tayo lang ah? Walang iba?” sabi ni Aura at tumango naman si Khel “Oppa! So if Manalo ako eh di I can do anything with you right? Kahit na give my v-card” sabi ni Winter naman at tumango naman si Khel.
“Yes, anything you want us to do eh we can do it” sabi ni Khel at ngumiti ng todo ang dalawang dalaga. “YEHEY!” sabi nilang dalawa at ngumisi sila sa mga ate nila at nagtaka naman sila.
“Honey? Ano sinabi mo dun sa dalawa?” sabi ni Ariel at tumango si Karina “Oo nga Jagi, nakangisi sila pareho oh” sabi ni Karina at Nakita nilang nagpractice lalo ang dalawang dalaga.
“I told them that whoever wins, will spend this weekend with me, kami lang” sabi ni Khel at natawa ito at nagulat ang mga girlfriends niya.
“ANO?!” sabi ng dalawa at natawa naman si Khel “Jagi ang daya mo ah! Bakit kami walang ganyan?” sabi ni Karina at natawa si Khel “Oo nga Honey! Nung nanalo ako last year di mo naman ako binigyan ng regalo na ganyan” sabi ni Ariel at natawa lang si Khel
“Eh kayo nga di niya ako pinapasok sa room ko eh” sabi ni Khel sa dalawang dalaga at ngumiti ito “I just wanna spend time with them, before closing everything out and being with you two” sabi ni Khel
Nagulat naman ang mga dalaga sa sinabi ni Khel, Parang iba kasi ang dating ng sinabi ni Khel, parang may proposal na mangyayare sa kanilang dalawa at ngumiti ang mga ito
“Oh my! Yes!” sabi ni Ariel at tumango si Karina “ako din yes!” sabi ni Karina at natawa naman si Khel at ngumiti ito “I know, pero I’ll make it special” sabi ni Khel at ngumiti ang mga dalaga
“Winter! Aura! Do your best ah?!” sabi ni Khel sa mga dalaga at tumango sila at nag thumbs up at nagpunta na sa upuan nila ang mga ate ng dalawa at si Khel.
Nakangiti naman si Khel kay Mr. Han na nakatayo sa gilid lang ni Dolores, si Khel naman ay nakaupo sa gitna, sa kaliwa niya ay si Ariel at Diva, si Karina at Dolores naman sa kanan niya.
Nagsimula naman ang pagrampa ng mga kandidata, gaya last year ay maganda ang rampahan ng mga dalaga, pero ang pagkakaiba lang ay hiwalay na ang lalaki sa babae ngayong taon.
Pumalakpak naman ang team bahay para kila Aura at tapos naman si Winter at nagsimula naman ng magpakilala ang mga kandidata, sa dalawa naman nauna si Aura.
“Good evening ladies and gentlemen, Hardwork and Charisma, those traits we were born with, Goodness and Respectfulness, those were traits we need to know, I’m Aurora Jean Cruz, a second year Business Ad Student nineteen years old and I believe that being respectful and kind is the AURA we need to have!” sabi ni Aura.
Palakpakan naman ang mga tao sa dalagang naka putting dress at naka ngiti ito sa lahat pero ang tingin ni Aura ay napako kay Khel at ngumiti si Khel sa kanya.
Nagpakilala naman din ang ibang kandidata naman at ang huli naman si Winter dahil siya ang last candidate nila at ngumiti ito dahil cute ang mukha ni Winter.
“Good Evening Ladies and Gentlemen! Annyeonghaseyo, Ohayo Gozaimasu, Magandang Gabi! No matter what your language is I only hope to give you a beautiful day! I’m Winter Giselle Gomez-Yuch, a second year Business Ad student, a nineteen year old and I believe that if you feel the chill of Winter, my smile will warm you up” sabi ni Winter
Nakangiti naman si Winter sa Kuya niya at nagbow ang dalaga at talaga namang cute ang nangyareng pagkakataon na Nakita nila at mukhang maagang lamang ni Winter.
Ngumiti naman si Khel at naalala niya na si Winter ay tinulungan ni Ariel at si Karina naman si Aura ang manok, away din pala ng mga dalaga ito at ngumiti si Khel.
“Kung sino Manalo, may weekend din ang coach nila some other time, baka next month?” sabi ni Khel at napatingin si Karina at Ariel sa kanya. “I’m serious, kayo din” sabi ni Khel at tumango ang dalawa at ngumiti sila.
Ngumiti naman sila kila Aura at Winter at sumunod naman ay ang kanilang personal talents at excited ang lahat sa Nakita nila dahil alam nil ana maganda ang talent show na ito.
Gaya kanina ay nauna si Aura, nakangiti ito sa mga tao dahil sa outfit nito short shorts na itim, sando at leather jacket, pero ang nakakakuha ng atensyon ay ang kanyang thigh high boots at sumayaw ang dalaga.
Walang dudang magaling sumayaw si Aura, mas magaling pa kay Ariel kaya naman matindi ang giling at pop and lock movements niya na para bang robot itong dalaga at napaka graceful naman din nito.
Palakpakan ang mga dalaga at tumayo pa ang mga ito at ngumiti si Aura habang hingal ang dalaga, nangiti naman si Khel sa kanya at nag-thumbs up din siya.
Ngumiti naman si Aura at yumakap si Winter sa dalaga at naka costume ang dalaga din at ngumiti ito “grabe ang hirap naman talunin nun Bestie!” sabi ni Winter at ngumiti si Aura “Thank you Bestie! Galingan mo din ah?!” sabi ni Aura at nag-akap ang dalawa.
Nagpatuloy naman ang talent portion nila at ngumiti naman si Khel sa turn ni Winter dahil lumabas ito ng naka pink na kimono, pero maikli ang kimono na suot niya at hanggang tuhod ito, nakasuot din ng long socks ang dalaga at sneakers.
Lumuhod si Winter sa gitna ng stage at nag-bow, may background effects pa na Japanese music ito at ngumisi naman si Winter na nag-bow sa audience.
Natawa naman si Khel dahil ang cute ni Winter at vinivideo-han pa siya ng ina ni Khel at natatawa lalo ang mga kapatid niya sa ina. (Isipin niyo ang nanay ng mean girls)
Tinali ni Winter ang kanyang mangas at tumayo ito hawak ang katana niya, totoong katana ang dala ng dalaga, nagulat naman ang mga nanonood maliban sa team bahay.
“Aba, mukhang praktisado si Winter ah” sabi ni Camille at ngumisi si Ariel “Syempre, praktisado kami niyan” sabi ni Ariel at natawa naman si Khel
Pumorma naman si Winter at lahat ay nagulat dahil hinati niya ang isang papel na target at tapos pumorma ulit ito, nakangiti si Winter at tumingin siya sa mga sugar cane at hinati niya ito pero may naiwan na isa pero tuwang tuwa ang mga tao ng matapos ang presentation ni Winter.
Nag-pout naman ng cute si Winter at nag-bow din at cute itong umalis at natawa naman si Khel at umiling ito kay Mr. Han na natatawa din ang guro ng dalaga at ngumiti si Khel.
“Bestie I couldn’t do well sa dulo” sabi naman ni Winter at ngumiti lang si Aura “Bestie you had a good opening! Talo mo kaya ako, so lets move na to evening gown na lang at dun tayo bumawi” sabi ni Aura at tumango naman si Winter at tumango naman ang dalaga.
Nagrampa naman sumunod ang mga dalaga gamit ang kanilang mga evening gowns, naka-baby blue na evening gown si Winter at nakalabas ang likod nito. Pero pagdating sa shape ng katawan, panalo si Aura at kapansin pansin ito sa mala Catriona Gray na gown ng dalaga (yung red sa Ms. Universe, isipin niyo yun pero kulay black and gray siya)
Palakpakan naman ang mga tao at sinimulan na nila ang sabihin ang mga nanalo, ang huling dalawa ay si Aura at Winter na Top 2 sa mga dalaga, napakamot ng ulo si Khel ng makita niya ito.
“Shit, kawawa naman yung second place if ever” sabi ni Khel at natawa naman sila Ariel at Karina “Winter’s cutie-sexy concept would win, kahit na kapatid ko pa kalaban niya” sabi ni Ariel
Natawa nmaan si Karina at ngumisi ito “Oh no, Aura’s cool and sexy vibe, matched with her mysterious look would definitely win” sabi naman ni Karina
“And the winner for this Year’s Ms. University is” sabi ng host at ngumiti si Winter at Aura “Bestie Good Luck!” sabi ni Aura at tumango si Winter “Basta Bestie no bad feelings tayo” sabi ni Winter at ngumiti si Aura.
“Aurora Jean Cruz!” sabi ng host at natuwa naman sila Winter kay Aura dahil napayakap ito sa dalaga at ang mga dalaga naman ay todo palakpak.
Nasa stage din pala si Ariel dala ang crown from last year at binigay niya ito sa kapatid at ngumiti naman si Aura at yumakap din si Ariel sa kanya
Nagkatawanan naman sa picturan at si Ariel at Karina din ay nagpapicture sa mga girlfriend niya at ngumiti ito sa binata at ngumiti din si Khel at lumapit sa kanila sila Winter at Aura.
Nagpapicture si Aura at ngumiti ito sa binata at tumango naman ang binata “So Aalis tayo bukas pala” sabi ni Khel at ngumiti ang dalaga at tumango ito at yumakap kay Khel
“Opo kuya! Tayo lang ah?!” sabi ni Aura at natawa naman si Khel at tumango din siya. “Opo Madam Aurora” sabi ni Khel at natawa naman ang dalaga at ngumiti ito kay Winter
“Better luck next time Winwin ko ah! I love you! Congrats on your silver!” sabi ni Khel at ngumiti si Winter pero nag-pout ito “Daya kasi, I wasn’t able to get the proper footing” sabi ni Winter at natawa ang mga dalaga
Ngumiti naman si Khel at tumawa ang binata sa kanya at nagpicturan pa sila sa event ni Aura at Winter, nakalabas sila halos wala ng tao sa parking lot ng mga bandang alas siyete
“Michael, punta kayo sa amin ah! I had dinner prepared for all of us” sabi ni Diva at tumango naman ang binata “sure Mommy! Punta kami doon” sabi Khel at nagpunta sila sa sasakyan ni Khel kasama sila Ariel at Aura habang sa kotse nila Diva sumakay ang dalawang bunso at mga ina nila.
Si Camille naman ay kasama nila Khel din at si Ruby at Liza ay nagpasundo kay Migz na kasama nilang manuod, pero napatigil si Khel sa Nakita niya, nag mag spray paint sa kotse niya.
“You’re Next” sabi ng warning at may nakaipit na note sa windshield ng G-Wagon ni Khel at nagulat ang binata sa Nakita niya, alam niya kung sino may gawa nito at alam niya din kung bakit.
Makikita naman sa sulat ang isang mensahe para kay Khel “Hello there Michael, Kamusta ka? It seems you’re doing well even though you caused a death to your friend! So glad to know that you are cleaning up all your loose ends but just take note, you can’t clip all of them! I’ll be sure to give you a visit soon! Oh and tell Oyabun that her freezing our assets is just a minor setback, like you taking away my Karina! I’ll see you soon! – Joker” sabi ng sulat at nainis si Khel sa nangyare.
Nakita ni Karina ang sulat at binasa niya, nakibasa din si Camille at Ariel, nagulat ang mga dalaga at napapunta si Mr. Han sa kanila at nagsalita ito.
“We were able to see who did this and interrogate him, he said that a certain Sam ordered him to do it in exchange for Money” sabi ni Mr. Han na kinagulat ni Khel at Ariel
Napatingin si Karina sa kanila at naalala niya yung Sam, siya yung bumaril sa dalaga na buti na lang ay may body armor sila noon. Ngumiti si Karina dahil di makapaniwala ang dalaga at umiling na lang si Khel dito.
“Thank you for that Mr. Han, nothing a new paint job couldn’t fix, lets just go to Mommy’s house and tell Ma” sabi ni Khel at tumango ang mga dalaga.
Tahimik lang si Khel, di ito galit kahit na sabihin mong usually magagalit ang kahit na sinong tao dito kapag nangyare sa kanila ang ganito. Nakauwi naman sila Khel sa bahay nila Diva at kinuwento nila ang nangyare at umiling si Diva at Dolores sa mga nalaman nila.
“Grabe naman yang si Sam! Tumakas pa kasi sa kulungan tapos ngayon ganyan ganyan siya!” Sabi ni Diva at tumango naman si Dolores “I think I’d have more people watch over you guys, para safe kayo” sabi ni Dolores at tumango ang mga dalaga.
…