——
Magkatabi kami sa sofa sa sala ng apartment na tinutuluyan ko habang nagkakape at nag-uusap.
“Babe… That’s just my proposal…” bigkas ni Marty. “I know it’s going to be a big move on your part so hindi talaga kita mamadaliin this time. Mas gusto kong pag-isipan mo yun talaga nang mabuti…”
Saka niya nilapag ang coffee mug niya sa center table at saka sumandal sa sofa. Naubos na niya ang kape niya.
“Sige pag-iisipan ko babe…” tugon ko.
Nilingon ko siya. Kahit side view lang ang tanaw ko ay nakikita ko yung antok at pagod sa mukha niya. Kahit pa uminom na siya ng kape. Maya maya pa ay iniakbay niya ang braso niya sa balikat ko kaya napasandal ako sa kanya. Ako man ay dama na rin ang pagod at antok. Kaya nagsimula ako mag-alala para sa kanya.
“Babe… Bukas ka na kaya umuwi…” bulong ko.
“Hah?”
“Kitang kita ko yung pagod lalo na yung antok sa mga mata mo eh…” tugon ko. “Baka mapano ka sa daan…”
“Kaya ko pa magdrive babe…” sagot niya at akmang tatayo.
Pero inunahan ko siya dahil desidido talaga ako. Gusto kong makasiguradong walang mangyayaring masama sa kanya. Kaya mabilis ko siyang ginapang hanggang makapwesto ako ng nakakandong paharap sa kanya.
“Babe please… Obvious talaga na antok ka na eh…”
“Ehhh… Don’t worry babe kaya-“
Di ko na pinapatapos yung sasabihin niya. Siniil ko ng halik ang mga labi nya habang nakahawak sa magkabila niyang pisngi.
“Babe…” bulong ko ng magkalas ang mga labi namin. Tinitigan ko siya sa mata. “Ikaw naman yung ayokong pauwiin ngayon…”
Bumuntong hininga siya.
“Fine babe!” bulong niya sabay ngiti. “Sige, to be fair, and not to make worry, I’ll stay here for the night…”
Dala ng tuwa dahil nagtagumpay ako, muli ko siyang hinalikan. Maya maya pa ay nasa kama na kami at nakahiga. Onting kwentuhan lang at talagang tuluyan na kaming tinangay ng antok.
Una akong nagising sa kanya kinabukasan. Nagdesisyon akong di muna siya gisingin. Naligo muna ako. Pagkalabas ko ng banyo ko ay dun ko lang siya ginising.
“Good morning babe!” bati niya. Tapos saka niya ako hinalikan sa noo tapos sa pisngi, tapos sa lips.
“Wow! Natandaan mo agad!” nakangiti kong sabi.
“Sabi ko sa yo eh… I’ll remember it by heart…” bulong niya. “Bakit di mo ko ginising agad? Para nakasabay ako maligo…”
Hinalikan ko siya sa labi.
“Babe… Kase po…” bwelo ko. “Siguradong malalate ako pag nagsabay tayo maligo…”
“Grabe malalate talaga?” tanong niya.
“Oo! Alangan namang maligo tayo nang sabay tapos walang mangyayaring sex…” dagdag ko pa. “Imposible na ata sa atin yung ganun…”
Napahagikgik siya. Saka siya bumangon.
“It’s either ikaw or ako or both tayong di makakatiis pag nakita nating hubad ang isa’t isa…” dagdag ko pa.
Dun na siya natawa.
“Makes sense… You’re accurate on that one.” tugon niya. Saka siya humalik muna sa akin bago nagtungo ng banyo para maligo.
Loko, sinadyang hindi isara yung pinto ng banyo. Effort na effort tuloy akong pigilan yung sarili ko na sundan at pasukin siya sa loob. Ilang beses ko pang inulit ulit sa isipan ko na malalate ako habang nagbibihis.
Maya maya ay lumabas na siya ng bagong ligo. Sobrang gigil ko ay binato ko siya ng unan.
“Bwiset ka babe! Sara mo yung pinto next time!” natatawa kong sagot.
“Hah? Ano naman kung iniwan kong nakabukas…” maang-maangan pa niya.
Tinignan ko siya ng masama pero naka-pouty lips.
“Oo nah!” natatawang sabi niya. “Grabe nakaabang talaga ako sa pinto habang naliligo…”
Nagkape muna kami saka light breakfast. May car ako pero dahil coding ako pag Monday, usually nagcocommute lang ako papuntang work. Siyempre di na ako tumanggi nang magpresinta si Marty na ihatid muna ako.
“Babe, sunduin nalang kaya kita every Monday…” presinta niya habang nagmamaneho.
“Ehhh… Di ba hassle sa iyo yung ganun? Maabala ka pa… Paano work mo?”
Tumawa muna siya. “Di ba nga free-lancer ako… Hawak ko oras ko…”
Nag-isip muna ako. Saka ako pumayag. Tinuro ko sa kanya yung mga diskarte ko sa daan pag papunta ako office. Kung saan magandang dumaan para mas iwas traffic.
“Babe… Sunduin uli kita mamaya ah!” sabi niya. Napa-oo nalang ako dahil kitang kita naman na desidido siya.
—–
“What? Live-in?” tanong ni Mila habang naglulunch kami nang i-open up ko sa kanya yung proposal ni Marty kagabi. “Hmmm… well may point naman siya… I mean mas practical nga naman yung ganun… Kesa monthly ka nagbabayad ng rent, edi i-savings mo nalang yun…”
“Pero bess… Di ba parang sobrang bilis naman nun?”
“Wow ha! Ngayon mo pa talaga naisip yung mabilis kayo masyado?” pang-asar niya. “Besides, you’re already 27… 28 na actually next month… Di na tayo bata para pilitin pa yung conservative setup ng relationships…”
“Di nga bess… Seryoso ako… Di ba parang sobrang ibinibigay ko na agad yung sarili ko nang tuluyan sa kanya?”
“Well oo! As if namang hindi pa!” pang-asar pa niya.
Kaya kinunotan ko siya ng kilay.
“Ganun nga yung kalalabasan nun… Pero bess…” bwelo ni Mila. “What’s the point of being in a relationship with someone kung di mo naman nakikita yung long-term future mo with that person?”
Napaisip ako sa sinabi niya.
“Do you see yourself ba na talagang siya na?” mapanghamon na tanong ni Mila sa akin.
“Oo!” mabilis kong sagot. “Kahit sobrang bilis namin… Kahit paano, ramdam ko naman sa sarili ko na ayaw ko na siya pakawalan…”
“And there’s your answer!” tugon niya. “Besides… Pwede niyong gamitin yun para itest kung paano magwowork out yung relationship niyo. Kumbaga beta-test ng married life…”
“Think about it besh… Andaming pwedeng puntahan ng ibinabayad mo monthly sa renta mo… You can save that instead para sa future niyong dalawa…”
Napatingin ako sa kinakain ko.
“Eh… Iniisip ko rin yung sasabihin ng mga tao…” pag-amin ko.
“Ohmayghaaadd! Bess hellooow! Nasa modern age na tayo!” tugon niya. “Hindi na krimen ang live-in ngayon!”
Napabuntong hininga ako.
“Bess… last food for thought ko tungkol diyan…” pahabol pa ni Mila. “Desisyon mo yan… Basta ang akin lang, pag-isipan mong mabuti kung saan ka magiging mas masaya… The fuck with what the people will say! Good or bad, kahit ano naman gawin mo, i-jujudge at i-jujudge ka ng society… Kung ganun rin lang, edi dun ka na kung saan ka magiging mas…