Part 1
The Valkyries
By: Balderic
“What do you think of making a team?” Nakangiting tanong ni Cifer Black kay Gabriel habang nakatigil ang kotse sa gilid ng kalsada. Magkatitig ang dalawa at tahimik naman si Karen, hinimas nito ang tiyan nya.
“No.” Maikling sagot ni Gabriel.
“No? Why not?” Pagkagulat ni Cifer.
“I’m done fighting. This war is not my battle anymore. I had given enough for the world and all it gave me was more conflict. After I defeated some random bad guy, another one pops up. It would never stop. This is why I am done with it.”
“I don’t understand. Haven’t you heard what I said? SAMAEL is coming. Not now, not tomorrow but he is coming. And once he arrives, this battle will not be for me or for you, it will be for everyone.”
“My battle Cifer, is for my family.” Inakbayan ni Gabriel ang misis nyang si Karen at hinalikan sa gilid ng noo. Tinignan naman ni Cifer ang tiyan ni Karen na medyo malaki na. Napangiti ito.
“So the great Gabriel Marasigan is hanging down his cape in exchange for his new family. I see, I totally understand.”
Huminto ang isang grey na kotse katabi ng sasakyan nina Gabriel. Bumaba dito ang isang japanese na lalake sa driver seat at binuksan ang sasakyan saka bumaba si Himeko. Kapansin-pansin ang artificial arm neto na nakakabit sa naputol nyang braso. Binuksan nya ang driver seat ng kotse ni Gabriel upang makalabas ang amo nyang si Cifer. Tinignan ni Cifer si Karen.
“Is it a boy? “ tanong neto.
“A girl. “
“Wow, congratulations to you both. Well Gabriel if that’s your choice then I cannot force you to do what I told you but be wary, because the darkness is rising and it won’t take long before the wind spreads it all over the world. Once you decide to change your mind, you know how to find me.” Bumaba si Cifer at sumakay ito sa grey na kotse. Sinilip ni Himeko ang mag asawa at may inabot itong sobre kay Gabriel.
“It’s from my sister.” Wika neto. Nag bow ito bago sumakay sa kotse na grey at umalis. Binuksan ni Gabriel ang sobre at isang cheke ang laman neto na nagkakahalaga ng limang milyong dolyar. Regalo neto sa mag asawa.
“Sosyal si Yumiko ha, nambibigay nalang ng milyones.” Wika ni Karen.
“Eh negosyante asawa nun eh tsaka malaki rin ang kompanya nya sa Japan. Oi may sulat sa loob.” Binuklat neto ang liham.
“Master, first of all I would like to congratulate you on your wedding day. I’m sorry I was not able to attend because of personal matters. But I did sent you a gift so you may be able to start working there after your private eye office was destroyed. My sister told me about Samael and why she is leaving again to join Cifer Black. I know he is going to ask you to join him but I know you will not accept it. But in case if you do, I am always ready to assist you as always. Right now, I am focusing on my family’s company and my baby that I am expecting on the few months to come. I hope we can meet each other again someday, you and your family are always welcome here in the Ashura house. I will miss you always….Yumiko. “
Tumaas ang kilay ni Karen matapos makibasa sa sulat.
“Abaaa, may pamiss miss pang nalalaman ha.”
“Hehe ikaw naman. Hinde naman na iba si Yumiko sa atin di ba.”
“Joke lang. Seryoso mo. Anyway, wala na tayong driver Gab-gab, pano ba yan?”
“Oo nga eh. Tarantadong Cifer yun, iniwan lang tayo sa gitna ng daan.”
———-
By: Balderic
6 Months Later in the Vietnamese Jungle
0200H
Tatlong naka black suit ang dahan dahang gumagapang mula sa ibabaw ng burol pababa sa isang kampo ng mga tulisan. Ang kampong ito ay dating ginamit ng mga komunista noong vietnam war pero ngayon ay ginagamit na itong hideout ng ilang mga grupo ng mga sindikato.
Ang tatlong nilalang na tila ahas at tahimik na kumikilos ay nakasuot ng black semi kevlar helmets at mask na may night vision goggles. Ang nasa gitna ay sumenyas sa isang kasama nya at gumapang ito patungo sa kanan. Ganun rin ang sa kabila at papunta naman ito sa kaliwa.
“Remember girls, slow and easy. We do not want them waking up guns blazing alright.” Wika ng isang babae sa earphones ng grupo.
Sa langit naman ay may isang maliit na drone at tahimik itong lumilipad sa ibabaw ng kampo. Hinde ito napapansin ng mga naglalakad na mga bantay. Ang drone ay may night vision sight at kayang mag detect ng body heat sa gitna ng dilim. Ang lahat ng mga sentry guards na nadetect neto ay nilagyan nya ng tag at sinend sa tatlong babaeng gumagapang patungo sa kampo.
“All targets are tagged. It’s up to you to neutralize them or avoid them. Goodluck girls.” Wika muli ng babae sa earphone.
Nakarating ang tatlo sa barbed wire na perimeter. Maingat nilang pinutol at ito at gumapang papasok. May dalawang bantay na masayang nag uusap at naglalaro ng baraha malapit sa isang military truck. Gumapang ang isang babae sa ilalim ng truck. Nilabas nito ang isang tranquilizer gun.
“ptuv!” “ugh!” tinamaan sa leeg ang isa at nakatulog ito. Bago pa man maka react ang kasama nya ay nabaril rin ito ng tranq gun. Hinila ng babae ang dalawa at tinago sa mga damuhan.
Sa kabila namang bahagi ng kampo, pumasok rin ang isang babae sa isang kubo na puno ng mga tauhang natutulog. Isa isang pinagbabaril ang mga ito ng tranq gun. Subalit may isang galing sa cr ang nakalabas at nakita ang nakatayong tao sa gitna ng kubo. Bago ito makasigaw ay nabaril ito sa leeg ng tranq gun.
“This is Cassandra, I’m out of dozers.” Report ng babae.
“Okay Cassandra, just be careful.” Sagot naman ng babae sa intercom.
“Wait, how come whenever someone is out of tranq darts, it’s always Cassandra? Why is that? “ sabat naman ng isang babae na tila mas bata ang boses sa intercom.
“It’s because numbnuts I am always facing more opponents in every mission.” Sagot naman ni Cassandra.
“Okay Cass focus. Barbara, stop intervening in the intercom.” Sagot naman ng boss nilang babae.
“Sorry ma’am hihi. ”
Napa iling si Cassandra bago ito lumabas ng kubo at pumunta sa mas malaking kubo na target nila.
“This is team leader Athena, I am inside the headquarters. Searching for the target item now.” Gumapang si Athena sa ilalim ng mga lamesa at papunta sa isang maliit na vault room na gawa sa semento at bakal na pinto. May coded lock ito at dahan dahang pinihit ni Athena habang pinapakinggan ang clicking sa loob.
“Athena there’s three targets going into your building, be warned.” Radio naman ng isa pang babae na nasa itaas ng burol at nakadapa ito na may hawak na sniper rifle at may night vision scope.
Tatlong lalakeng bantay ang pumasok sa loob ng gusali. Binuksan ng isa ang ilaw. Tinignan ng tatlo ang paligid pero tahimik. Walang kamalay-malay na nasa isang wooden beam sa may kisame nakasabit si Athena at tahimik silang minamanmanan. Naghiwalay ang tatlo. Ang isang naiwan sa may pinto ay inatake ni Athena. Sinakal nya ito gamit ang kanyang mga hita at binti. Umangat ang katawan ng lalake at hinde naka imik hanggang mawalang ng malay. Maingat na ibinaba ito ni Athena at bumaba rin sya saka maingat na nilapitan ang lalakeng nakatayo sa harapan ng vault door.
“BRAGG!” Isang malakas na tunog sa bakal na vault door nang ihampas ni Athena ang ulo ng lalake. Narinig ito ng ikatlong lalake na nasa loob ng banyo. Nagmamadali itong lumabas at pinuntahan ang ingay. Nakita nyang nakahandusay ang kasama nya. Bigla itong sinakal ni Athena na nasa likod na nya. Nilabas ang isang dagger at tinutok sa leeg ng lalake.
“Open the vault.” Wika ni Athena sa vietnamese na linguahe. Umiling ang lalake.
“TSAKK!” “UNGGHH!! “ Sinaksak ni Athena sa tagiliran ang lalake at hirap itong makasigaw nang takpan ng babae ang bunganga nito.
“Open it.” Bulong muli ni Athena. Inabot ng lalake ang lock at binuksan nya ito. Sinakal ito ni Athena hanggang makatulog. Pumasok sya sa vault pero tumigil sya nang makitang may apat na trip wires sa bukas na pinto at nakakabit ang mga ito sa naglalakihang claymore mines. Hinde sya makapasok.
“Shit, the vault is bobbie trapped. I have to disarm the mines.” Report ni Athena.
“Don’t worry Team Leader, I’m coming in.” sagot ng isang kasama nyang pumasok na rin sa gusali habang si Cassandra naman ay nagtatago sa labas at nakabantay.
“Hurry up girls, we don’t have much time.” Wika naman ng boss nila.
“Good mornin’. “ bati ng kasama ni Athena sa kanya. Tinanggal nito ang mask at helmet nya. Isang magandang black american at kulot ang buhaghag na buhok ang bumungad. Nakangiti ito at kita ang maputi netong mga ngipin.
“Hello Yvonne. Sorry for the delay.”
“Nah, it’s fine. Sit tight, this could be tricky.” Nagsimula si Yvonne na e disarma ang mga bomba.
Umabot ng halos tatlong minuto matapos nyang ma disarm lahat. Pumasok ang dalawa at hinalungkat ang loob ng vault. Dito nila nakuha ang limang external hard drives.
“Command, we have the items. Proceeding to extraction point.” Wika ni Athena.
“Good, you have 15 minutes until extraction arrives. Hurry.”
Tactical ang pagtakas ng tatlo. Walang ingay, walang gusot. Walang nakaka-alam na pinasok na ang kampo. Pagkatapos nilang makalabas ng kampo ay maingat silang dumiretso sa Extraction Zone (EZ) habang tinatakpan ang kanilang tracks upang di sila masundan.
Sa isang dapampasigan ang kanilang EZ. Nakarating sila nang maayos at may sumalubong na boat raft sa kanila. Sumakay ang apat at naglakbay sa tahimik na dagat. Nang makarating sa tila pusod ng karagatan ay lumutang ang isang malapad na submarine vehicle na hugis manta ray. Umakyat dito ang mga babae at pumasok na sila sa malaking sasakyang sabmarino.
Sa loob ay dumiretso sila sa bridge at sinalubong sila ng babae nilang boss. Maganda ito, nasa 5’9 ang tangkad at ang edad na tinatantyang nasa 40s. Ang pangalan nito ay si Victoria Marquez, dating myembro ng Valkyries pero ngayon sya na ang namumuno sa mga ito bilang Vanguard Commander ng Armed Division ng Cerberus Organization. Nakipagkamay sa kanya si Athena. Hinubad ng babae ang helmet at mask. Maganda si Athena na lahing greek at italian. Maputi ito at makinis ang balat at nasa 5’7 ang tangkad at 25 years old.
Ibignigay ni Athena ang nakuha nilang drives kay Victoria. Napangiti ang boss nila. Inutusan ni Victoria ang isang communicator upang tawagan ang commanding chief ng Armed Division, codenamed Bossman.
“How’s the mission Victoria? ” tanong ng isang lalake.
“It went without a hitch Bossman. We retrieved the hard drives containing operation files and development datas for SAMAEL’s rumored superweapon the so called BLACK SUN.”
“That’s good. That drives would have been in the wrong hands if the Syndicate sold it to SAMAEL’s men. How’s the girls? ”
“We’re doing fine Bossman! “ sabay sabay na sagot ng limang babae. Hinubad ng tatlo ang helmet at mask nila. At ang isa namang pinakabata sa kanila na nananatili lang sa loob ng submarine.
“I have approved your new Housemaster and he is expected to report to The Leviathan in 3 days. He will be in Indonesia.” Wika muli ng Bossman.
“Affirmative Bossman. We will take care of the arrangements.” Sagot naman ni Victoria.
“So what do you think? Is our new housemaster good looking? ” tanong ni Barbara na pinakabata sa limang Valkyrie.
“Why? So you can bug him just like the last one?” wika naman ni Bellatrix, ang sniper specialist ng lima.
“No, I don’t do that anymore. I’m a grown woman.”
“The only things that grow are your money bags.” Sabat naman ni Yvonne sabay himas sa malalaking suso ni Barbara.
“Heey! Stop it! “ tinapik nito ang kamay ni Yvonne at umalis ang amerikanang naka ngiti.
“Victoria, any leads on Hikari Oda?” wika ng Bossman.
“Nothing yet Bossman. But we are scouring the globe for her. God knows where that crazy bitch went.” Sagot naman ni Victoria habang natahimik naman si Cassandra nang marinig ang pangalang Hikari Oda. Napansin ito ni Athena bago lumabas sa bridge si Cassandra.
Sinundan ni Athena ang kasama.
“Cassie.” Tawag ni Athena. Tumigil naman si Cassandra.
“Are you okay?” tanong neto kay Cassandra.
“I’m fine.”
“Hikari Oda, we will find her and bring her home.”
“I don’t want her back here.”
“Why? She’s your former mentor right?”
“Yes, that’s why I’m the only one who should kill her.” Sabay alis ni Cassandra.
———-
By: Balderic
Bali, Indonesia
Nakatambay ang isang binata sa gilid ng waiting shed malapit sa isang fish port. Naka suot ito ng black shades, white polo shirt, dark slacks at polished shoes. May backpack ito na nakasaklay sa likod nya. 15 minutes na itong nakatambay sa lugar. Pinagmamasdan nya ang mga tao sa paligid.
Isang dalagang 5’0 ang tangkad, maputi ito at naka suot ng thin strapped tube at pekpek shorts. Sa laki ng suso neto ay umaalog alog ito bawat hakbang. Nginitian nito ang binata pero umiwas ng tingin ang lalake. Nawala ang ngiti ng cute na babae at nilapitan ang binata.
“John Trinidad? ” tanong neto. Napansin nya ang reaction ng binatang nagulat dahil alam ang pangalan nya.
“How did you.. ”
“Pinoy ka di ba? Ako nga pala si Barbara Mojica. Nice to finally meet you.”
“Um, Valkyrie ka? ”
“Oo naman, ano tingin mo sakin pokpok? Kaya ka umiwas ng tingin ano? Bakit? Nahihiya ka? Kahit tanghali ngayon, maraming nagbebenta ng laman, so tingin mo ganun ako? “
“Um hinde naman. Hinde lang ako sanay na nakikipagtitigan sa di ko kilala.”
“Asus, pavirgin pa ‘to hahaha! ”
“Teka, bakit ganyan suot mo?”
“Undercover ako gago. Bakit, gusto mong naka full tactical suit ako? ”
“Ikaw ba sundo ko? ”
“Oo kaya nga nandito na ako eh. Ano, yan lang ba dala mo? “ Sabay sipat sa bag ni John.
“Yup, nandito nang lahat.”
“Dala mo ba lahat? Toothbrush, toothpaste, towel, brief… “
“nandito na… thanks. “ tila naiilang ito sa kabalbalan ni Barbara.
“Condom?”
“Ha?”
“Wala kang dalang condom!?”
“Eh ano namang gagawin ko sa condom!?”
“Barbara stop bugging the man and bring him here now.” Wika ni Victoria sa earphone ni Barbara.
“Haisst, tara na nga.” Sinundan ni John si Barbara papunta sa isang boat raft. May isang lalakeng naka glasses ang nakatayo sa bangka. Tumango ito kay John at inabot ni John ang order papers nya. Chinek ito ng lalake at binalik sa kanya saka sya pinasakay sa boat raft.
Nagsimulang magbyahe ang tatlo. Magkatabi si John at Barbara.
“Dati ka palang pulis. Bakit umalis ka sa serbisyo? “ tanong ni Barbara.
“Mas nakita ko ang potensyal ko sa Cerberus.”
“Oh? Eh di ba na assign ka sa Tech Division? Bakit dun ka napunta eh pulis ka, so dapat nasa Armed Division ka.” Nagroll ang mga mata ni John sa sinabi ni Barbara.
“Non-reactive ako sa Valkyria. Kaya ang second asset ko nalang ang nagamit ko which is more on tech assitance.”
“Ay sayang naman. Sabagay, wala nang lalakeng naging reactive simula nung madevelop ang bagong serum ng Valkyria. Most test subjects ay either walang epekto, nasisiraan ng ulo or minsan namamatay. Swerte mo di ka namatay.” Tumaas ang kilay ni John sa kakulitan ni Barbara. Ilang segundong nanahimik ang dalawa.
“….. or nasiraan ng ulo… “ biglang patuloy ni Barbara. Umiling nalang si John at tinignan ang lalakeng nag ooperate ng boat raft. Caucasian ang lahi nito at tahimik lang sa likod ng bangka. Ngumiti ito kay John sandali at bumalik ang tanaw sa dagat.
“Ilang taon kana John? ”
“27, ikaw? ”
“Kaka 18 ko lang this year. Hihihi, ang hot ko na ano kahit batang bata pa ako.” Inipit nito ang mga suso nya at lumubo pataas ang cleavage netong ipit na ipit ng suot nyang damit. Umiwas muli ng titig si John.
“Buti at pinay ka. Kaunti lang nakikita kong lahing pilipino sa Cerberus eh.” Iniba kaagad ni John ang usapan.
“Ako lang ang pinay sa Valkyries. Yung apat mga mongoloid. Hihihi.”
“Ganito ka ba kadaldal Barbara?”
“Bakit? Turn off ba ako sayo?” nagpacute ito kaagad ng mga mata na animo’y malungkot na puppy.
“Ineexpect ko kasi ang isang highly professional na myembro ng Vanguard kapag isang Valkyrie eh.”
“Abaaa… minamaliit mo ba ako? Di ka ba nagtataka na sa bata kong ito, myembro na ako ng Valkyrie? Ako ang tech expert at hacker ng grupo. Hinde makakagalaw ng maayos ang apat kong kasama kung di dahil sa support ko. Master rin ako ng close quarter combat at gunmanship. Most likely mas epektibo pa ako sayo sa combat kahit pulis ka pa. Hmph! ”
“Pasensya na, ang daldal mo kasi.”
“Eh na bobored ako eh! Ano bang gagawin ko? Tsaka new member ka sa grupo, so at least man lang magkakilalahan tayo. Tsaka pinoy ka rin tulad ko. Tsaka gusto ko rin malaman… “
” Oo na. Please.. okay na. Okay na. “ pinigilan nito si Barbara sa patuloy na pagdadaldal.
Ilang segundo ring natahimik si Barbara. Tahimik ring nakaupo si John.
“…may asawa ka na ba? “
“Oh God… malayo pa ba? Please lang… “ napaface palm si John.
“We’re here! “ wika ng boatman. Tumigil ang kanilang bangka sa gitna ng laot. Ilang minuto at dahan dahang lumutang ang isang napakalaking submarine. Namangha si John sa laki neto at itsura. Para itong spaceship sa dagat. May logo ng Cerberus sa gilid at kulay dark blue ang buong ship. Sumampa ang tatlo at sa loob ay nagreport si John Trinidad sa bridge.
“John Trinidad reporting for duty ma’am.” Saludo neto kay Victoria. Sa likod naman ni Victoria ang apat na Valkyries.
“Welcome to the Leviathan, housemaster. Let me introduce to you our very own Valkyries. I am sure you know all of them by now but a personal greeting is good manners.” Lumapit ito sa pinaka kaliwa na nakatayo, si Athena.
“This is Athena Celeste, the Team Leader of the group. Expert in various types of tactics and combats. Experienced in different combat scenarios but still a…