Wings Of The Valkyrie 2

“IT IS BEING TAKEN CARE OF. FOR NOW, PROCEED ON YOUR TASK. HOWEVER, I WANT YOU TO STAY LOW OR THE VALKYRIES MIGHT ATTACK YOU AT ANY MOMENT.”

“Ye… yes my LORD.” Nakahinga na lamang ito nang maluwag nang matapos ang videocall.

Isang kilometro mula sa boundary ng kampo ay nakahanap ng pwesto sa ibabaw ng isang malaking tipak ng bato si Bellatrix. Dahil sa suot netong Desert Chameleon suit, imposible itong makita mula sa kampo. Isang high-tech suit ang sinusuot ng mga Valkyrie. Nagbabago ang kulay neto at nagmamatch sa kapaligiran. Pero limitado lang ang kaya netong magaya kaya napili nila ang Desert type ng suit na ito. Sa ngayon ay nagkulay desyerto ang kanilang mga suit. Sinet-up kaagad ni Bellatrix ang kanyang sniper rifle at dumapa. Inadjust kaagad ang scope at zeroing gauge ng custom rifle nya. Sinilip nya sa scope ang mga nakikita nyang bantay.

“I am seeing multiple sentries. It will be tough getting inside the compound. Team Leader, where are you right now?”

“We’re entering the compound now. Steer left and watch our backs.” Ipinunta ni Bellatrix ang sights nya sa kaliwa at dito nakita nya sina Yvonne at Athena na gumagapang at pinuputol ang bakal na railings.

“Two Echos right above you.” Wika ni Bellatrix. Nang makapasok na sa kampo ang dalawa ay tinignan ni Yvonne ang ibabaw ng gusaling nasa tapat nila. May dalawang sentry ang nakatambay sa itaas. Naglagay ng isang miniature bomb si Yvonne bago sila umalis sa lugar. Naghiwalay ang dalawa ng landas.

Tinignan ni Athena ang handy wrist watch nya.

“I am detecting a massive hollow area just below the building on my right.” Nagtago sa likod ng mga drums si Athena at sinipat ang isang gusali na may ilang bantay.

“That must have been the underground lab. Proceed with caution Team leader.” Wika ni Victoria.

“Understood.” Gumapang muli si Athena. Nasipat nya si Yvonne sa kabilang bahagi ng kampo. Nag thumbs up ito at tila tapos na sa paglagay ng mga bomba sa paligid.

Maingat at tahimik nilang nilapitan ang gusali. May kalakihan ang gusali. Dalawa ang floor neto at gawa ito sa bato at buhangin. Sa rooftop ay may apat na bantay. Sa magkabilang dulo naman ay may watch towers at may tig isang bantay na snipers.

Subalit, dahil sa chameleon suit nila ay hinde sila makita ng mga kalaban. Masyadong nakablend ang dalawa at kalkulado ang mga galaw, dahilan kung bakit tila invisible sila sa paningin ng mga kalaban kahit pa tirik ang araw sa kalangitan. Malapit nang makarating sa may pinto si Yvonne. Tumaghoy ito at narinig ito nang bantay. Tinignan nya ang paligid pero wala syang makita. Nagpasya itong bumaba ng hagdan sa front door at tuluyang lumabas sa gusali. Naglakad papunta sa kanang bahagi ng gusali. Tinignan nya ang watchtower sa itaas at nakita rin sya ng kasama nya. Kumaway pa ang sniper bago naghiwalay ng landas ang kanilang mga mata at nagpasyang bumalik ang bantay sa pwesto nya. Pero biglang may mga kamay sa pader ng gusali ang lumabas at sinakal sya sabay takip sa bibig at ilong nya. Nagpumiglas ang bantay pero nabigo ito at nakatulog. Binitiwan sya ni Athena at kaagad itinago sa may gilid kung saan naroon ang ilang nakatambak na mga kahoy at bakal. Tinakpan ito ng dalawa.

“We’re going in.” wika ni Athena.

“Roger that Team Leader. Proceed on mission.” Sagot naman ni Victoria.

Pumasok si Athena habang nasa labas naman si Yvonne. Sa loob ay isang tipikal na sitwasyon, may lamesa, mga upuan, isang sirang tv at ilang kagamitan. Sinundan nya ang mga yapak ng mga dumaan sa loob ng gusali at natunton ang isang hidden passage way sa sahig. Kinapa nya ito at may napansin syang wire. Sinundan nya ito at nakakonekta ito sa apat na bomba na nakatago sa mga dingding.

“The hidden door is rigged with explosives. Proceeding to disarm it.” Report ni Athena.

“Typical.” Sabay ngiti ni Yvonne.

Mabilis na kumilos si Athena upang e disarm ang bomba. Lingid sa kaalaman nya ay may isa na palang kalaban ang nakakita sa kanya na kakalabas sa isang silid. Tahimik itong lumapit sa nakatalikod na si Athena. Naglabas ito nang patalim at dahan-dahang inabot ang likod ni Athena.

“TSUGG!! ” Isang bala ng sniper ang tumagos sa ulo ng kalaban. Bumagsak ito at tila hinde pinansin ni Athena.

“Thanks Bella.”

“Anything for you Goddess.” Biro naman ni Bella.

“Heeey how come she’s a goddess and I’m always called the brat?” sabat bigla ni Barbara

“That’s because you’re a brat little sis.” Sagot naman ni Yvonne.

“A brat? Do you know how complex my work is here? Just you try it, I dare ya’! ”

“Girls.” Panggitna ni Victoria.

“Sorry Victoria.” Paumanhin naman ni Athena.

“Take this seriously okay. This is not a catwalk.”

“All done. I’m going in.” binuksan ni Athena ang hidden passage door at may nakita syang ladder. Bumaba sya dito. Ilang metro rin ang lalim ng hideout. Tahimik lang at naramdaman na nya ang malamig na temperatura ng aircon. Pagkababa nya ay nasa isang bilogang chamber sya at may tatlong pinto sa paligid. Kulay puti ang pintura ng lugar at walang tao.

“I’m in. The place looks way bigger than expected.” Report ni Athena pero napansin nyang wala syang signal sa loob ng bunker.

“This place must have some type of a jammer.” Bulong neto sa sarili.

Bago pa man makalakad si Athena ay biglang bumukas ang tatlong pinto. May tatlong armadong lalake na may takip sa mukha ang lumabas. Dalawa ang nasa harapan ni Athena at isa sa likod nya.

“Shit…” hinde binigyan ni Athena nang pagkakataon makaporma ang mga kalaban. Nakalabas sya nang isang silver na latigo na may patalim sa dulo.

“FFWWIPPPP!! SHRRRIEEKK!! ” Hinampas nya ng latigo ang dalawang nasa harapan nya. Ginilitan nito ng patalim ang leeg ng isa at tinamaan naman sa mukha ang isa pa. Sinipa ni Athena ang nasa likod nya at tinamaan ito sa dibdib. Mabilis nya itong nilapitan sabay pinaikot ang ulo neto. Humugot ng isang dagger at tinapon sa nasugatan ang mukha at tinamaan ito ng flying dagger sa mata.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8