By: Balderic
Matapos ang ikalawang digmaang pangdaigdig, lumaki ang nasasakupan ng komunistang Russia. Halos lahat ng nasa hilaga at kanluran ay nakontrol na nila. Isa dito ang bansang Ukraine. Naging extension ito ng kapangyarihan ng USSR. Isa sa sentro ng kanilang komersyo, industriya, politikal at hukbong sandatahan. Naging malaking bahagi sila nang pag sasagawa ng mga sandata at teknolohiyang nuklear.
Naging instrumento rin sila noong panahon ng tinatawag na Cold War laban sa amerika. Subalit, nang magtagumpay ang kapitalsimo, unti unting nanghina ang impluwensya ng Russia at isa isang bumagsak ang kanilang nasakop na mga teritoryo. Isa na rito ang Ukraine. Naging malaya man ang bansa, hinde nanging madali sa kanila ang mamuhay na walang Russian control. Dahil dito, namayagpag ang mga oligarko at naging laganap ang kurapsyon. Bumagsak ang ekonomiya ng Ukraine at isa na sila sa pinakamahirap na bansa sa Europa.
Dahil sa kakulangan ng pondo, teknolohiya at pwersang militar, wala silang nagawa laban sa hukbo ni SAMAEL. Pero umaasa silang mapapalaya sila sa tulong ng UN Forces. Nagpatuloy ang madugong labanan. Nakipagtulungan ang Centurion Battalions sa laban. Nakabawi ang UN subalit, hinde rin naglaon, unti unti nanaman silang tinutulak ng Makinaria Legion ni Kingdom. Halos hinde maubos-ubos ang kanyang mga killer drones at robots. Maging ang mga armored troopers ay nagpatunay na matibay sila sa laban.
Sa Crimean Peninsula naman, bawat isang tangke, mga sasakyan at mga sundalo ay walang tinitirang buhay si Yumiko. Mag isa lamang ito pero halos naubos nya ang mga nakadeploy na russian soldiers. Ang bilis ng kilos ni Yumiko ay hinde masundan ng mga mata, ang lakas nyang taglay ay kagimbal-gimbal at ang kanyang estilo ay walang kasing talim. Dumating ang isang Drone Carrier at lumapag ito sa harapan ni Yumiko. Bumaba ang isang trooper.
“Princess, the King is waiting. Your work here is done.” Sumama si Yumiko nang walang kibo.
Sa kabilang banda naman, ang Centurion Battalions ay inutusang magwithdraw sa lahat ng fronts dahil sa masyadong matibay na depensa ng mga SAMAELEAN forces. Ang UN Commander mismo ang nagpa atras sa operation Freebird at ito ay isang hinde katanggap-tanggap na pagkatalo. Nagkaroon man sila ng advances sa teknolohiya ay wala itong binatbat sa ipinakitang kapangyarihan ng SAMAELEAN Army at ang sumamang Zehn Schwerter members. Matapos ang halos dalawang araw, tuluyang nasakop na ni SAMAEL ang Ukrainian border. Maging ang Crimean Peninsula ay hinde pa nabibigyan ng karagdagang pwersa ng Russia.
Naglabas ng pahayag ang current US President na si Arthur Graham sa international news networks.
“The atrocities and human rights violations of this so called SAMAELEAN Army will not be tolerated. America will not leave Ukraine in the dark. I promise you, the American people and the joint United Nations forces will help liberate Ukraine from this terrorists. We will not give up, we will not be defeated, and we will bring them all to justice!” inulan ng palakpakan at papuri sa mundo ang mensahe ni Pres. Arthur Graham.
Quezon City, Philippines
Nakauwi na ang mag asawa kasama ang anak nilang babae. Sa loob ng bagong tirahan nila ay tuwang tuwa ang mga kamag anak nila at mga pamilya sa bagong myembro ng Marasigan family. Si Serina at ang mga kapatid ni Gabriel ay umuwi mula sa Italy upang bisitahin ang mag asawa. Nakiusap si Gabriel na bumalik na lamang nang Pilipinas ang pamilya nya dahil tila nagiging masama na ang mga nangyayari sa Europa. Tumango naman si Serina at naging suportado sa kagustuhan ni Gabriel.
Si Karen naman ay namalagi muna sa higaan at masayang kapiling ang sanggol. Hinde mapigilan ang tuwa nila habang kasama ang maliit na myembro ng tahanan. Pero sa kabila ng kasiyahan ay may bahid ng pag aalala si Karen para kay Gabriel. Hinde nito maipaliwanag pero nangangamba ito. Matapos ang tatlong araw ng kasayanan ay napansin ni Gabriel ang pagiging tahimik ni Karen. Nahuli nya itong tila malayo ang tingin.
“Hon… anong problema? After makauwi family natin, parang naging problemado ka na?”
“Wala ito Gab-gab. Siguro post pregnancy anxiety lang. Don’t mind me.” Pagpapakalma nito sa mister. Sa tabi nya sa kama ay tulog ang sanggol. Lumapit si Gabriel at tumabi ito.
“Sanay ka na sa anxiety Karen. Kilala kita, matibay ka sa ganyan. Pero ito, iba ang nararamdaman ko. Sabihin mo sakin, please.”
“Gab….masaya naman tayo di ba?”
“Oo naman. Masayang masaya lalo pa at kasama na natin ang babay nating si Angela.” Kinuha ni Gabriel ang kamay ni Karen at hinalikan ito.
“Ano bang problema? Sabihin mo sakin. Alam mong makikinig ako.” Pakiusap pa ni Gabriel. Huminga ng malalim si Karen.
“Hinde ko alam kung bakit pero nangangamba talaga ako. Natatakot ako. Para sa kinabukasan natin bilang pamilya. Masaya ako ngayon pero natatakot ako sa hinaharap. Alam mo yun, yung parang ninenerbyos ka sa mangyayari pero di mo maturo kung ano. Para kang naglalakad sa kadiliman at wala kang makita kaya di mo alam ano ang makakaharap mo at sa katagalan ay natatakot ka na.”
“Magiging maayos ang lahat Karen. I promise you. Nandito ako para sayo, at para kay Angela.”
“Si Yumiko… paano sya?” tanong bigla ni Karen. Tumaas ang kilay ni Gabriel na mukhang nalinawan sa lahat. Tumingin ito sa bintana, magtatakip silim na. Kulay dilaw at dalandan na ang kalangitan. Ilang minuto nalang ay mababalot na ng dilim ang paligid. Yumuko si Gabriel.
“Alam ko…pero kayo ang priority ko Karen.”
“I know.. pero inuusig ako ng konsensya ko. Masaya tayo rito pero hinde natin alam kung anong masamang nangyayari sa kanya. Nakita ko sya sa internet. Anong ginawa sa kanya ng SAMAEL na yun? Bakit parang ibang tao na sya? Natatakot ako Gab-gab. Napapa isip ako, tama ba ito? Tama bang nandito ka kasama namin ni Angela habang maraming tao ang naghihirap lalo pa si Yumiko na pamilya at kaibigan na rin ang turing ko. Tulad ng nararamdaman ko noon bago ka umalis, gusto kitang nandito pero nangangamba ako na baka ano mangyari sa maraming tao kapag hinde ka umalis at tulungan sila.”
“Hon, iisang tao lang ako. Ang laki laki ng mundo. I’m sure marami pang taong kayang pigilan si SAMAEL. Nakausap ko na si Akira, naiintindihan nya ang pagbalik ko rito. Alam nya rin ang resposibilidad ko bilang isang ama katulad nya.”
“Gab-gab, iisang tao ka man, napakalaki ng mga nagawa mo. Sino ba ang taong gumapi kay Cifer? Hinde ba ikaw? Sino ba ang tumalo sa Silent Eight? Ikaw rin di ba? Sino ang taong nakakalutas ng mga kaso at krimen sa iba’t ibang bahagi ng mundo? Ikaw.”
“Hon hinde ako superhero haha. Hinde ko pasan ang mundo! Sa kauna-unahang pagkakataon sa tala ng buhay ko, ngayon lang ako lubos na naging masaya at payapa. Hinde ba ito ang gusto mo? Ang makasama ako hanggang magtanda tayo?”
“Naiintindihan kita Gab-gab. Alam ng Diyos yan. Mahal na mahal kita. Ayokong malayo ka. Pero ang laki ng responsibilidad mo. Biniyayaan ka ng Panginoon ng dunong at lakas para makatulong. Tatalikuran mo lang ba ito?”
“Karen, tapos na ako sa ganitong gulo. Sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Bigyan mo naman ako ng pagkakataong lumigaya kasama ka at ang anak natin. Nawala ako ng pitong taon, bumalik ako pero napakalaki na nang pinagbago ko. Naging isa akong sandatang sumasagupa sa mga taong nang aapi ng kung sino sino at mga hinde ko kaano-ano. Lahat ng bagay ay may katapusan. Narito ako ngayon sa harap mo, lubos at taos pusong nagsasabing hinde na ako lalayo sa piling mo. Hinde pa ba sapat yun?”
“Eh paano si Yumiko? Ayos lang sayo na manatili syang tuta ni SAMAEL? Gabriel, kilalang kilala kita. Kahit hinde mo sabihin sakin, nararamdaman ko kung ano ang itinatago mo. Natatakot ka. Ano bang ikinatatakot mo kay SAMAEL?”
“Karen tama na. Please… tama na.”
“Ikaw mismo ang may gustong iligtas si Yumiko kaya ka pumunta sa Japan. Pero nang malaman mong nasa kamay na sya ni SAMAEL bakit ganito ka na? Naikwento sakin ni Yumiko dati, nakita nya ang tingin mo nang magkaharap kayo ni SAMAEL, alam mo ba ano sinabi nya sakin? Doon nya palang daw nakita kang natakot.” Kumislot ang kamay ni Gabriel sa sinabi ni Karen. Tumayo sya at humarap sa bintana.
“Gabriel, sino ba si SAMAEL? Bakit mo sya kilala? Sa totoo lang, mag-asawa na tayo pero nahihiwagaan parin ako sayo eh. Ni hinde mo pa sakin kinukwento ang nangyari sayo sa pitong taong nawala ka. Hinde pa ba ito ang panahon para sabihin mo? Hinde mo ba nakikita? Nagbabalik at hinahabol ka na ng nakaraan. Tumatakbo ka sa nakaraan na dapat matagal mo nang hinarap. Kaya ngayon Gab-gab, nakikiusap ako sayo… magsalita ka naman.”
Napakamao si Gabriel. Pumikit ito, tila kinikimkim ang nasa loob. Buntong hininga ang isinagot nito at humarap muli kay Karen. May bakas ng luha sa kanyang mga mata.
“Si SAMAEL ang Master ko.”
“Ha?” hinde makapaniwala si Karen. Bigla itong kinabahan.
“Te… teka.. sya ang nagtraining sayo?” Paglilinaw ni Karen. Umiling si Gabriel.
“Ang taong nagtraining sakin ay tinatawag nilang Seraph.”
” Okay so si SAMAEL at Seraph ay iisa?”
“Hinde Karen….si Master Seraph ang naging guro ko. Pero si SAMAEL ang master ko.”
“Naguguluhan ako. Linawin mo nga sakin.”
“Alam mo ang Zero Point Focus Technique ko hinde ba?”
“Ah oo, yung sinasabi ni Yumiko na nakakapagfocus ka sa laban ng 100%? Yun ba yun?”
“Ang Zero Point Focus technique ay ang pagkondisyon mo sa katawan at isipan upang gawin ang isang bagay na walang nakakagulo sa konsentrasyon mo. Natatanggal lahat ng balakid sa katawan at isipan mo at nailalabas mo ang tunay mong lakas. Ganito ang prinsipyo nya, at hinde mo ito basta basta nailalabas. Nagagawa ko lang ito sa ilang piling kondisyon o requirement. Si Master Seraph ang nagturo sa akin kung paano ito matutunan pero si SAMAEL ang nagpakita sa akin kung ano ang gamit neto.”
“Um.. okay… ”
” Hinde mo ba nakikita Karen? Si SAMAEL ang pumatay kay Master Seraph.”
Hinde nakaimik si Karen. Tila mas lalo pa itong kinabahan sa mga rebelasyon.
“Kung nagagawa ko man magamit ang Zero Point Focus Technique, si SAMAEL, simula noon hanggang ngayon, naka Zero Point Focus technique na sya, araw araw, gabi gabi. Dahil ang technique na yan ay may dalawang panig. Makontrol mo man o ikaw ang kontrolin neto. Kapag natalo ka, lalamunin ka neto at lalabas ang isang pagkataong magpapalit sa pagkatao mo. Naramdaman ko na ito noon pero nung nakalaban ko si Kaiser Cross, lumabas ang isang nilalang na nagmumula sa pinakamadilim na parte ng pagkatao ko. Kapag makaharap ko si SAMAEL, natatakot akong baka tuluyan na akong lamunin ng nilalang na ito at hinde na ako makakabalik pa. Dahil si SAMAEL, kapangyarihan nya ang ilabas ang pinakamalakas at pinakamasamang parte ng pagkatao mo. Lahat ng myembro ng Zehn Schwerter nya ay kontrolado nya. Nakita ko na ito noon sa mga naunang mga myembro ng grupo nya. Maswerte nalang ako at nabuhay pa ako. Kaya kung ako tatanongin mo kung bakit sa tingin mo natatakot ako kay SAMAEL? Hinde ako takot sa kanya, natatakot ako sa posibleng mangyari sa akin. Dahil alam kong iisa lang ang kahahantungan ng laban naming dalawa. Ang kamatayan nya o kamatayan ko.”
“Ding Dong!” tumunog ang doorbell mula sa first floor ng condo. Tumayo si Karen at pumunta sa answering hub.
“Yes?”
“Good evening mam Marasigan, may mga tao pong naghahanap kay sir Gabriel dito sa baba.” Wika naman ng guard.
“Uh sino sila?”
“mga foreigner po eh. Archie.. arch.. ah … Archimond daw po pangalan netong isa.”
Nagkatinginan si Karen at Gabriel. Tumango si Karen at tumalikod naman si Gabriel.
“Okay,papasukin mo kuya.”
“Sige po mam.”
“Gab-gab….anong gagawin natin?”
“Hinde ko alam. Pero kung nandito ulit si Cifer, iisa lang ang katotohanan. Nakikita nyang hinde matatalo si SAMAEL kapag wala ako.”
“Oh Diyos ko… .” niyakap ni Karen si Gabriel. Dito narealize ni Karen kung gaano katindeng panganib ang kakaharapin ng asawa nya.
Ilang minuto at kumatok na sa pinto ang mga panauhin nila. Lumapit si Gabriel at binuksan ito. Bumungad sa kanya kaagad si Cifer Black.
“How are you old friend?”
“We’re not friends Cifer.”
“As I know but it is not meant for both of us but you and one of my company here.”
“Hello Gabriel.” Sumilip mula sa likod ni Cifer si Ben Sandobal.
“Ben!?” nagulat si Gabriel at narinig ito ni Karen kaya lumapit na rin sya. Naabutan nyang pinagbuksan ni Gabriel ang mga panauhin. Pumasok si Cifer, kasunod neto si Ben at ang iba pa.
“Ben!? Ben Sandobal!?” maging si Karen ay hinde rin makapaniwala.
“Kamusta ka na Karen? Napakaganda mo parin tulad ng dati.”
“Teka… magkakilala kayo ni Gabriel!? Paano kayo nagkakilala?”
Tumitig si Ben kay Gabriel.
“Mahabang kwento Karen.” Sabat ni Gabriel.
“Uhaaa uhaaaa uhaaa!! “ dito narinig nila ang iyak ng sanggol at nagmamadali si Karen na balikan ang anak nya.
“Well, this is a nice place Gabriel. Cozy. I can’t imagine a man of your level would be living in such a simple household. The great Gabriel Marasigan, archangel of justice is currently living as a simple family man. Hehe.”
“Stop patronizing me Cifer.” Tumitig si Gabriel kay Ben.
“Ilang taon na rin simula nung huli nating pagkikita Ben. Pero mukhang walang nagbago ah.”
“Marami na ring nagbago Gabriel. Napakarami.”
“Umupo muna kayo. Cifer, Himeko, the rest, welcome to my house and relax. I’m gonna see if we have some drinks in the fridge.”
Dumating si Karen habang pinapadede si Angela.
“Ooh my.. what an adorable baby!” paghanga ni Yvonne.
“Her name’s Angela. I’m Karen by the way. Gabriel’s wife.”
“Hello Karen, my name’s Yvonne. Wow, I just can’t wrap my head on this.”
“What do you mean Yvonne?”
“I mean, I’ve heard so much stories of your husband… their pretty extraordinary or rather legendary but here I am, the last thing I would imagine Gabriel be as a simple man living like this. You know you’re very lucky. I wish I could have family like this someday.”
“Hihi I know you will. You just have to find the right person.”
“Um yeah… that’s a problem. Hahaha!”
“Hello po, ako nga po pala si John Trinidad. Kasamahan ni Yvonne.” Nakipagkamay ito kay Karen.
“Hi John.”
Lumapit si Ben kay Karen.
“Paano kayo nagkakilala ni Gab-gab? Ang tagal nating hinde nagkita ah! Saan kaba naglululusot?”
“Marami tayong pag uusapan Karen. Pero bago ang lahat, congrats nga pala at ina ka na. Di ko maimagine na ang tapang tapang mo noon na para kanang tomboy pero ngayon eto nagpapadede ng baby hehe.”
“Gago! Naging masungit lang naman ako kasi nga di ba, ang tagal nawala netong si Gab-gab… naapektuhan ako emotionally. Hays tagal na nga talaga. Teka, may asawa ka na ba? Asan si Ashley? Kamusta na sya?”
“Drinks everyone!” dumating si Gabriel at may dalang dalawang bote ng alak at isang kaha ng shot glasses.
10 pm
Hawak hawak ni Yvonne si baby Angela at pinaghehele ito. Sa sala naman ay magkasama sina Ben, Cifer, Gabriel at John. Mahaba ang naging usapan nila at dito na rin nalinawan si Karen kung bakit magkakilala si Ben at Gabriel.
“Hinde ko talaga maimagine… simula pa pala noon, nariyan kana Gab-gab sa tabi ko at naging bantay ko. May duda na ako noon eh pero ngayon ko lang napatunayan na totoo pala ang kutob ko.” Hinawakan ni Karen sa kamay si Gabriel.
“Masyadong obsess kasi yang si Gabriel sayo Karen. Biruin mo, napagkamalan pa namin ni Jed na stalker yan. Sunod ng sunod sayo eh.” Wika naman ni Ben.
“Hihihi ganyan lang talaga ako kamahal ni Gab-gab. Ang sweet nga eh. May personal stalker na pala ako noon pa hihi.”
“Gabriel, as much as I would like to keep this sweet moment but you should know why we are really here.” Sabat naman ni Cifer sabay lagok ng alak.
“You’re gonna ask me again to join you?”
“You’ve seen what SAMAEL is capable of. You know the threat. This is much bigger than any of us. I’m not here to ask you Gabriel. No sir. I’m here to tell you that the World needs you again. It needs Gabriel Marasigan, the savior.”
“This responsibility is more than I can handle Cifer. Why can’t you just leave me in peace along with my wife and daughter?”
“So ganun ganun na lang ba Gabriel? Maduduwag ka na?”
“Hinde kaduwagan ang maghanap ka ng kapayapaan sa sarili mo Ben.”
“Kapayapaan? Sa tingin mo magiging payapa ka habang nakikita mong nasusunog ang mundo? Kaya mo bang sikmurain ang dami nang mamamatay na inosente para lang mamuhay ka ng maligaya? Hinde ito kaduwagan kundi kasakiman at pangsarili lamang.”
“Okay I may be smart but I don’t talk your language guys. I seem to sense some hostility in your voices so I wanna make this clear, we are not here to fight among each other okay. Ben, I feel like you have a beef with Gabriel but this is not the time buddy. We got a war going on. And Gabriel, for fuck sakes, can’t you just grow a pair like the old days? What the fuck happened to you? Married life got you soft? Is that it?”
“No Cifer, but I already made myself clear before. I am done with this. I appreciate you coming here but this conversation is over. You may leave my premises.”
Tumayo si Gabriel at tumayo rin si Ben.
“Bago kami umalis, may hiling sana ako sayo Gabriel.”
“Ano yun?”
“Gusto kong subukan kung hanggang saan na ang abilidad ko at walang ibang paraan para masukat ito kundi ang maglaban tayong dalawa.”
“Hinahamon mo ba ako Ben?” Naging seryoso si Gabriel. Lumapit naman si Cifer kay John.
“Hey kid, what’s going on?”
“Um… Ben just challenged Gabriel for a fight.”
“Oooh.. this should be interesting hehe.”
“Ben… ano bang nangyayari?” pagtataka ni Karen.
“Pasensya ka na Karen pero ito ay sa pagitan lang namin ni Gabriel. Personal ito para sakin.”
“Pwes hinde ito personal para sakin Ben. Pero nasa pamamahay kita, kaya karapatan ko ang malaman ito.” Sagot naman ni Karen.
“Okay Ben. Pagbibigyan kita. Saan mo gusto?” sabat ni Gabriel.
“Oh shit… “ bulong ni John.
“Okay so what’s happening now?” tanong muli ni Cifer.
“Gabriel just accepts Ben’s challenge.”
“No shit hahaha!”
Walang nagawa si Karen kundi ang pumayag sa mangyayaring laban ni Ben at Gabriel. Napagkasunduan ng dalawang maglaban sa isang park malapit sa condo nila.
11:30 pm
Dumating sila sa park. Madilim dito at maaaninag lamang sila ng mga street lights. May isang covered court sa loob at pumasok sila. Binuksan ang ilaw at nilock ang mga pinto. Dito pumasok si Victoria at Himeko na kanina pa naghihintay sa labas ng condo. Nagkaharap si Gabriel at Victoria.
“I take you two are well acquainted.” Wika ni Ben sa dalawa.
“We got a brief history Ben. Nothing more.” Sagot naman ni Victoria. Umiling lang si Gabriel.
Sa gitna ng basketball court ay nagkaharap si Ben at Gabriel.
“May mga katanungan akong gusto kong masagot mo Gabriel. Mga katanunang ilang taon ko nang dinadala.” Isa isang tinanggal ni Ben ang mga butones ng white long sleeves nya. Hinubad nya ito at naka tshirt sya na semi fitted at kulay puti.
“One round sparring match. Kung sino makatama ng sampung beses sa body score areas ang wagi. Deal?”
“Hinde ito martial arts competition Gabriel. Gusto kong ilabas mo ang buong lakas mo laban sakin. Dahil yun din ang gagawin ko.”
“Sir di po ba masyadong delikado yang pinaplano nyo?” pangamba ni John.
“Di ka ba makikinig sa tauhan mo Ben?”
“Kung naduduwag ka, pwes nagkamali ako sayo Gabriel.”
“Hinde kita lalabanan para magkasakitan lang tayo Ben.”
“Kung ganun, hinde ko na kasalanan kung masaktan ka. Wag kang mag alala, hinde kita papatayin. Ipapakita ko lang sayo kung hanggang saan na ang naabot ko.”
Tahimik na nakatitig sina John at Yvonne. Habang si Cifer naman ay may dalang chichirya at nguya ng nguya. Nag offer ito kay Himeko, tumingin si Himeko sa kanya na titig na titig kay Ben at Gabriel at panay ang nguya. Napangiti si Himeko at dumukot ng chichirya sa plastic pack.
“Hey John, is there something between those two? Ben looks too serious and Gabriel seems hesitant.”
“Ben entered Sting as an operative but for some reason Gabriel stepped in and forced him to quit. Ben left Sting with a grudge towards Gabriel. But before that, Gabriel trained him for awhile. But for some unknown reason Gabriel got cold on him.” Sabat naman ni Victoria. Tumitig sa kanya si Cifer sabay tapon ng crackers sa bibig nya.
“Hmmm so this is a personal grudge match huh. I didn’t know Gabriel trained someone. Did he taught him his secret technique? You know, that superfast boom boom boom kinda thing. Remember that Himeko?”
“Yes Master, I remembered it quite well.” Sabay kuha ulit ng crackers sa package.
“We’re in a serious situation and you two are eating junk foods? What are you, twelve? “ sabat ni Yvonne kina Cifer.
“You want some sweetie?” aya naman ni Cifer sabay lapit ng supot. Nag roll lang ang mga mata ni Yvonne.
“You might aswell just buy some donuts. Ugh.” Umalis muli si Yvonne at bumalik sa kinauupuan nya
“Ben, kung nagagalit ka kung bakit kita pina alis sa Sting, hinde mo ako naiintindihan. Masyado kang delikado para magtagal sa ganoong estado.” Wika ni Gabriel.
“Tama nang palusot mo! “ sumugod si Ben. Sa bilis neto, nakalapit sya kaagad kay Gabriel. Pero nag step back sya nang makita ang isang kamay ni Gabriel na kumislot.
“Ba’t ka umatras?” pagtataka ni Gabriel.
“Alam ko nang galawan mo. Madalas mong gamitin sakin ang counter upper ng kaliwa mo. Ilang beses na akong napatulog nyan. Pero baguhin natin ngayon.”
“FOOMM!! “ Naglaho si Ben at lumitaw sa kaliwa ni Gabriel.
“TANGGAPIN MO TO! ” “KRAGGGG!!! “ Sumabog ang ingay ng napakalakas na suntok ni Ben na nasalag ng braso ni Gabriel. Hinablot ni Gabriel ang damit ni Ben at inangat ito upang ibalibag pero tinulak sya palayo at isang back flip kick ang pinamalas neto.
“KAPAKK!” Nadepensahan ni Gabriel ang panga nya sa mabilis na paa ni Ben. Pero umangat ang dalawang braso nya sa impact. Pagkalanding ni Ben sa semento ay nag dash ito palapit kasunod ang mabilis na hook punch mula sa kanan. Dumipensa sa mukha si Gabriel.
“BAAAFFF!!! ” “GUAAHH!! “ Tumama ang kamao ni Ben sa tagiliran ni Gabriel. Napasinghap ito ng hangin nang sumikip ang mga baga nya. Ramdam ni Ben na solid ang suntok nya. Ngayon pa lamang sya nakatama nang napakalinis na atake kay Gabriel simula noon. Dahil dito, hinde nadepensahan ni Gabriel ang uppercut ni Ben.
“KTAAGG!” Umangat ang ulo ni Gabriel sa impact. Bukas na bukas ang buong katawan nya.
“BAFFF! BAFF BAFF!! BAFF! “URGHH!!” Apat na hooks ang ibinaon ni Ben sa bodega ni Gabriel.
“LUMABAN KA GABRIEL!!! GRAAAHH!! “ Nag ipon ng lakas si Ben sa kanang kamao nya at ipinadala nya ito sa katunggaling nakatayo at tila di makagalaw.
“BRAGAMMMM!!!”
Napatayo sina Cifer, Victoria, John at Yvonne. Hinde makapaniwala sa nakita nila. Bagsak si Gabriel sa semento. Habang mangha ang lahat, si Himeko naman ay napapikit lang at kumakain ng chichirya.
Tumayo si Gabriel nang dahan dahan, pinahiran ang dugo sa labi nya.
“Kung hinde mo ako seseryosohin, malulumpo ka sa bugbog.” Lumapit si Ben, tinuloy neto ang pag atake. Pero sa pagkakataong ito, iniwasan ni Gabriel ang mga kamao ni Ben. Panay hangin lang ang natatamaan neto.
Sa bilis ng mga pag iwas ni Gabriel, hinde ito matamaan ni Ben. Habang tumatagal, mas lalong bumibilis si Gabriel at mas lalong hirap makahabol si Ben. Nagsawa ito sa kakatapon ng suntok, hinaluan nya ito ng mga sipa. Dumistansya si Gabriel upang hinde matamaan.
“Habang-buhay ka nalang bang iiwas Gabriel!?”
“KAPAK!” Sinalo ni Gabriel ang kamao ni Ben, nag counter sya ng sipa pero nasalag ito ni Ben.
“Basang basa na kitaaa!” “KABAM!” Sumapok sa mukha ni Gabriel ang straight ni Ben. Dumikit pa lalo si Ben, ayaw patakasin si Gabriel. Sinundan nya ito ng isa pang straight sa mukha at kasunod ang hook naman sa kabila.
“Hanggat hinde ka lumalaban ng matino, hinde kita titigilan!! “ bawat mabibigat na suntok ni Ben ay parang bayo ng maso sa ulo ni Gabriel. Halos hinde na mabilang ang mga tama neto sa mukha at katawan. Bago huminto si Ben, hinablot nya si Gabriel at binalibag nya ito sa sahig na semento.
“Ughh.. damn that must have hurt.” Komento ni Cifer sa tila masakit na pagkabagsak ni Gabriel.
“Bakit mo ako trinatong parang aso!? Tumingala ako sayo! Ibinigay ko ang tiwala ko! Pero anong ginawa mo, tinapon mo lang akong parang basura! Sumagot ka Gabriel!”
“Hinde… mo ako.. naiintindihan… nakalimutan mo na ba… ang lahat?” tumayo si Gabriel pero ramdam nya amg bigat ng katawan nya sa mga pinsala.
“Malinaw sa ala-ala ko ang lahat, hinde ako nakalimot!”
“Malinaw.. nagpapatawa ka ba…kung nagpupumilit ka.. pwes hayaan mo akong ibalik kita sa nakaraan.. ”
“KRAG!!” Sinuntok ni Gabriel ang sariling nuo. At nang inalis neto ang kamao ay nagbago na ang kulay ng mga mata nya. Tumaas ang kilay ni Ben. Ito na ang pinakahihintay nya.
“Okaaayy.. Gabriel’s gone full out focused now. This should be interesting.. “ wika ni Cifer.
“Master, we’re out of snacks.”
“Shit, John you got some change?” dumukot ng pera sa bulsa si John at binigyan nya ng 50 pesos si Himeko. Umalis ito upang bumili ulit ng chichirya.
“Hinde ako natatakot sa lakas mo Gabriel… dahil natuto rin ako sa dami ng pinagdaanan ko sa Cerberus.” Nag fighting stance si Ben, ang mga kamay nya ay pakalmot ang posisyon at hinde kamao. Umangat ang isang paa nya at nasa likod naman ang isa bilang suporta.
“Northern Tiger Style, sinanay ka pala sa Oriental Techniques.. “ wika naman ni Gabriel.
Sumugod si Ben, dalawang kalmot ang pinakawalan nya pero iniwasan ito ni Gabriel at mabilis itong mag counter ng tulak sabay front kick sa dibdib ni Ben. Umatakeng muli si Ben pero bago pa ito makagalaw ay nahawakan na ni Gabriel ang isang kamay nya at sumapok ang backhand ni Gabriel sa mukha nya. Napa atras si Ben, nagbago ito ng fighting stance. Bumaba ang dalawa nyang kamay at maging ang tayo nya ay bumaba rin.
“Panther Shadow Style… pamilyar ako sa lahat ng Oriental Techniques mo Ben!” kahit may babala, sumugod parin si Ben…