TheFall of Cerberus
By: Balderic
Quezon City
“HUWAAAAAGG!! “ Sigaw ni Karen nang akmang ihahampas ang baby nya sa pader. Siniko neto ang gilid ng tuhod ni Troy at natumba ito. Napahinto si Naomi at nang makita si Karen ay sinalubong neto ang kamao sa mukha.
“PLAKK!” Kaagad naagaw ni Karen ang anak nya nang masapak neto si Naomi. Tinakbo neto ang bag nya kung nasaan ang service handgun nya.
“Wala kang kawala sakin Karen!!” hinarang sya ni Troy. Naglabas ito ng patalim.
“Tama na Troy! Nasisiraan ka na ng ulo!”
“Nabaliw ako dahil sayo hayop ka! Walang babaeng tumatanggi sakin bitch! Wala!!”
Nakatayo si Naomi at pareho nilang naharang si Karen sa gitna.
“Unahin mo ang sanggol babe! Hehehehe gusto ko makitang mabalatan ang sanggol na yan!” nanlilisik ang mga mata ni Naomi at naglalaway ito sa kasabikan.
“GAAAAAH!! ” Inatake ni Troy si Karen. Inundayan nito ng saksak ang babae.
“TSAKKK!!” Nasaksak ang kaliwang braso ni Karen nang salagin nya ang patalim at sinipa nito sa tiyan si Troy. Napasandal ito sa likod ng sofa. Dinakma naman ni Naomi ang damit ni Karen pero nabitawan nya ito nang biglang tinakbo ni Karen ang bag nya. Dinukot nya ang baril saka tinutok sa dalawang nasisiraan ng bait
“BLAM BLAM BLAM!!” “AAAHH!! “ Hinde nakapalag si Naomi nang tamaan ito sa dibdib at tiyan.
“Naomiiii!!! Papatayin kita Kareeeennn!!” hinagis ni Troy ang patalim kay Karen pero nakaiwas ang babae. Bumunot ng baril si Troy.
“BKAM BKAM!! ” “AAARRGGHH!!” Inunahan ito ni Karen at nabaril ang kamay nito. Napa atras si Troy papunta sa bintanang bukas kung saan sila pumasok.
“Kareeennn… .babeeee… .maawa ka… nasaktan mo ako ehh.. please… maawa.. ” “BLAM!! ” “KLASH!! “ Nabasag ang salamin ng bintana nang matulak dito ang katawan ni Troy at dumiretso itong nahulog. Bumulusok ang katawan neto hanggang sa sidewalk kung saan nagkalasog-lasog ang katawan nya sa impact.
Dalawang oras pang nakalipas at nagsidatingan na rin ang mga pulis, paramedics at mga media. Dinala sa ospital si Karen kasama ang baby nya.
———-
By: Balderic
Northern Russian Tundra
Sakay ang isang snow mobile truck, nilakbay ni Juno at Athena ang kalawakan ng nyebe sa Russia. Malakas ang hangin at hinde nila makita ang dinadaanan. Gamit ang tracking device ng sasakyan, ito ang naging gabay nila upang hinde sila maligaw ng landas.
“So far so good.” Wika ni Juno habang nagmamaneho ito. Sa tabi naman nya ay tahimik lang si Athena.
“You know you’ve been way too silent since you became the Valkyrie leader, Athena. What’s up? The cold getting to ya?”
“Just drive Juno.”
“We’re right on track girl, we’re not gonna get lost. I’m just having some conversation, ‘is all.”
“Yeah and I’m not.”
“Cold hihi.”
“Hmph… “
Nanahimik ang dalawa ng ilang minuto.
“Do you remember our time together? Back in the bootcamp? Almost every night you start sobbing and crying. It was crazy, I feel like I wanna slap you right there. Haha!”
“That was the past Juno.”
“It was, I used to hate your guts back then. But you proved to be one of the best.”
“How far are we?”
“Well… .not that far… .I think. I can’t see shit in this fog.”
“Beep Beep Beep!” nag alarm ang gps ng sasakyan kaya huminto ito. Inobserbahan ng dalawa ang paligid. Wala silang makita dahil sa makapal na ulap na hamog.
“I can’t see anything.” Wika pa ni Juno.
“Let me get a closer look.” Bumaba ng sasakyan si Athena. Suot neto ang makapal na jacket at snow suit. Naka suot rin sya ng snow cap, goggles at mask. Pinindot nya ang relo at nag activate ang sonar capability ng goggles nya. Natanaw nya ang malawak na nyebe sa harapan pero sa di kalayuan ay may mga gusali syang napansin. May apat na towers at napapalibutan ang lugar ng mataas na pader.
“We’re here, Juno set your goggles and take point. I’m gonna head out.”
“What? Wait, lemme get ma’ stuff!” nagmamadaling kinuha ni Juno ang kagamitan nya. Binuo neto ang mahabang sniper rifle dahil posibleng manigas ito sa sobrang lamig. Lumabas sya ng sasakyan at sinundan si Athena. Inactivate nya rin ang goggles at nakita ang target.
“Okaayyy that’s a huge area to cover. I’m gonna need to go in much closer, the wind is gonna fuck up my shots.”
“Don’t waste time and move.” Tumakbo si Athena papunta sa target.
“Acting all grumpy on me is not helping the mission you know!” pahabol ni Juno pero di sya sinagot ni Athena. Napa iling nalang ito at naghanap na ng pwesto nya.
Palakas nang palakas ang hangin, at hinde na rin maaninag ng mga bantay ng kampo ang paligid. Habang papalapit si Athena ay nakita nya ang flag na nakalayag sa itaas ng isang watch tower, crest at logo ito ni SAMAEL. Isang logo ng Chimera na may shield banner at espada pati pana.
“Intel’s right on the money. Juno, are you in position?”
“Locked and loaded baby.” Nakadapa ito sa ibabaw ng isang burol at naghihintay.
Gamit ang grappling gun, sinabit nya ang hook sa ibabaw ng pader. Inakyat nya ito at maingat na inoobserbahan ang paligid. Nang makarating si Athena sa ibabaw ay kaagad nyang niligpit ang grappling hook. Sinipat ang paligid kung may bantay. Habang nakayuko, nilapitan nya ang isang watch tower. Dumikit sya sa pader at pinakinggan kung may tao sa loob. May naririnig syang nag uusap. Sinilip nya ito sa bintana. Nagkakape ang dalawa at busy sa usapan. Binunot ni Athena ang silencer pistol nya. Maingat na binuksan ang pinto.
“PTUV PTUV PTUV!!!” Bumagsak ang mga ito nang barili sa ulo at leeg. Pumasok si Athena at naghalungkat ng magagamit na papeles. May nakita syang mapa.
“Juno, I found a map.”
“Okay, does it show a pirate treasure in it?”
“There’s an underground facility in this place. I’m gonna head there now.”
“You know I can’t cover you if you go in right?”
“We don’t have any other choice.”
“Hold on, somethings up.”Sinipat ni Juno ang front gate at may dumating na convoy ng mga trucks.
“What’s going on?”
“We got ourselves some company. Seems like they’re delivering something.”
Nakita neto bumaba ang isang babaeng may gasmask pero kalahati lang ng mukha ang natatakpan. Maiksi ang buhok neto at nakasuot ng military type winter suit. Lumapit ang guard at nagpakita ang babae ng papeles. Tumango ang guard at pinabuksan ang gate. Sumakay muli ang babae.
“shit’s got interesting.” Reaksyon ni Juno.
“What did you see?”
“Just uh… well how do I say this. Um….. a Zehn Schwerter member just arrived and seems packing.”
“How do you know it’s a Zehn Schwerter?”
“I say her before.”
“Her?”
“Yeah, before I was assigned to secure Mr Kshatriya, I was a part of the advanced unit in Centurion.”
“Why would you be in Centurion if you’re a Valkyria reactive?”
“Girl, I’ve been in so many shit okay. Let’s focus. Anyway, I was a part of the Centurion units that backed up Operation Freebird but we’re operating off the books so we went near Chernobyl okay. Before we entered Ukrainian borders, we encountered that bitch. Gelidus is what she calls herself. She’s a cryomancer.”
“Cryomancer?”
“She controls ice and water vapors. She froze half of my units dead, we were lucky to have escaped. I just don’t know how she can actually do that though. My men just suddenly stopped moving and ice particles started sprouting from their skins and they died by subzero freezing.”
“Great another being with super powers. What world am I living in? The comic books?”
“Just be careful Athena. I’ll be putting my rifle into drone mode and I’m gonna come with you. Just give me a second.” Sinetup ni Juno ang sniper rifle nya sa drone mode kung saan isang AI system ang automatic na aatake kapag may kalaban. Gamit ang grappling gun, kinonekta nya ang cable neto sa tower kung saan naghihintay si Athena at nag slide sa papunta dito.
“Missed me?” bati ni Juno nang makapasok sa watch tower. Sinundan nito si Athena na lumabas sa watch tower.
Pinasok nila ang malaking compound. May limang gusali sa loob, ang apat ay mga office sized buildings samantalang ang isa naman ay napakalaki at mukhang hangar ng eroplano. Ito ang kanilang pinasok. Dumaan sila sa may bubong at sinilip ang loob. Maraming mga malalaking kahon at ilang mga trucks. May mga nakasuot ng biohazard suits at mga naka military uniforms na may logo ni SAMAEL.
Nakita ng dalawa si Gelidus na pumasok sa isang opisina. May glass panel windows ang mga ito at kita nilang may inabot na dalawang maleta sa babae. Lumabas ito ng opisina at bumaba sa spiral staircase. Sa ibaba malapit sa mga nakaparadang trucks ay may malaking blast door. Bumukas ito at pumasok si Gelidus kasama ang dalawang tauhan nya.
Bumaba mula sa itaas ang dalawang Valkyrie. Pagkalapag nila ay hinubad nila ang mga winter suit at itinago sa ilalim ng truck. Inobserbahan nila ang lugar at may dalawang bantay sa blast door. Pinuntirya ni Juno at Athena ang mga bantay at nang matumba ang mga ito, mabilis nilang nilapitan at itinago ang mga katawan. Hinack ni Athena ang blast door at nang bumukas ito, pumasok ang dalawa. Isang maluwag na elevator ang bumungad sa kanila at may 20 floors ito pababa.
“You nervous?” tanong ni Athena.
“Fuck no. Why would I be? Hihi. You?”
“I’m worried. What if it’s a trap again.”
“We should always be looking over our shoulders Athena.”
“Right.”
“BLUSSSSTT!! “ Bumukas ang blast door sa 20th floor. Maluwag ang loob at may isang octagon platform na nakapaligid sa isang bilog na metal capsule. Nakapalibot sa capsule ay mga scientists. Kaagad nagtago ang dalawa.
Napansin ng mga guard ang pagbukas ng blast door at ininspect nila ito. Walang tao kaya kinontak nila ang guard sa itaas.
“We don’t have much time.” Bulong ni Juno. Kumilos ang dalawa nang mag simulang kumalat ang mga bantay.
Lumapit ang isa kay Gelidus at nakipag usap ito. Tumango ang babae at kumilos rin ito. Pumasok sa vents si Juno at nakatago naman sa ilalim ng platform si Athena. Tinignan nila ang metal ball na may malalaking electric tubes at hoses na nakakabit.
“They say the Black Sun is a weapon right? What kind of weapon is this thing?” tanong ni Juno.
“I don’t know, but it is imperative that we destroy this laboratory at all cost. Get your M-C4 ready.”
Nagkabit ng maliliit na timed bomb ang dalawa. Sinet nila ito sa isang detonator. Ginamit ni Juno ang vents para makakilos sa paligid habang maingat namang nagmamaneuver si Athena sa paligid ng metal ball.
“Heyy!! ” isang scientist ang nakakita kay Athena.
“PTUV!” Binaril kaagad ni Athena ito.
“OVER THERE!! “ Sigaw ng isang sundalo.
“SHIT!” “BRATATATATATATATATATA!!!!!” Binanatan kaagad si Athena ng mga sundalo ni SAMAEL. Nakatago ito at nagswitch mula sa silencer at kinuha ang live hand guns nya.
“Athena! Watch out! ” “BLAM BLAM BLAM BLAM!!! “ Binanatan ni Juno ang ilang papalapit kay Athena. Pero nakita sya ni Gelidus. Tinutok neto ang kamay kay Juno.
“FFRRWWAAAAASSSHHHHH!!!” Biglang lumabas ang isang ice wave at nawasak ang vents kung saan nakatalon kaagad si Juno.
“You entered the wrong house girl. But no matter, this place will be your cold hard tomb!” ” FFFRRWWAAASSSHHKKK!!!” Inatake muli ni Gelidus si Juno. Napatakbo ito palayo.
“BLAM BLAMM BLLAAM BLAMM BLAAMM!! “ Sinagot nya ito ng baril. Tinamaan sa dibdib si Gelidus pero tila may nabasag na salamin sa katawan nya nang mapansin ni Juno na ice armor ito.
“Fuck! What kind of a tech does this guys have!? “ nagreload si Juno.
Umakyat si Athena sa platform at binaril ang mga nakikitang mga kalaban. Bumukas ang blast door at tumakas ang mga scientists. Tinutok ni Athena ang handguns kay Gelidus.
“Juno!! Start the countdown! Let’s burn this place to ashes!”
“Hell yes sister.” “beep!” nagsimula ang 15 minutes countdown ng mga bomba.
“None of you shall leave this place alive!! ” “FFRRWWAAAASSHHH!!” Napa talon pababa si Athena subalit nadaplisan ang paa nya ng ice. Dahan dahan itong kumakalat sa paa nya.
“What the hell!? “ Gulat ni Athena at kinuha neto ang isang burner disc mula sa belt nya at itinapat nya ito sa nagyeyelo nyang paa. Hinde nya napansing nakalapit na sa kanya si Gelidus. Dinakma nya si Athena at binuhat.
“Gyaaahh!! ” napadaing si Athena nang magyelo nang dahan-dahan ang kanyang leeg na hawak ni Gelidus.
“Let her go!! ” “BLAM BLAM BLAM BLAM BLAM!! “ Tinadtad ni Juno ang ulo ni Gelidus at nabasag lang ang tila manipis na ice armor sa katawan nya. Nang makalapit sya kay Gelidus ay diniin nya sa pisngi neto ang baril.
“LET HER GOOO!!” Utos ni Juno. Pinakawalan ni Gelidus si Athena pero sinuntok neto si Juno. Natamaan ito sa tiyan at nakalabit ang baril at nadaplisan sa mukha si Gelidus. Nasugatan ito pero kaagad ring naghilom matapos balutan ng yelo.
“Instant regeneration… fuck.. “ napahawak si Juno sa tiyan nya. Nakaramdam syang naninigas ang tyan nya at napansin nyang nagkakayelo na ito. Dahan dahang gumagapang at kumakalat sa katawan nya. Mabilis na gumamit ng burner disc si Juno at ininit nya ang katawan.
“GNAAAAAHHH!! ” Napasigaw ito sa sakit habang naglalaban ang init at lamig ng kakaibang yelo.
“Juno! She’s using our body fluids to freeze us!”
“Wha.. what!?” dito napagtanto ni Juno kung bakit biglang nagyelo ang kanyang mga kasamahan dati. Kumuha sya ng granada at tinanggalan ito ng pin.
“No! You throw that thing, the bombs will detonate along with us!”
“Fuck that!” hinagis ni Juno ang granada pero sinabayan ito ng ice wave ni Gelidus.
“FFRRWWAAASSSHH!! KABLAMM!! “ Matapos mabalot ng yelo ang granada ay sumabog ito sa ere at nagsitalsikan ang mga basag na yelo.
“Your time is ticking ladies. I doubt you will have enough time to escape this place hahaha!” wika ni Gelidus.
“That’s it, I’m gonna wreck this bitch’s day.” Nagreload ng handgun si Athena. Pumikit ito sandali at nang imulat neto ang mga mata, naka Valkyrian Fury na sya.
“SHOOMMM!! ” Sinugod ni Athena si Gelidus nang nakakagimbal na bilis. Sinalubong sya nang sunod sunod na mga ice waves pero naiwasan nya ang mga ito at nakalapit kaagad. Dinikit nya ang baril sa dibdib ni Gelidus.
“BLAM BLAM BLAM BLAM BLAM!!” Binaon neto ang mga tingga ng sandata nya napa atras si Gelidus. Hinde kinaya ng ice armor neto ang malapitang impact ng bala. Sinubukan nyang mag hook pero naiwasan parin ito ni Athena. Kasunod na diniinan ng baril ay ang nuo ni Gelidus.
“BLAM BLAM BLAM BLAM!! FFRRWWWAAAAASSSSHHHH! “ Tumilapon ang katawan ni Gelidus sa tinde ng putok ng bala. Nagreload si Athena.
“Juno get out of here!” sigaw nya kay Juno.
“No I can’t leave you like this!” tinignan ni Juno na nabalot ng makapal na ice ang ibabang bahagi ng katawan ni Athena mula sa tyan. Unti unting kumakalat nanaman ang ice paakyat sa katawan ni Athena. Binaril ni Juno ang mga yelo sa mga paa ni Athena at nabasag nya ang ilang dito pero tila makapit ang yelo.
“Gahahaha! This is how you will die Valkyries! Your wings frozen in time and you will be buried here forever.” Tumayo si Gelidus at mistulang walang nangyari sa kanya. Nagcharge itong muli sa susunod na atake.
“Fuck you!” dinikit ni Juno ang disc burner nya sa katawan ni Athena. Nagreload sya at kaagad inactivate ang Valkyrian Fury nya.
“FFFRRRWWWAAAAASSHH!! FFFFOOOOMMMMM!!! “ Magkakasunod na mga ice waves ang pinakawalan ni Gelidus. Mabilis at maingat na iniwasan ito ni Juno. Ilang beses syang nag tumbling at cartwheel upang makaiwas sa mapanganib na mga atake ng Zehn Schwerter. Ang ikahuling atake nya ay hinde rin tumama nang mag slide si Juno palapit sa kanya gamit ang nagyelo na sahig.
“BLAM BLAM!! “ Binaril neto ang gilid ng mga tuhod ni Gelidus. Napaluhod ang babaeng cryomancer.
“This is for my comrades you killed fucker!” pinasok ni Juno ang isang granada sa armor ng katawan ni Gelidus.
“AAAAHHHH!!!! ” “KABOMMM!! ” Sumabog at nagkawatak-watak ang katawan ni Gelidus sa tinde ng impact. Nagkalat ang mga yelo sa paligid. Pero tila nawala na ang epekto ng kakaibang ice wave neto dahil huminto ang pagkalat ng yelo sa katawan ni Athena.
“Hey! Let’s go! Let’s get the fuck outta here.” Tinulungan ni Juno makatakas si Athena. Nagmamadali ang dalawang makalabas. Sumakay ang mga ito sa elevator at ilang minuto nalang at sasabog na ang mga tinanim nilang bomba. Subalit nang sumakay sila sa elevator ay hinde ito gumagana.
“Shit! They shut down the elevators! Fuckers!”
“Juno, we don’t have much time.”
“I know! Fuckin’ dammit!”
———-
By: Balderic
London
Sa loob ng hotel room kung saan nakatira si Dr Tamir, nakahiga ito at wala nang buhay. Sa labas ng kanyang silid ay may mga bantay na walang kaalam-alam sa pangyayari.
“Target’s liquidated. I’m heading to the RP.” Report ni Cassandra habang nasa loob pa sya nang silid ni Dr. Tamir. Gumamit sya ng grappling gun at nag slide mula sa bintana ng hotel papunta sa kabilang gusali. Nagmamadali itong bumaba nang gusali at naghihintay ang kotse na hinanda ni Yvonne Jackson.
“That was fast.” Bati ni Yvonne.
“Let’s get out of here.”
“I’m floorin’ baby.” Inarangkada kaagad ni Yvonne ang kotse papunta sa pickup zone nila.
Italy, Cerberus Secret Headquarters
Kaharap ni Ben si Boris at Dr. Psycho.
“Do you think you’re faster than my bullet?” tanong ni Ben kay Boris.
“Why don’t you try it? “
“BLAM BLAM BLAM BLAM BLAM BLAM!!!” “FWOOB FWOOB FWOOB FWOOB!!” Sa bilis ng hugot ni Ben ng magnum nya ay hinde nakitang gumalaw ang kamay nya at kaagad namang naglalaho sa itim na usok si Boris. Mabilis ang pagkilos ni Boris, walang sinasayang na segundo.
Naubos ang bala ng magnum ni Ben at binuksan nya ang barrel neto. Napangiti si Boris at umatake ito kaagad. Subalit biglang humugot ng ikalawang baril si Ben mula sa likod nya at tinutok sa papalapit na si Boris. Gulat ang Doppelganger sa ikalawang pistola.
“BLAM BLAM!!” “FWOOB!” Naglaho si Boris pero nang lumitaw ito sa bandang gilid nang kinatatayuan ni Ben ay dumudugo ang dibdib at gilid ng pisngi neto.
“Now this is surprising, you’re actually bleeding. I guess you didn’t get the regeneration abilities that the other Zehn Schwerter have.”
“Not all of us wants that power. Hmm.. “ tumayo si Boris at hawak ang sugat nya sa dibdib. Tinignan naman ni Ben si Dr. Psycho na walang ginagawa. Nakatayo lang ito at hinde nagsasalita.
“Do you know what I find funny?” tanong ni Ben.
“What?”
“The fact that you’re lying and your friend here is just standing doing nothing. I don’t think the man who can impersonate anyone would just throw himself into my bullets without any plans.”
“Wag kang kompyansa Ben!” isang boses ng lalake mula sa likod ni Ben ang nagpagulat sa kanya. Kilala nya ang boses na ito. Nilingon nya ito.
“Pa… paano… paanong nandidito ka!? ” hinde makapaniwala si Ben sa nakikita nya. Nakatayo ang matandang lalake na may malalim…