You Are Trouble

You are trouble

Love story

Fiction

Unang beses ko pa lang po mag sulat. Almost 5 year na silent reader po ako dito. Avid fan ni sir cloud, sir balderic, mam collen, fic-fac at sweetcouple..
Mang hihingi lang po sana ng advice sa gawa ko kung panu ko pa maimprove ang pag susulat ko.hopefully na makapag sulat din ng erotic stories in future. libre po lait hahaha

( kelan kaya mag udpate si sir cloud ng pang akit ng manila at perfect girlfriend?)

1st part

“NAKARAAN”

Kelan ka huling gumawa ng kabaliwan sa buhay mo? Yan ang sabi ko sa kanya, habang ako ay nag eenjoy sa buhos ng ulan at sya nman inis na inis habang nakasilong sa ilalim ng waiting sheds sa harap ng school nmin..

Sya: anu ba yan sabi ng pag asa maganda ang panahon ngayon. Hindi tuloy ako nkapag dala ng payong..hoy!!! Enjoy na enjoy ka jan ah..baliw ka pag ikaw nag kasakit na naman.

“haha alam mo nman baliw ako baliw sayo.!”

Pag kasabi ko nun nag ngitian at kinantsawan sya ng mga classmate nmin sa tabi nya.. sinu ba naman ang di titingin sakin isang collage student n nag lalaro sa ilalim ng ulan..

“come on lets enjoy the rain..”

Sya: baliw kaba baka mag kasakit ka at ang mga gamit natin mababasa..

“bigay mo nlang yan kay jane ihatid nlang sa bahay mo ang gamit natin” (si jane classmate nmin at kapit bahay nya..)

Jane: hay naku sis akin na nga yang gamit nyo. Dika titigilan nyan..

“halikana?”

Sya: are you crazy?anu sasabihin ko samin pagumuwi ako basa!

Nilapitan ko sya. I look at her beautiful round black eyes(ang mga mata nya ang pinaka paborito ko sa kanya)

“once in your life be crazy enough to enjoy small things. Specially if it comes from heaven!”

Sabay hawak ko sa kamay nya at hatak palabas ng waiting shed…

Sya: baliw ka hahaha pag ako pinagalitan ni mama..

sabay kutos sa ulo ko.ganun na sya madalas nya gawin yun papaluin ako..sasabunutan at kukurutin lalo n pag dadaan ang crush nya..

Yap crush nya..ako nga pala ang bf nya. Bf as in Best friend.

Lihim na nag mamahal umaasa na baka someday gaya ng ulan may pumatak kunting pag tingin para sakin mula sa puso nya..

Hawak hawak ko ang kamay nya habang sinisipa ang tubig ulan papunta sa kanya.. at ganun din sya sakin.

I look at her eye’s. She look back at me na parang nag tatanung bakit ako bigla naging seryoso..

Eto na eto na ang moment na hinihintay ko. Bahala na.. masira kung masira ang friendship nmin basta masabi ko lng ang nararamdaman ko..

“best may sasabihin sana ako sayo.”

Sya:” ayusin mo di lng kutos ang aabutin mo sakin, pag di ko nagustuhan yan sasabihin mo!”

Bahala na kahit sabunutan at kurutin pa ako ngayon masabi ko lng nararamdan ko..

“best ma..ma..ma..”

“Hoy miss sagutin mo na yan man liligaw nakaharang kayo sa daan eh”!!!!

Galit na sigaw ni manong driver..

Sya: ay sorry po manung..pasensia na.. tsaka di ko manliligaw to bestfriend ko to!!!

Manung driver: best?! Best?! Wag ka maniwala jan iha lolokohin ka lang nyan..

Amputa manong napaka perpect ng timing mo..di pa nga nagiging kami lolokuhin ko kagad..di ba pwede maging kami muna..advance ka din mag isip eh sabi ko sa isip ko..

Sabay patakbo ng jeep ni manong..

Pero bago nakalagpas samin.sabay sigaw ng.

Manung driver: mag hihiwalay din kayo!! Walang forever!!hahahaha

Sya: hoy manung bawas bawasan mo pag kain ng ampalaya!may forever kami di kami mag kakahiwalay dahil best friend kami..diba best?(sabay tingin sakin.)

wow best friend hangang dun nlang ba kami? Di nga kami mag kakahiwalay pero hanggan dun nalang ba?shit ang tagal ko inipon ang lakas ng loob ko ready na ko kanina perpect moment malamig n hangin at katamtaman ang lakas ng ulan.kaming dalawa naliligo mag kahawak kamay at nag lalaro parang sa mga movie na love story pero sinira ni manong.pag ako hindi sinagot nito ipapatumba kita manong.pag sisihan mo na ampalaya ang inulam mo ng araw na yun.

Shit eto na ang moment ko e2 na ang umpisa nag love story namin ang kelangan ko lng gawin ay umamin at mapasagot sya, Di ako papayag n masira ni manong ang moment na to.! Buhay at pangarap ko nakataya dito!

“best…..”

sya: best anu nga pala sasabihin mo?

“best ma. ma. malamig..best ang lamig di ako makahinga..haaaaaa…..haaaaaaaaaa…..haaaaaa…”

Amputa mamatay nlang bako ng di ko nasasabi sa kanya na mahal ko sya..

Sya:ayan sabi ko sayo eh..ligo pa sa ulan.. ulan pa more. Asthma pa more.. lika dun tau sa shed..

Inalalayan nya ako papunta sa waiting shed..

Sya: nasan n ang inhaler mo?

“ba..bag haaaaaaaa haaaaaa”( ang hirap na huminga )

Sya: shit na kay jane ung bag natin!! Nakaalis na sya Uy! Uy! Best ok ka lng? Best!!!! Taxi!!!!

Ako si richard. ako ang bida sa kwento na to..gwapo daw ako sabi ng nanay ko.. sabi nman ng iba nag sisinungaling daw ang nanay ko.. masasabi ko rin nman may itsura ako maganda ang mata ko at matangos din ang ilong ko.. ang problema sakin ay ang aking katawan sabihin na natin na payatot ako.. kung baga bawal ako lumabas pag nabagyo kasi tatangayin ako ng hangin. Di rin maganda ang kalusugan ko may asthma ako..

At Asthma ang dahilan kung bakit ako na dedo.. well ayaw ko pa sana mawala may mga misyon pa ko sa buhay..isa na dun ang masabi ko kay anna kung ganu ko sya kamahal.. si anna ang best friend ko at pangarap ko..sya din ang kasama ko bago ako atakihin ng asthma at di na nakahinga..

Hay ang malas ko ng araw na yun, pornada lahat ng plano ko, at ang inipon ko na lakas ng loob ay nawalan ng saysay, di ko manlang nasabi sa kanya kung ganu ko sya kamahal, kung ganu ako kasaya tuwing nangiti sya sakin.kung panu nagiging kompleto ang araw ko pag napapalo at nakukurot nya ako..

Ang tanga tanga ko naman kasi, alam ko nman na mahina ako sa lamig pero naligo parin ako sa ulan.pwede ko nman sabihin sa kanya mahal ko sya ng nakakapote ako at sya lang ang basa.pero parang di magnda tingnan wala pa ako nakita na pelikula na ganun ang eksena..

Sayang di ko na sabi sa kanya..

Eto ako ngayon nakatingin sa kawalan eto na siguro ang langit.. kulay puti kasi ang nkikita ko.tahimik ang piligid..

“Good morning….”

May nadinig ako maganda boses boses ng babae..

“Kamusta ang pakiramdam mo saan ang masakit sau? “

“May masakit ba sayo”

lumingon ako sa kaliwa..nakita ko isang babae isang anghel siguro to.. ang ganda nya.. sigurado langit to.. wala kasi syang sungay at mukang anghel..sure ako langit to..

“miss may boyfriend kana? Pwede ba manligaw dito sa langit?”

Nang biglang “PAK” isang malutong na kutos ang tumama sa ulo ko..

Anu ba yun ang ansakit nun ah.. pati ba naman dito sa langit ramdam ko parin ang haplos ng pag mamahal ni anna?

Pag lingon ko sa kanan nakita ko ang tinitibok ng puso ko..pupungas pungas ang mata..magulo ang buhok wala pa suklay..at may bakat ng laway sa kaliwa pisngi nya.. muka sya mangkukulam nung oras na yun. kita ko rin sa mata nya ang bakas ng pag aalala..ang babaeng akala ko di ko na makikita uli.. pero bakit andito sya.. ganun ba nya ako kamahal sinundan nya rin ako sa langit?

“best bakit ka nand2. Na asthma ka din?”

Anna: hoy muntikan kana mamatay kalokohan parin ang nasa isip mo at manliligaw kapa ng nurse..

Sa sinabi nya parang natauhan ako.. lumingon ako sa paligid nasa loob pala ako ng isang kwarto tiningnan ko ang babaeng nakangiti sa kaliwa ko nakasuot sya ng uniforn sa hospital na may logo ng hospital na malapit sa school namin.

“Hahaha im alive!!!!! Kala ko katapusan ko na.”sa isip ko.

Nurse: Sir kunan ko lng po kayo ng blood pressure..sasabihin ko na rin kay doc na nagisng na kayo..

“ah sge po sorry napag kamalan ko kayo angel kanina kala ko kasi patay na ako..”

Nurse: ung mga masasama damo daw sir matagal mamatay.. kaya siguro di pa kayo kunuha ni lord..

“Abay loko loko to babae na to.. di ka lng maganda nagsasabi kapa ng totoo. Teka mabait ako ah ” sa isip ko uli…

Nurse:sir ok naman bp nyo wait nyo nlang po n mag rounds si doc..

Lumingin ako sa kanan nakita ko si anna naka tshirt n sya na nakaprint ang paborito nya character na palabas pam bata.kulay dilaw malambot at masarap pigain pero pinaka ayaw ko hawakan nung bata pa ako kasi sigurado mag huhugas na ako ng plato nun.

” best anu ng yari?”

Anna: muntikan ka lng naman nakipag kita kay lord. Pero bawal ka daw dun kaya buhay kapa.

“ang lupit mo naman. Pero salamat sa pag takbo mo sakin sa hospital ah..”

Anna: di kita tinakbo ang bigat mo kaya buti nung inatake ka sakto dumaan ang sundo ng pinsan ko at naisakay ka kagad.
Ang pinsan ko din ang unang ng bantay sau dito para makauwi ako ng bahay at makapagpalit ng damit..kakauwi lang din nya.
best eto nga pala ang cp mo kinontak ko na ang pamilya mo sa probinsya sinabi ko na naospital ka..
paluwas na daw ang mama mo.. pero sinabi ko n wag sya mag alala kasi di ka tangap sa langit kaya buhay kapa..

” baliw kaba sinabi mo tlg yun?”

Anna: engot syempre hindi takot ko lng sa mama mo.(sabay tawa nya ng malakas)

“tama ka lagot ako nito sermon na naman abot ko nito..”tumawa na din ako..

Tumingin ako sa likod ng kamay ko may nakatusok na swero. Sa kaliwa kamay ko naman ay may bracelet na nakalagay..

Eto ung mga bracelet na may meaning..lucky charm yata ang tawag nila sa ganito..

“best salmat sa bracelet ah maganda..”

Anna: di ako ng bigay nyan best ang pinsan ko pampaswerte daw yan. May meaning din yata yan.

“anu daw meaning nito?”

Anna: malamang pang papahaba ng buhay nasa ospital ka eh..

“ah parang pansit!”

Anna: speaking of pansit di kapaba gutom wait lang ha. lalabas muna ako at bibili ako pansit almusal natin.di to ka lang ah..wag ka shushunga shunga nangangain ng tanga ang pinto.(sabay turo sa pinto)

“di nman ako makakalis dito.injured ako injured.,”pinakita ko ang swero ko..

Anna: wait lang ha bibili lng ako..

Bago sya nakatayo hinawakan ko kagad ang kamay nya..

“oh lord salamat sa isa pang buhay ang akala ko di ko na uli mahahawakan ang kamay na to..”sa isip ko

marahan ko sya tiningnan at buong pag mamahal ko n sinabi na best mahal kita salamat at sinamahan mo ako dito..

Tumingin din sya sakin at sinabing

Anna: syempre mahal din kita ikaw paba iiwan ko kahit na ganyan ka di naman kita kaya iwan mag isa lng dito..

Sabay marahan nya hinihimas ang nuo ko..nag katitigan kami dahan dahan nya binaba ang ulo nya.. ako na nakatulala, parang natatalon na ang dibdib ko eto na yun.

Dahan dahan lumapat ang kanyang mga labi sa aking pisngi at marahan nya ako niyakap.yung mga panahon na yun parang ayaw ko n gumaling, kung yun lng ang way para mayakap nya ako lagi ng ganun payag na ako na dito nalang sa ospital.parang gusto ko itigil ang ikot ng mundo at yakapin nalang sya habang buhay.

Anna: pagaling ka ha..at mangako ka na hindi mo na uli ilalagay sa alanganin ang sarile mo..pinag alala mo ako ng subra.

“pangako, sorry kung nag alala ka.. “sabi ko

Bumitaw na sya sa pag kakayakap sakin at marahang pinisil ang mga kamay ko bago sya tumayo at lumabas ng pinto.

KASALUKUYAN

Naputol ang pag mumuni muni ko sa nakaraan ng marinig ko ang mga tao na nagsalita na anjan bride.