Yan ang sabi ko sa sarile ko habang nakaharap sa salamin ng c.r..napilitan ako pumunta sa c.r di para umihi or mag gebs..nandito ako para pakalmahin ang sarile ko.
“Baliw na babae yun sinu ba yun bakit ganun kalaki ang galit nya sakin” tanung ko sa sarile ko
After mag hilamos para bumalik ang kulay ng muka ko at kahit papanu ma wash away ang hiya..lumabas na ako ng c.r. at bamalik sa loob ng simbahan..
Pag balik ko tapos na ang kasal malamang walang tumutol, ayos na din siguro na di ko nakita na ng i do sila sa isat isa baka mag hagulgul pa ako ng iyak duon sa loob..masaya na din ako para kay anna atleast natupad na ang pangarap nya..
At marahil eh nag bago na din ang mapapangasawa nya..sana nga para di na sya nasasaktan..
Pag pasok ko sa simbahan naabutan ko nalang na palabas na ang ikakasal at sinsabuyan n sila ng bigas habang lumalabas ng simbahan..(pampaswerte siguro yun)
san ba nakakakuha ng bigas at isasabuy ko sa babaeng katabi ko kanina para mawala na ang malas sa buhay ko..
Naalala ko na naman ang babae na yun nasan na kaya ang babaita na yun..
“bakit ko ba sya hinahanap”sabi ko sa sarile ko
para na rin makaiwas sa kanya. kelangan lumayo ako sa babaing yun.
Habang nakatingin ako sa pag labas ng ikakasal sa simbahan,dahan dahan narin naluwag ang damdamin ko.masaya na si anna. panahon na siguro para maging masaya na din ako..at ang unang right move para maka move on ay umalis na sa simbahan na to at di na umattend ng reception nila..
Tumalikod na ako at humakbang palayo patungo sa isang pinto ng simbahan ng biglang may humawak sa likod ko,para pigilan ako makalayo..
“Lord please wag sya please ilayo mo ko sa sumpa at dilobyo sa araw na to please, wag sana yung baliw na babae kanina”sabi ko sa isip ko
Dahan dahan ako lumingon..
Mark: Pare long time no see kamusta kana..
“Uy pre kaw pala yan.ok lng pre.”sabi ko
Mark: laki ng pinag bago mo pare ah di kana payatot at macho kana..
“Oo eh epekto ng tamang kain at tamang tulog pati gym ikaw din laki ng pinag bago mo”(nakatingin ako sa tiyan nya ilan buwan na yang dinadala mo pare?)
isa sya sa mga tinatawag nila na hunk nung collage sa batch nmin at marami talaga nag kakandarapa sa mokong na to..
Isa si mark sa mga malalapit na kaybigan ko dati maliban kay anna at jane..
Halos lahat sila iniwasan ko after ng pang babasted sakin ni anna..marahil di maganda ang disiyon na ginawa ko na lumayo at iwasan sila lahat pero yun ang inaakala ko na pinaka madaling way para maka move on.
Mark: pre anjan sila nikko at lance..tara sabay sabay na tayo pumunta sa reception para makapag bonding naman tayo.
“Ah balak ko na sana umuwi na eh”sabi ko
Mark: bakit naman pre masakit parin tyan mo?
Amputa talaga.akala siguro lahat ng tao kanina natatae ako..
Nikko: uy!!! Brad kaw pala yan!!
Bati sakin ni nikko(naku mukang mahihirapan ako makaalis nito)kasunudan nya ang isa pang kulokuy na si lance
Lance: pre kamusta ang tiyan mo nailabas mo ba lahat?
Nikko: kaya pala may naamoy ako kanina ikaw pala yun?
Mark: gusto mo diatabs?
Sunod sunod na tanung ng mga kolokoy..ganito talaga kami pag nag sama sama hindi matatapos ang araw ng walang napag tritripan at sa araw na to ako yun.(kasalanan to ng babae na yun)
“Oo eh nailabas ko na nakalimutan ko nga mag hugas ng kamay eh.”sabi ko sabay pakita ng kamay ko na kinamayan nila kanina..
Nag katinginan sila at sabay sabay inamoy ang kamay nila..
Mark: gago ka talaga..(sabay tawa nya ng malakas)
nikko: ayos kompleto na nman ang strawhat pirate!!!
Strawhat ang tawag namin sa grupo namin. Nag kapalagayan kami ng loob ng malaman namin na meron kami iisang common interest (maliban sa panunuod ng bold at scandal) ay yun ang panunuod ng one piece.grupo ng mga pirate sa anime at ang pangalan ng grupo nila straw hat pirate.. kaya pag nag gagala kami or mag kakasama palagi nmin sinasabi kompleto na ang straw hat..
Sabay sabay kami ng punta sa reception,sumakay nalang kami lahat sa suv ni lance kasi sya lng ang may dalang kotse nuon.. habang nabyahe kwentuhan. Asaran at tawanan.
Nakarating kami sa reception area.. isang venue sa hotel hall.. maganda ang paligid gaya ng sa simbahan light pink ang kulay ng paligid.. sa pahabang hallway nasa dulo ang mahabang table kung saan naka pwesto ang bagong kasal at immediate family nila..nakaharap sila sa table ng mga guest.sa taas ng bawat table may nakasabit na chandeliers.pero sa gitna ng mga table ng guest may malawak na space para makasayaw ang mga guest.at sa dulo ng hallway may make shift stage na nkalagay 1ft ang taas mula sa sahig..may mga music instruments din na nakalagay malamang may live band na kakanta.. masasabi talaga na pinag handaan ang venue na to..
Lahat ng tao masaya sa celebration. Puno ng pag mamahal ang buong lugar. Kung may isang tao na malungkot dito sigurado ako un..
Sabay sabay kami mag kakabarkada pumasok sa hall at pumesto kami sa bandang bungad,malapit sa pwesto ng bagong kasal..
Nag umpisa na ang event nagsalita ang mga malalapit na kamag anak ng bride at grooms.nag sabi ng mga sweet msg para sa bagong kasal..
Naging abala naman ang mga kasama ko sa pag hahanap ng magagandang chicks halos lahat yata ng babae sa lugar na to. Di nman ako makasabay sa kanila kasi nakatuon lng ang atensyon ko sa mga bagong kasal pati narin sa nag bibigay ng message.
Hanggang sa natapos na ang lahat sa pag bibigay ng message ngayon oras na para ang groom nman ang bigay ng message para sa wife..
Ungoy:(di nya tunay na pangalan.sadyang iniba ng author ang pangalan para sa ikakabuti ng nakakarami.) Anna Alam ko marami na tayo pinag daan away bati pero eto parin tayo. We made it honey. Salamat sa paulit ulit mo na pag papatawad sakin. At sa walang sawa mo pag mamahal.. simula sa araw na to pinapangako ko na di kana iiyak pa..patuloy kita mamahalin hanggang sa pag tanda natin..
Palakpakan ang mga tao.. parang bilib na bilib sila lahat sa sinabi ng bakulaw na to.. kung tatakbong politicians to mananalo tong kumag na to.. nasa kanya ang dalawang basehan ng tipical na politician ang pagiging mang gagamit at pagiging manloloko..
Nag tama ang mga mata namin ni anna kung may tao dito na lubos na nakakaalam kung anu angpinag daanan nya sa piling ng kumag na to ako yun.. kita ko parin sa mga mata nya ang saya.marahil nag bago na nga ang napangasawa nya.. or patuloy parin sya umaasa at kumakapit sa idea na na mag karon ng masayang pamilya kasama ng ungoy nya na asawa..
Inabot na ng asawa nya ang mike kay anna..
Anna: honey.. no words can tell how much i love you.. simula nuon hanggang ngayon sayo lng ang puso ko.patuloy kita mamahalin at aalagaan. Mahal na mahal kita honey..
Part ng utak ko ang ng sasabi na maging aware ako sa surrounding, baka di ko mamalayan eh sumulpot na nman ang baliw na babae kanina sa simbahan..pero kung tutuusin maganda ang babaeng yun. Mala angel na ngite. Napaka amo ng muka.. petite na babae. At pansin ko rin kanina sa suot nya meron syang malusog na hinaharap.baliw nga lang..kung may boyfriend man ang babae na yun sigurado kawawa ang lalaki or pareho sila may sapak sa ulo..
habang abala ako sa pag iisip ang mga kasama kung kolokoy ay abala nman sa pag huhunting ng mga chicks,,daig pa nila ang mga professor namin school dati kung makapag rate ng grado,, kanya kanaya sila hanap sabay gagradedan ng 1 to 10..
bigla tinapik ako ni mark.
“pare anu palagay mo sa chicks na yun”sabay nguso nya sa babae na nakaupo sa katabing table.
agad ko nilingon ang babae at sa di sinasadyang pag kakataon nag tama mata namin..
nakita ko na nman ang mala angel na ngiti na yun,, ang babaeng ng lagay sakin
lubos na kahihiyan kanina..
at kumaway pa ang bruha na parang wala sya ginawang kasalaan sakin kanina..
“ang walang hiya mababawian din kita”sabi ko sa isip ko..
natapos na ang pag bibigay nila ng message sa bagong kasal at ng umpisa na kumain lahat ng bisita,, at ng mga busog na ay kanya kanya na kamustahan nameet ko narin ang iba namin kaklase dati at lahat sila nagulat sa pinagbago ng itsura at katawan ko..
habang abala kami ng kkwentuhan mag babarkada bigla nalang may tumapik sa likod ko,,sabay sabay kami napalingon.
“tropa musta?”
“tropahin mo muka mo..”sabi ko sa isip ko..
“pre may kaybigan ka pala magandang binibini di mo manlang pinakilala samin”sabi nman ni mark..
“di ko nga kilala yan at wag kayo maniwala jan baliw yan”sasabihin ko pa sana ng unahan ako ng baliw na babae na to
“Lyn guys glad to meet you all”
ah Lyn pala ang pangalan nya..pero di ko parin sya maalala,,
“ako ung tumulong kanina kay richard sa simbahn”…dadag pa nito
“may sapak talaga ang babae na to tumulong daw eh pinahiya mo ako.”sa isip ko
“natatae na kasi sya ayaw pa nya sabihin”dadagdag pa nya
tawanan na naman ang mga kulokoy sa sinabi ni Lyn……