“ate anu ginagawa mo sa loob ng c.r ng lalaki?” tanung ni anna..
“ah kasi sumakit ang tiyan ko kanina, eh ang haba ng pila sa c.r ng babae kaya sinamahan ako ni richard sa c.r nila” sabi nman ni lyn..
dahan dahan nman lumingon si anna patungo sa direction ko. ngitian ko sya..
“hi…”bati ko sa kanya,
eto yung unang beses na muli kaming makakapag usap after ko umalis papunta america. di rin ako nkapag paalam sa kanila bago ako umalis,parang bigla nalang ako nawala, nawala sa sirkulasyon. nung mga panahon na umalis ako ang tanging nasaisip ko lng ay makalimot at makalayo.
ito kami ngayong dalawa mag kaharap.blanko ang muka nya waring inaarok nya kung anu ang mararamdaman nya sa muli nming pag kikita..
binasag ko na ang katahimikan,,
“ang ganda ng kasal mo..congrats anna.” sabi ko..
“best….”sabi nya sabay yakap sakin,
“ah siguro alis muna ako ah,, dun muna ako sa malayo.. “sabi ni lyn..
hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya para sabihin sa kanya na wag syang umalis ayaw ko maiwan sa sitwasyon na ganito baka madurog na naman ako..
hamarap sakin si lyn ngumiti na nman sya,, at kinuha nya ang kamay nya.. bago pa sya umalis at tumalikod ng thumps up pa ng dlawang kamay..
” bakit ka ba umalis at di na kita macontact..” tanung ni anna sakin
“pasensia na,pero kelangan ko umalis nung panahon na yun eh,,”sabi ko
i try to calm hanggat sa maari ayaw ko mag sabi ng salita na pwede mag balik saming dalawa sa nakaraan,, marahil sya ay naka move on na pero ako hindi pa, kaya kung mapag uusapan nmin ang nakaraan sigurado ako na nman ang lubos na masasaktan at yun ang iniiwasan ko,,
bumitaw na sya sa pag kakayakap sakin, mag katapat na kami ngayon. nilagay ko ang mga kamay ko sa loob ng bulsa ko, ngunit ang isang kamay naman nya ay hinawakan ang isang kung braso,wari nag aantay pa sya ng karagdagan sagot bukod sa sinabi ko kanina.
“ui congrats uli ah, alam ko masayang masaya kana happy ako para sayo!”
masayang sabi ko sa kanya para maiwas ang usapan namin sa mahaba haba pang tanungan..
“best. nag tatampo ako sayo.. maraming oras na kelangan kita pero wala kana.” sabi nya
kinuha ko ang kamay nya na nkahawak sa braso ko, at hinawakan ko un at nilagay sa pagitan ng dalawa kung kamay..i look at her two beautiful round eyes..(ang mga matang to ang bumihag sa puso ko,)
“gusto ko pa sana mag stay dati sa tabi mo,gusto ko pa sana samahan ka tuwing malungkot ka at gusto ko pa sana makita ka na masaya dahil sa kanya.. pero baka kung mag stay pa ako may makalimutan akung tao..”
“baka makalimutan ko ang sarile ko.”
“kaya mas pinili kung lumayo”malungkot kung pahayag sa kanya.
“pero ayos lng din naman diba,masaya kana ngayon natupad na ang pangarap mo na makasama sya habang buhay..congrats best..hangad ko lagi ang kaligayahan mo..”niyakap ko sya at dahan dahan ako tumalikod at humakbang palayo..
hindi ko na nilingon kung anung naging reaksyon nya hindi ko na inalam kung anu ang magiging sagot nya sa pahayag ko kanina..
tuloy tuloy ako nag lakad palabas ng alleway at ng tungo sa party.
hinanap ko ang isang pamilyar na tao na kasama ko kanina pero hindi ko sya nakita..
“mark! pare nakita mo ba si lyn?” tanung ko kay mark..
“nakita ko sya pare kanina palabas ng hall mukang malungkot eh..”tugon nman nya..
“anung ginawa mo minanyak mo ba?”tanung naman ni lance..
“siraulo wag mo ako igaya sa galawan mo. hahaha” tawa ko nman sagot sa kanya..
hahayaan ko nalang sana ang oras na matapos ngunit bawat sigundo parang may kulang parang may hinahanap ako,paulit ulit ko iniiling ang ulo ko na wag isipin pero patuloy parin sya pumapasok sa isip ko..
“pre anung problema?”tanung ni mark
“wala pare..”sagot ko..
“pare alis na muna ako. maiwan ko muna kayo kelangan ko na umuwi..”sabi ko sa tropa..
“bakit san ka pupunta?mamaya kana umuwi pare”tanung nman ni lance..
“pare sabi nga ng philosopher na kilala ko.kung papagalitan ka lng din lng dahil uuwi ka ng gabi eh di sagarin mo na.”isang napakahusay na suggestion mula kay mark..
“sinu ba yang philosopher na kilala mo?’tanung naman ni lance..
“ung isa kung kumpare na nasa ICU ngayon, binugbog kasi sya ng misis nya.”sabi naman ni mark..
“ui, mga kolukoy aalis na ako, bahala kayong mag lukohang tatlo jan”palam ko sa kanila sabay kaway na..
“pare lyn is a nice girl..hangad namin ang ikaliligaya mo.. pag labas nya kanina sa hall nakita ko kumanan sya baka nasa likod sya ng hotel..”nakangiting sabi ni mark .
nag thumbs up nalang ako sa kanya bilang tugon..
pag labas ko ay dali dali akung pumunta sa direkyon na sinabi ni mark..kumanan ako at isang mahabang pasilyo ang nilakaran ko papunta sa isang malaking pinto,, dahan dahan ko tinulak ang pinto para hindi ako makagawa ng ingay..
pag bungad ng ulo ko ay nakita ko kagad ang taong hinahanap ko nakasandal sya sa puting poste ng hotel ang isang kamay ay nakalahad palabas pinapanuod ang paulit ulit na pag patak ng ulan sa kanyang palad.
nakaharap sya sa open garden ng hotel, may mga puno sa paligid ng garden. sa gitna nman may malawak na lugar kung san nakalagay ang mga lamesa at silya na ngayon ay basa na dahil sa ulan..mula sa bawat poste may mga puting ilaw na hugis bilog na nakasabit sa taas, ng ko crossed ang mga linya ng nakasabit na ilaw papunta sa kabilang side ng garden..
sa mga puno naman may mga Christmas light na nakasabit kulay puti din at marami din mga Christmas light na nakabitin lang sa mga puno mistulang ulan ang sunod sunod na pag ilaw ng mga ito.
pag sara ko ng pinto naamoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak at amoy ng ulan na pumapatak sa mga halaman..
dahan dahan ako nag lakad palapit sa kanya di parin nya ako napapansin, nakatingin parin sya sa paulit ulit na patak ng ulan sa kanyang kanang palad..
nang tuluyan na ako nakalapit at tumabi sa kanya sumandal narin ako sa poste.inilahad ko rin ang aking palad para saluhin ang ulan..
ng tagal kami sa ganung sitwasyon walang umiimik wari nag papakiramdaman kung sinu ang unang mag sasalita,
tatanungin ko na sana sya kung ok lng sya ng biglang sinandal nya ang kanyang ulo sa balikat ko,,
“alam mo ba ang una kung halik ay binigay ko sa taong mahal ko, ganito din ang panahon malakas ang buhos ng ulan katamtaman ang lakas ng hangin..”malungkot nyang pahayag.
“wow ha swerte naman ng lalaking yun”masaya kung sabi kay lyn..
“ang totoo nyan hindi nya alam na hinalikan ko sya!”ngumiti na ang kanyang labi at mata na parang may magandang ala-ala na sumagi sa kanyang isip.
“hala!! kababae mong tao minanyak mo yung lalaki?” nakatakip pa ang kamay ko habang sinasabi ko yun na parang gulat na gulat..
“hindi ko sya minanyak…….”
“i save his life”… malungkot na naman sya tumingin sakin at humakbang patalikod,,
aalis na sana sya ng hawakan ko ang braso nya,,
“alis kana?” tanung ko..
“oo, babalik ako dun sa loob,di pa ako nakakasayaw eh”malungkot na tugon nya ang mga mata ay hindi nakatingin sakin.
i touch her face para iharap sakin, at pinakita ko ang pinakamalupit kung smile.(sabi ng nanay ko)
sabay lahad ng kanang kamay at may papose pa kagaya ng napapanuod nyo sa t.v. para alukin sya ng sayaw..
“pero wala namang music dito at naulan pa, nababasa na din tayo kanina pa..” sagot naman nya..
“walang problema sa ulan. meron tayong mga payong dito” sabay kuha ko ng isa payong na nakalagay sa stand sa tabi ng poste,marahil ginagamit ito ng mga staff para makatawid sa garden pag naulan..
“eh music?”tanung nya. ang malungkot na mata nya kanina ay napalitan na ng ngiti..
“meron din.”sabay pakita ko ng c.p ko at ear phone..
“care to dance?”muli kung lahad ng kamay ko sa kanya..
nakangiti na nyang inabot ang kamay ko.
binuksan ko ang payong at dahan dahan kami ng lakad papunta sa gitna ng garden.binuksan ko ang music player ng c.p ko.at kinabit ko sa isang tenga nya ang earphone at ang isa naman ay sakin..pumalibot na ang kanyang kamay sa aking leeg nakatitig sya sa mga mata ko at wari ng aabang kung anung music ang aking papatugtugin,at pinindot ko na ang play.
ngumiti na nman sya ng pag ka ganda ganda sabay sabing..
“Old school but romantic.”sabi nya..
((kung tayo ay matanda na sana di tayo mag bago..kelan man nasaan man ito ang pangarap ko, makuha mo pa kayang akoy hadkan at yakapin…hmmmm hmmmm hangang sa pag tanda natin..))
i put back the mobile in my pocket niyakap ko na ang bewang nya habang ang isang kamy ko naman ay nakahawak sa payong..sumandal nadin ang ulo nya sa aking dibdib..
((nag tatanung lang sayo ako pa kaya ang ibigin mo kahit maputi na ang buhok ko?….. darating ang araw ang yung buhok ay puputi narin.sabay tayong mangangarap ng nakaraan natin ang nakalipas ay ibabalik natin…hmmmmmm hmmmmm.))
“hindi mo ba itatanung kung ka ano anu ko si anna?” malumanay nyang tanung habang ang kanyang pisngi ay nasa aking dibdib parin..
“it doesnt matter..ang mahalaga ngayon ay ikaw at ako at ang oras na to..”tugon ko naman..
((ipapaalala ko sayo ang aking pangako na ang pag ibig kuy laging sayo kahit maputi na ang buhok ko… kahit maputi na ang buhok ko….))
hindi na nmin namalayan ang oras at kung ilan kanta naba ang dumaan na aming pinakingan habang kami ay nagsasayaw sa ilalim ng ulan.
lalong humigpit ang yakap nya sakin at ganun din ako sa kanya.. gusto ko pa sana mag tagal kami sa ganun,kaso lalong lumakas ang ulan at hangin ang mga pants ko mula saking hita pababa ay basang basa na ng ulan.. pansin ko din na basa na ang kanya suot na infinity dress dahil sa ulan..
“siguro kelangan na natin mag silung nalakas na ang ulan at mukang nilalamig kana..”suggestion ko sa kanya..
“dito nalang tayo,ok lng ako.mas gusto ko dito.”nakaharap na ang kanyang muka at nakangiti sakin..
tinitigan ko uli sya napaka amo ng muka nya at sa di ko malaman na dahilan parang gusto ko halikan ang kanyang mga labi dahan dahan ko nilapit ang muka ko ang kanang kamay ko naman ay pinalibot ko na sa kanyang batok, nakapikit na sya ng hihintay sa sunod ng mang yayari,, malapit na mag lapat ang aming mga labi ng biglang…
“SIR!!! kelangan na namin patayin ang mga ilaw.lumalakas na kasi ang ulan.. baka makuryente pa kayo jan!!!…”
malakas na sigaw ni manong na nakasuot ng uniforme ng hotel..
sabay kami napatingin ni lyn kay manung..
“manung naman eh. ganda ng timing mo, andun na eh.. unting unti nlang eh..”bulong ko at pailing iling ko na sabi…
habang si lyn naman ay parang bata na inagawan ng candy at handa ng sugudin si manong..
“Aawayin ko yan awatin mo ako!!”sabi nya
“wag.. wag .. baka ma tulfo ka..” hawak hawak ko naman ang bewang nya na parang pinipigilan sya,,
“hindi ginagalit ako eh, aawayin ko yan!!” hindi ko maintindihan kung ng bibiro lng sya or talagang galit sya..
kaya ang ginawa ko ay binitiwan ko ang hawak kung payong at pinasan ko na si lyn sa balikat ko..
“ayyyyy… anu ba yan..” tili nya habang pinapasan ko sya papunta sa hotel.. basa na kaming dalawa ng ulan..
binaba ko na sya sa lugar kung san di kami mababasa, napansin ko na giniginaw na sya nakayakap na ang kamay nya sa balikat nya..
“babalik ka pa ba sa party?”tanung ko..
“hindi na basang basa na ako ng ulan.at nilalamig na ako..”sabi naman nya..
“mukang kelangan muna natin mag patuyo ng damit bago tayo umuwi baka magkasakit ka pag bumyahe ka ng basa ang mga damit mo..”suggestion ko sa kanya..
sabay hila ng kamay pa papasok muli ng hotel, pag tulak ko ng pinto ay bumungad kagad samin ang lamig ng aircon sa loob,mas lalo kaming dalawa gininaw, binilisan namin ang aming lakad hanggang makarating kami ng reception,,
“good evening miss,,may available pa ba kayong dalawang standard room?”tanung ko sa receptionist.
“sorry po sir most of our room ay naka researve na para sa event ngayon araw.. meron lng po kami isang available ngayon..”sagot naman nya..
tiningan ko si lyn mukang nilalamig na sya.
“sige kunin na namin..” sa…