Young And Old

Magandang araw sa lahat, gusto ko lang ishare ang kuwento na bahagi ng buhay ko. Binago ko ang ilang detalye para madali ko itong maikwento.

Ako nga pala si Miriam, not my real name. Maaga akong nag asawa, 21 pa lang ay nakapag asawa na ako, nabulag kasi ako ng asawa ko. Isa siyang Sundalo, dahil sa porma niyang manamit ng uniporme ay napahanga niya ako at nakuha agad.
Sa una ay wala namang problema sa pagsasama namin.

Kahit saan siya madestino ay andun pa din ang tiwala ko sa kanya, lalo na at mayroon na kaming anak.

Pero kagaya nga ng sinabi nila, basta daw sundalo, kahit saan madestino, siguradong may babae o kabit.

Ganun mismo ang inabot ko sa kanya, ilang taon na ng aming pagsasama at may 3 na kaming anak ay nagawa niya pa din akong ipagpalit sa iba at iwan.

28 ako ng tuluyan akong iwan ng asawa ko, at nasa sakin din ang aking 3 na anak.

Kahit ganoon ay nakayanan ko naman, dahil nilakad kong maigi sa opisina ng asawa ko ang maayos na allotment ng 3 kong mga anak.

Napakasakit para sakin ang mga nangyaring iyon, di ko talaga naisip na iiwan ako ng asawa ko.

Pinilit kong libangin ang sarili ko, nagpaka abala ako sa pag aalaga ng mga anak ko. At kapag oras ng pahinga ko lalo na sa gabi ay nasali ako sa chat group sa telegram kung saan isa ako sa kinilalang tagapagsalita o entertainer sa grupo.

Sa lugar din namin dito sa bulacan, ay naging parte ako ng aupport group na para sa peace and order. Dahil na rin alam ng karamihan na sundalo ang asawa ko dati ay malapit ako sa kapulisan.

Sa mga ganoong bagay ay nalimutan ko ang kalungkutan ko ganun na din ang aking sekswal na pangangailangan bilang babae.

30s na kasi ako ngayon kaya naisip ko na wala na akong pag asa na makakita ng lalaking magkakagusto sakin at tatanggapin ako at ang mga anak ko.

Hanggang sa nakilala ko itong si Rey. Una ko siyang nakita na nakasama ng mga anak ko, bata pa si Rey, nasa 25 pa lang ata. Lalo siyang nagmukhang bata nung una ko siyang nakita dahil mga anak ko kasama niya.

Akala ko nga nun ay classmate lang nila. Siya pala ang nilalapitan ng mga anak ko kapag nagpapadownload ng movie.

Siya pala iyong cellphone technician na sinasabi madalas ng mga anak ko noon na kuya Rey na binabarkada nila.

Noong makailang beses na magpunta si Rey sa bahay kasama ng mga anak ko ay hindi ko aiya pansin, madalas pa nga ay binabalewala ko siya at trinato ko na barkada lang ng mga anak ko.

Mabait at magalang si Rey, Mam pa nga ang tawag niya sakin. At hindi ko naman yun tinutulan dahil nasa isip ko na barkada lang siya ng mga anak ko.

Di nagtagal ay naging kasundo ko na rin si Rey, Mabilis kong nakapalagayan ng loob si Rey dahil sobrang close niya sa mga anak ko.

Hanggang sa katagalan ay parang kami na rin ni Rey ay parang magbarkada, madalas pa nga kahit lakad o gala namin ng mga anak ko ay kasama namin siya.

Kahit may ibang mga kapitbahay namin noon na binibigyan n…