Zakarias (Ang Simula)

“ate.. Ate.. mamamlimos po” sabay sahod ng aking isang kamay habang ang isa nama’y hawak ang maliit na lata mabilis na pag iling lang ang sagot nito sakin ng hindi manlang ako sinusulyapan. Lalapit ako sa ibang tao upang makalimos ng kapiranggot na barya na ang katumbas na nun sakin ay ginto ganito ko kilalanin ang barya ginto din ang salitang “salamat” na tangi kong nabibigkas sa bawat taong may gintong puso para magbigay sa tulad kong mahirap pa sa daga gumagala kung saan saan hindi alam ang pupuntahan sadyang kaawa awa kung ako’y mapagmamasdan pero sa akin nama’y balewala ang awa sa sarili mabuhay lamang. sa ganitong estado ng buhay ay hindi kilala ang salitang ng “kahihiyan” o kahit ang ipahiya ka ng taong iyong nililimusan di ko sila masisisi ako ang may higit na may kailangan kaya’t ako ang magpapakumbaba “pasensya na po ate.. P-pasensya na po diko po sinasadya” ng minsan ang taong hinihingan ko ay nairita sa akin “pasensya na? Tignan mo nga nakaka abala ka pa eh sa halip na mabilis ako sa pamimili ako pa tong aabalahin mo.. Umalis ka nga sa daraanan ko.. Bwiset” gigil na sabi nito sakin nakayuko lang ako habang pinag sasabihan ng babaeng aking nililimusan di ko alam kung bakit kailangan ko pang pagdaanan ang ganito madalas kong maisip na kung ganito lang ng ganito ang nagiging takbo ng buhay ko isa lang ang ibig sabihin nito “DI KO NA KAILANGAN PANG MANATILI SA MUNDONG ITO” gutom na gutom nako gusto ko nang kumain pero wala pa akong nalilimusan ni isa patuloy lang sa paglakad hanggat kaya pa. napadaan ako sa isang restaurant kung saan nakita ko sa pintoang salamin nayon ang aking itsura sadyang kaawa awa mas ako ay diko makilala ang sarili ko dahil sa napaka dungis na suot ko butas butas pa ang damit ng mapatingin ako sa mga taong naroroon ay isa lang ang aking hiling na ako’y kanilang lingunin at bigyan ng tira tira, duon ay siguradong busog nako pero malabo dahil lahat sila ay di maabala sa kinakain at masayang kausap ang mga kakilala, kaibigan, asawa, jowa, kahit na ano pa. Nanlalambot nako at nahihilo sa sobrang gutom pakiramdam ko’y ubos na ang aking lakas diko na kaya sa wakas ito na ang wakas ng paghihirap ko bilang mahirap. Sa wakas pwede nakong mamahinga.

…..

“hoyyy..mahaallll san ka pupunta” sabi ng ginang sa asawang mabilis tumakbo papunta sa batang nakahiga sa gilid ng isang mamahaling restaurant sumunod na lamang sya sa asawa “bata gising.. Bata” sabay bahagyang pagtapik sa pisngi upang gisingin pero bigo sya sa pag gising dito “babe tumawag ka ng ambulansya dali” ang asawang lalaki na nag aalala sa bata dahil di nya maramdaman ang pulso nito “o-ok, ok eto na” ang babae na medyo natataranta narin at mabilis na tinawagan ang ambulansya para isugod sa malapit na ospital ang batang walang malay.

…..

“mam, sir hanggang dito nalang po kayo sila na po ang bahala sa anak ninyo maghintay na lamang po kayo sa waiting area po” sabi ng isang nurse na umalalay sa kanila. Makalipas lang ang ilang minuto ay lumabas na ang doctor.

“kayo po ba ang guardian ng bata” tanong nito sa mag asawa “hindi po doc isinugod lang po namin sya dito ni misis dahil kabod nalang ho syang bumagsak sa daanan”

“ok po mr and mrs?”

“carinio po”

“so yun nga po mr and mrs carinio ayon sa naging analysis namin sobrang gutom at pagod ang naging dahilan kung bakit nawalan sya ng malay and wag na po kayong mag alala ayos naman na po ang lagay nya hintayin nalang po natin na magkamalay sya and thank you mr and mrs carinio sa kusang loob na pagsaklolo sa bata”

“salamat din doc..actually doc balak namin na kukupin na din sya” sabi ng lalaki na ikina gulat ng asawa nito

“siguro pagusapan nyo po muna dahil di pa ata ok kay misis hehehe.. Ahm so yun lang naman sa ngayon wala naman kaming nakita na iba pang komplikasyon sa bata and i think mas ok din talaga na kupkupin nyo nalang sya” sabay na nakipagkamay ang doctor sa mag asawa napasinghap si doc ng magdampi ang kamay nila ng magandang misis.

“ah doc bitaw na ho” nakangiting sabi ng babae. Medyo nagulat pa ang doctor sa pagbati nya dito.

“s-sorry sorry.. Im sorry diko sinasadya pasensya na kayo” mabilis na paghingi ng paumanhin dito na ikinangiti lang ng mag asawa.

“its ok doc no harm taken i understand naman po doc kung bakit ganyan kayo kay misis ko.. Ganda kase diba hehehe” sabi nitong pabiro sa doctor na napatawa na din. Kinurot naman sya ng asawa at sinaway.

“uhm.. Gago” madiing kurot ang ibinigay sa asawa.

“araayy.. Sakit nun ah” na himas himas ang pinagkurutan medyo umalsa ang balat at namumula ito. Nakatingin lang ang doctor sa dalawa medyo o.p sya kaya.

“excuse me mr. And mrs. Carinio i have to go now and nice meeting you two” nakangiting sabi nito at umalis na.

…..

Unti-unting dumilat ang mga mata “n-nasan ako” sabay tukod ng dalawang kamay at pilit ibinangon ang sarili medyo maginhawa na ang pakiramdam nya pero gutom parin at kumalakalam na ang tyan. di nya alam kung nasan sya nagtataka kung bakit iba na ang suot at may nakakabit pa sa kamay nya na di alam kung para san yon tatanggalin na sana nya ng bumukas ang pinto at may pumasok na dalawang di nya kilalang tao may dala itong prutas at pagkain.

“kamusta na ang pakiramdam mo wag mo munang pwersahin ang sarili mo sa pagkilos” at inihanda na ang mga pagkain.

“sino po kayo” tanong ng bata na palipat lipat pa ang tingin sa kanilang mag asawa. ngumiti naman ang lalaki at nagpakilala.

“ako si ronilo carinio at sya naman ang asawa ko si kristalyn.. Oh heto kumain ka muna para magkalaman ang tyan mo” sabay abot ng pagkain sa bata na kanina pa nakatitig sa pagkain na inihanda nya. Ang mag asawa ay awang awa sa itsura ng bata maging ang pagka payat ng katawan nito at dahil sa gutom ay mabilis na naubos ang pagkain ng maubos ay nakayuko parin at mahinang nagsalita “maraming salamat po” wika nito na umaagos ang luha sa mga mata. Inalo naman sya ng lalaki at inabutan pa ng tubig habang ang asawang katabi ay naiiyak na din sa gawi ng bata na tinulungan ng mister.

“oh eto mansanas at pongkan wag kang mahiya para sayo lahat yan.. Ikaw ano ang pangalan mo at nasan na ang mga magulang mo” tanong nya sa bata na tahimik na kinakain ang prutas na bigay nya. Nag angat ito ng mukha at nagpahid ng luha.

“ako po si zakarias alarcon ang mga magulang ko po…w-wala na po sila bata pa po ako ng mamatay sila mama at papa sa aksidente.. Kaya po eto ako ngayon palaboy-laboy nalang po” naluluhang sabi nito. kitang-kita sa mga mata nito ang labis na kalungkutan ng maalala ang mga magulang. Naawa naman ang magasawang ronilo at kristalyn sa pahayag ng bata sa sinapit nito at ng mga magulang nya. Lumapit naman ang babae at hinimas ang ulo ng bata sabay sabing “kung papayag ka ay sa amin ka nalang sumama kukupkupin ka namin..kung papayag ka lang naman” sabi nitong nakangiti sa bata.

“o-opo.. Maraming salamat po talaga” mabilis na wika nito at tuluyan ng naiyak niyakap naman sya ng babae. Lubos na masaya naman si ronilo dahil magakakaroon narin sya ng anak na lalaki puro kasi babae ang anak nila ni lyn at ngayon nga ay natupad na ang hiling nya bilang ama.

……..

LUMIPAS ANG ILANG TAON….

eto na sya ngayon… Pinakain, binihisan, ibinigay ang mga pangangailangan nya ng mag asawang kumupkop sa kanya na ang tanging hiling lang sa kanya ng mga ito ay mag aral ng mabuti.

Malaki na ang ipinagbago ng itsura nya lumabas ang natatagong kagwapuhan ng binata at sa katawan ay batak na batak sa pag g-gym dahil sa panghihikayat narin ng kanyang yumao at kinillala na amang si ronilo kaya sya na lang ang inaasahang lalaki sa bahay nila ng kanyang tita kristalyn at dalawang kapatid na babaeng si katelyn at kathline.

….

Byahe papunta iskwelahan ay di mapuknat ang titig ng bunso na si katelyn napansin naman agad ito ni zak.

“may dumi ba ako sa mukha” tanong nya sa bunso na nakatitig lang sa kanya at umiling lang sabay humilig sa braso nya at yumakap dito. Napangiti nalang si zak tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Minamasdan naman sya ng nakatatandang

Kapatid na si kathline aminado.sya na may gusto sya sa binata lalo na ngayon na anlaki na ng pinagbago ng mukha at katawan nito hinahagod nya ng tingin ang binata mula sa buhok, kilay, matangos na ilong ang mata nitong nakakaakit at sa panga na nakahubog. bumaba ang tingin sa dibdib nitong nakaalsa ang braso nito na parang anlakas lakas dahil sa laki ng laman na nakapa loob dito. bababa pa sana ang tingin nya pero nakaharang naman na ang kapatid nya na nakatulog na ata sa bisig nito habang ang lalaki ay nakatingin sa kawalan at tila malalim ang iniisip kamukhabg kamukha talaga ito ng bida sa captain america na si steve rogers o chris evans at dahil dun ay nag init na naman ang ulo nya.

……..

Huminto na ang sasakyan at eto na magsisimula na ang kalbaryo nya.

“kate.. Kate uyy gising na andito na tayo.. Mag ayos kana tulo laway ka pa oh” sabi nito at tinuro ang baba ng dalagita na kinapa naman nito pero wala syang nahawakan kundi balat lang nya. Pak! Pinalo nito an…