“Pocholo wake up” narinig ko boses ng nanay ko. “Pocholo wala ka ba klase today anak?” tanong niya kaya minulat ko mata ko at humikab. “Meron po ma” sagot ko. “O bumangon ka na at maligo. Bilisan mo magbihis at lulutuin ko ang paborito mong almusal.
“Ma, may sakit ka ba?” tanong ko. “Pocholo! Ano pinagsasabi mo?” tanong niya. “E kasi ang tao bumabait pag malapit na kunin ni lord, usually may sakit na mga yon at may taning” biro ko. “Ikaw talagang bata ka, malapit ka na mag eighteen” sigaw ng nanay ko at bigla ako pinagkukurot. “Biro lang ma, sige maliligo na po ako” sabi ko.
“Buti naman nakakasakay mga kaibigan mo sa ugali mong ganyan” sabi niya. “Ma, di mo ba alam ako yung coolest guy sa magbabarkada, I am awesome” biro ko. “Oo na oo na sige na bilisan mo na para maabutan mo pa tatay mo at bibiyahe nanaman siya” sabi niya.
Pagkatapos ko maligo nakisabay ako ng almusal. “Raraket nanaman si daddy ah” biro ko. “Of course anak, pagbalik ko pwede ulit tayo magbakasyon. Saan mo gusto at ano gusto mo iwui ko galing Singapore?” tanong ng tatay ko. “Icash mo nalang dad” sabi ko.
“Cash nanaman? Saan mo ba ginagastos pera mo?” tanong niya. “Wala po, iniipon ko” sabi ko. “May gusto ka ba bilhin? Sabihin mo at malapit naman na birthday mo at bilhin nalang namin para sa iyo” alok ng tatay ko.
“Wala po” sabi ko. “E para saan yang iniipon mo?” tanong niya. “Sex change” sabi ko at tinitigan ako ng aking magulang. Dahan dahan ako kumain, titig parin sila kaya di ko nakayanan at natawa na ako. “Ikaw bata ka gusto mo ba kami mamatay sa atake sa puso?” tanong ng nanay ko.
“Tinetesting ko lang kayo” banat ko at nagtawanan kami. “Hindi niyo ba ako kaya tanggapin kapag akoy isang uuod na namukadkad at naging isang paru paru?” landi ko at medyo masama na titig ng tatay ko kaya akoy nanahimik na.
May kaya naman kami ngunit gusto ko lang ng simpleng buhay. Paglabas ko ng bahay agad ko nakita ang isa sa aking kinagigiliwang dalaga sa balat ng lupa, si Teresa. Matangkad na light morena, singkit ang mga mata at may mahaba at diretsong buhok.
“Good morning Tere” batik o. “Oy Poch, mukhang masarap nanaman niluto ni tita ha” pacute niya. “Well as usual, pero alam mo mas mabubusog ako pag ikaw yung ulam” landi ko at pinisil niya dalawa kong nipples sabay pinaikot. “Isa” banta niya kaya ngumisi nalang ako.
“Mukha kang puyat, pinagpantasyahan mo nanaman ba ako kagabi?” landi ko. “Pocholo alam mo pinagod mo ako e” banat niya sabay pingot sa aking tenga.
“Umagang umaga nagsisimula ka nanaman. Kaya wala nagkakagusto sa iyong babae e kasi napaka green minded mo” sermon niya. “Gustong gusto mo naman” landi ko at natawa siya pero tinadtad ako ng kurot.
Naglakad kami papunta sa waiting shed, “Oy lapit na birthday mo ah. Bibilhan nanaman kita ng reglo” sabi niya. “Uy nagbago na size ko ha, baka masikip yung ireregalo mo sa akin” sabi ko. “Ha? Lumaki ba katawan mo?” tanong niya sabay tinitigan ako.
“Ay shirt ba ireregalo mo ulit? Akala ko condom e” banat ko at muli ako napingot sa tenga. “Hay naku Pocholo talaga, napakamanyak mo sobra. O sige ano ba size ng bird mo?” biro niya. Ito ang gusto ko kay Teresa nasasakyan niya biro ko at minsan siya din ang nagbibiro.
“Depende” sabi ko. “Depende saan?” tanong niya. “Pag ganyan nakadamit ka, yung normal lang. Pero subukan mo magtanggal ng damit at iba na size niya” landi ko at sinakal niya ako bigla at kinagat sa braso.
“Alam mo pwede pa tayo bumalik at alam mo na” bulong ko at ngumiti siya. Niyakap niya braso ko at sinandal ulo niya sa aking balikat. “Talaga? Ano naman gagawin natin?” pacute niya. “Maglalaro ng apoy” bulong ko. “Sige tara, marunong ka na ba?” tanong niya.
“Hindi” sabi ko at nagtawanan kami. “Gusto mo turuan kita?” tanong niya. “Ha? Teka marunong ka na? Naano ka na?” tanong ko at bigla siyang tumawa. “O bakit nagseselos ka?” pacute niya. “Oo, pero Tere yung totoo?” tanong ko.
“Sira, wala pa ako boyfriend” sabi niya. “Yung totoo kasi?” tanong ko. “Wala pa no binibiro lang kita. Naaliw lang ako tuwing nagbibiro ako ng ganon” sabi niya. “Wag ka ganyan nagpromise ako kay tito at tita na babantayan kita sa school” sabi ko.
“Para tong sira, wala no. Alam mo naman studies first ako kasi sayang yung scholarship” sabi niya. “Hoy wag ka pang maglalandi ha, gusto mo ba patayin ako ni tito?” tanong ko. “Baliw, e pano kung ikaw landiin ko?” hirit niya. “Okay lang di malalaman ni tito, promise” landi ko at nagtawanan kami.
“Talaga?” landi niya sabay tinuka tuka ako sa leeg. Nakiliti ako, lumayo ako at tawang tawa siya. “You are all talk Pocholo, magaling ka lang magsalita pero pag sa totohanan na weakling ka” kantyaw na. “Wag mo ako subukan Tere, sinasabi ko na sa iyo baka mamaya liligawan na talaga kita” banta ko at tawa parin siya ng tawa.
Ganito kami lagi ni Tere, siya lang ang may alam torpe ako. Naglalakas loob ako minsan sa kanya, umaamin ngunit tinuturing niya itong biro ko lang pagkat ganon na ako nakilala, bilang isang palabirong tao.
Pagdating namin sa school naghiwalay na kami. Masyado siya palaaral, ako naman yung steady lang at mas gusto sumama sa barkada. Pagdating ko sa tambayan namin wala pang tao, ako nauna kaya agad ako naupo.
Mga barkada ko ay mga kaklse ko nung high school pa. Sa totoo nahihiya na ako makitambay sa kanila pagkat lahat sila nag level up na, may mga girlfriend na sila at ako nalang ang natitira sa barkada na wala pa.
Ilang beses ko na sila gusto iwasan pagkat panay ang tukso nila sa akin. Ngunit hindi ko sila maiwanan dahil sa isa nanamang kinagigiliwang kong dalaga. Ang masaklap syota siya ng barada ko.
Isa isa sila nagdatingan kasama ang mga nobya nila. As usual late si Bryan, umagang umaga nabibiyak ulit puso ko pagkat kaholding hands niya si Krisha. Kung may isa na kinababaliwan akong babae si Krisha na yon, maputi siya, lagi may rosy cheeks, parang porcelana ang kutis at buhok niya medyo brownish at wavy.
“Pocholo ano bago natin ngayon?” tanong ni Bryan. “Wala ako sa mood pare pagod ako” biro ko. “Naglaro ka nanaman magdamag no? Sabi naman sa iyo nakakaadik yung Diablo III e” sabi niya.
“Hindi pre, pagod ako, di ko alam bakit. Pero hula ko madami nanaman nagpantasya sa akin. Diyos ko girls please wag naman pati Linggo ng gabi. Kahit sa pantasya lang nila may agimat din ako para maramdaman ano nangyayari” banat ko at naghalakhakan ang mga barkada ko pati mga kanilang nobya.
Todo bigay yung tawa ng ibang girls, si Krisha iba, lagi niya tinatakpan bibig niya, pasimple yung tawa at parang nahihiya pang tumawa sa mga biro ko. Lalo ako nabibighani sa kanya tuwing ganon ang tawa niya, lalong pumupula ang kanyang mga pisngi at mata kumikislap.
“Kaya lang nagising ako kasi pare, grabe isang super duper sexy at napakagandang babae. Habang papalapit siya naghuhubad na siya. Wow men super seksaaay at whooo paglapit niya tinanong niya ako agad”
“Ngusto mwo mwowlyab? Ngyupain ngita ngusto mo?” kwento ko at mga barkada kong lalake agad nagets, umariba sila sa tawa habang mga nobya nila iniintidi pa yung aking kwento. “Angak ng mwaka mwala ngyang ngiping” banat ko at biglang napasigaw sa tawa si Krisha, tinago agad mukha niya sa likod ni Bryan, yung ibang girls kinailangan pang ibulong ng mga barkada ko bago sila nagtawanan.
“Walanghiya ka pare magkasyota ka na kasi” sabi ni Allan. “Dude, I don’t want to hurt others feelings. Pano kung mamili ako ng isa, e di ang dami malulungkot. Kaya eto ako hirap, may dilemma kasi ayaw ko talaga manakit ng damdamin ng nakakarami” banat ko.
Tawanan ulit sila, si Krisha tinatago na mukha niya sa likod ni Bryan. Eto sakit ni Krisha, kapag natawa siya todo bigay at lagi siya naiiyak. Kaya hilig ko humirit ng humirit sa pagbibiro para lang makita ko siyang ganon.
“Walanghiya ka wala kang pinagbago” sabi ni Rommel. “Hoy excuse me, magpasalamat kayo at mga girlfriend niyo nag give up sa akin. Kung hindi wala sila sa tabi niyo no. Nandon pa sila sa pila ko” biro ko at muli sila nagtawanan. Sanay na sila sa biro ko, kahit maging out of control ako alam nila biro lang naman at araw araw nila ito hinahanap sa akin. Ika nga ako yung clown ng barkada.
“Alam mo pare pumapayat ka” sabi ni Bryan. “Excuse me walang narerecruit sa Avengers na payat” sabi ko. “At sino naman papalitan mo don?” tanong ni Rommel. “Si Bruce Banner pare” sabi ko at nagtawanan sila. “Dude ang liit ng katawan mo” banat ni Allan.
“Ginagalit mo ba ako?…Talagang ginagalit mo ako?” tanong ko sabay tayo at nagtawanan sila. “Sige nga transform ka nga” udyok ni Bryan pero agad ako naupo at tumawa. “Sorry nasa training stage palang ako, yung tutuy ko lang lumalaki pag galit ako” banat ko at napatawa ko nanaman sila.
“Hoy wag kayong tatawa tawa diyan totoo tong sinasabi ko. Nung isang araw nga nagulat mommy ko kasi pano ko daw biniyak yung mga buko e..the Hulk to pare tigas” banat ko at halos mamatay na sila sa tawa lalo na si Krisha. “Wait theres more, pinagkayod ko pa siya ha…sabay tinanong ng bisita bakit may ibang lasa yung buko pandan…ooops” landi ko.
Nakangisi lang ako habang pinapanood ko sila tumatawa. “Walanghiya ka, sumama ka nga sa Sabado at may party kina Allan” sabi ni Rommel. “Sorry I cant kasi busy schedule ko e” sagot ko.
“Tol naman e, mas okay pag nandon ka. Di ka naman namin papainumin e” sabi ni Bryan. “Ay why he does not drink?” tanong ni Krisha at tumaginting tenga ko nang marinig ko boses niya. “He does pero ayaw niya kami kasama” sabi ni Allan.
“Panong ayaw e pinagtripan niyo ako nung lasing ako. Tado ka dinamitan niyo ako damit babae, with lipstick pa tapos iniwan niyo ako harapan ng bahay. Dinala ako sa baranggay hall at pinagkamalan pa akong magnanakaw ng damit” tampo ko at sobrang tawanan sila.
Sa totoo galit parin ako sa kanila dahil don. Sinundo ako ng parents ko at ubod ng sermon ang inabot ko sa kanila. Tawa sila ng tawa, nababadtrip ako kaya tumayo na ako. “Sige” sabi ko at naglakad na ako palayo. “Hala, is he mad?” narinig kong tanong ni Krisha.
Yung galit ko nawala, lumingon ako sabay ngumiti. “Of course I am not mad, may lakad ako. Pinapapunta ako sa GMA para daw mag audition sa mister pogi” banat ko at muli sila nagtawanan. “Tol sige na sama ka sa Sabado” sabi ni Allan at napatingin ako kay Krisha.
“Sorry may lakad ako” sabi ko. “Come with us” sabi ni Krisha. “Oo nga mas masaya pag nandon ka” dagdag ni Elaine, girlfriend ni Rommel. “Sige check ko schedule ko. Mahirap kasi ang artistahin e” biro ko nalang.
Sabado ng tanghali kasama ko umuwi si Teresa…