Dekada

Dekada

Unang kabanata.

1990-2000

Excited si Soraya habang hinihintay ang pagdating ang donor ng lupa para sa shelter. Ang shelter ay matagal ng project ng “SinagPagasa, ang NGO na kanyang pinamumunuan. Para ito sa mga mahihirap na kababaihang biktima ng pangaabuso at kaharasan.

Marami ng pakakataon na parang nawawalan na si Soraya ng pag-asang maitatayo pa ang shelter, pero hindi niya magawang sumuko tuwing maiisip ang mga kawawang kababaihan.

Hanggang himalang may nag donate ng isang hektaryang lupa dito sa isang bayan sa Laguna. Maganda ang lugar, marami ng subdivision ang sinisumulan na sa paligid. Kaya naman, hindi makapaniwala si Soraya sa kanyang suwerte.

Ngayon ang groundbreaking ng project. Masaya si Soraya dahil tinanggap ng donor ang imbitasyon niya upang ito na mismo ang maghatag ng “corner stone”. Ngayon lang din makikila ni Soraya ang espesyal na panauhin dahil foundation to foundation lang ang naging transaction. Pagkakataon niya rin upang personal na makapagpasalamat.

Hindi naman nagtagal, dumating na ang hinihintay ni Soraya, sakay ito ng isang luxury vehicle na angkop lamang sa estado ng pasahero nito.

Kumilos si Soraya upang salubungin ang bagong dating na nuon naman ay palapit na rin sa kanyang kinaroronan. Biglang natigilan si Soraya, lumakas ang kaba ng dibdib ng makilala ang panauhin. Iisang tao lamang ang nagpapatibok ng ganito sa kanyang puso.

“Mam Soraya Garcia, this is Sir Gerard Montesser.” Pakilala ng kasamang assistant ni Gerard.

Matipid ang ngiti ni Soraya, makahulugan naman ang kay Gerard.

“Raya” Anang tinig na kay tagal ng inaasam na marinig ni Soraya.

“Gerard”

Nagkamayan. Mahigpit na nagdaop ang mga palad.

Dama pa rin ang hiwaga, ang haplos ng nakaraan sa init ng kanilang mga palad. Sa kanilang mga mata ay ang pagtanggap sa katotohanang habang buhay silang bilanggo ng takda nilang kapalaran

Tulad ng kanilang naramdaman nuong una silang nagka-daupang palad, tatlong dekada na ang nakaraan.

—————————

Dekada 1970-1980

1970

Kasing init ng tag-araw ang alab ng damdamin ng mga militanteng grupo laban sa pamahalaan ni Pangulong Marcos. Bunga ito ng madugo at marahas na pagbuwag ng militar sa mga kilos protesta laban sa gobyerno nuong unang tatlong buwan ng taon. Ang kaganapang yun ay tinaguriang ng mga anti-Marcos militants na “Unang Sigwa ng Kuwarto” (The First Quarter Storm).

Sa panahong yun, may mga namatay, nalumpo, at nabugbog ng todo sa hanay ng mga demonstrador . Hindi sinasanto maging ang mga babae. Pero sa halip na masupil, lalo lamang itong nagpasiklab sa galit ng mga militanteng grupo. Nagpatuloy ang kabi-kabilang kilos protesta, partikular na sa Mendiola. Parang kabute ring nagsulputan ang mga organisasyon mula sa hanay ng mga radikal at moderate na mga magaaral, manggagawa, at iba pang sektor ng lipunan.

Isa sa mga grupong moderate ay ang “Samahang Kamanyang” ng Philippine College of Commerce (PCC), sa university belt ng Sampaloc, Manila. (Bago pa ito naging PUP nuong 1978 at nailipat sa Sta Mesa, Manila). Ginagamit nito ang sining upang imulat ang mata ng mga mamamayan sa inaakala nilang tunay na estado ng lipunan.

————————

Isang araw, na sa kalagitnaan ng “protest play” ang Kamanyang sa gitna ng kalye Lepanto sa harap ng PCC.

“Tol, hanep sa ganda ang chick na yun.” Ani Alex sa best friend na si Gerard, habang nakaturo sa isa sa mga babaeng nagtatanghal.

Kabilang ang magkaibigan sa hanay ng mga usisero at ibang mga tagasuporta na nasa bangketa at nanood.

“Ibagsak ang rehimeng Marcos!”

“Ibagsak”

Ibagsak ang pasistang tuta ng imperyalistang Amerika”

“Ibagsak”

“Makibaka, huwag Matakot.”

Makibaka, huwag Matakot”

Sagutan ang sigaw ng mga grupo. Halatang sanay na sa ganitong gawain.

Parang wala namang naririnig si Gerard. Nakapako ang nga mata nito sa magandang babae na tinuran ni Alex.

Matangkad, morena at gandang Filipina ang babae. Hindi yun ang type ni Gerard. Lahat ng kanyang naging syota , ay mestisa, sexy at malandi.

Pero , bukod sa maganda , may kakaibang dating ang babae na pumukaw sa interes ng binata. Hindi sinasadyang nagtama ang kanilang paningin. Makalaglag panty ang ngiti ni Gerard. Mabilis namang umiwas ng tingin ang babae.

Makisig na lalaki si Gerard. Malakas ang appeal, may aura ng isang taong may kompiyansa sa sarile. Lutang ito sa kanyang kilos at pananalita, bunga marahil ito ng ilang salin ng henerasyon ng pamilyang may kaya at maimpluwensya. Matangkad at katamtaman ang katawan, larawan si Gerard ng isang modelo sa suot na bell bottom na blue jeans at puting tshirt. Parang si Kristo sa buhok at balbas . Tulad ng kanyang idolong si John Lennon.

“Bangon bayan ko, bangon sa pagkakagupiling” Sigaw ng babae bilang pagtatapos ng pagtatanghal.

Bakas sa mukha nito ang sidhi ng makabayang adhikain.

“Makibaka, Huwag matakot” Sagot ng mga manood sabay sa pagtaas ng mga kamao.

Matapos ito, nagmartsa na papuntang Mendiola ang grupo kung saan nag ra-rally ang iba pang militanteng samahan.

Tinangka ni Gerard na sundan ang grupo, pero pinigilan siya ni Alex

“Tol, tara na, late na tayo sa klase. At saka, baka magkagulo na naman, madamay pa tayo.”

Hindi estudyante ng PCC ang magkaibigang Alex at Gerard. Classmates sila sa UST, third year sa kursong architecture. Hindi nila gawain ang magsasama sa mga rally, nagkataon lang na vacant period nila at naisipang mag-usyoso sa mga nagaganap na protesta.

“Tol, may kakilala ka ba sa PCC?” Tanong ni Gerard habang naglalakad sila pabalik sa UST.

“Wala, tol, alam ko na takbo ng isip mo. Yung chick kanina ano? Kabisado na ni Alex ang kaibigan.

“Oo tol, gusto ko siyang makilala”

“Milagro, kalia…