Ilang taon pa ang mabilis na nagdaan.
Mula ng mamatay ang asawang si Ricky, ibinuhos na lang ni Soraya ang sarili sa pamamahala ng SinagPagasa. Tanggap na niyang malabo ng matupad ang pangarap na makapagpatayo ng bagong center para sa lumalaking bilang ng mga kababaihang nangangailangan ng kanlugan. Pilit na lang nilang pinagaari ang kasalukuyang mga gamit at pasilidad.
Maganda pa rin si Soraya, mukha siyang kagalang-galang sa suot na salamin. Marami pa ring manliligaw. Bahagya lamang kasing nagbago ang pangangatawan. Hindi mo sasabihing 53 years old na big boss ng SinagPagasa.
Pero wala na sa loob ni Soraya ang magasawang muli. Kay, naman nagsawa na sa pangungulet ang kaibigang si Aida na muli siyang mag asawa . Kung sino-sino na ang mga lalaking pinakikilala nito kay Soraya. Pero, sadyang sarado na yata ang puso ng biyuda mula ng manirahan dun ang kaisaisang lalaking minahal.
Sa Ameika na naninirahan si Aida at malalaki na ang dalawa nitong anak sa asawang Amerikano na nakilala niya sa Brazil. Isa rin itong social worker duon.
—————-
Patuloy ang paglipas ng panahon.
Isang araw, nagulat na lang si Soraya ng makatanggap ng E-Mail mula sa isang foundation. Humihingi ng presentation tungkol sa SinagPagasa.
Eksperto dito si Soraya sa tagal at lawak ng eksperyensa. Mahusay niyang pinirisenta ang lahat ng aspeto tungkol sa SinagPagasa. At tulad ng palagi niyang ginagawa tuwing darating ang ganitong pagkakataon, idiniin niya ang matinding pangangailan ng lupa para sa bagong center.
Hindi naman na lubos na umaasa si Soraya. Sa dami ng nagawang presentation, madalang lamang ang talagang nagbigay ng malaking tulong.
Kaya laking gulat niya ng makatanggap ng tawag mula sa nasabing foundation.
Hindi siya makapaniwala na ganun lang kadali na maayos ang transaksyon para sa lupang donasyon pagkatapos lamang ng ilang meeting. Isang hektaryang lupa sa isang bayan sa Laguna. Maganda ang lugar, marami ng subdivision ang sinisumulan na sa paligid.
Naiyak sa tuwa si Soraya. Hulog ng langit ang nasabing foundation!.
—————–
Excited si Soraya habang hinihintay ang pagdating ang donor ng lupa para sa shelter.
Ngayon ang groundbreaking ng project. Masaya siya dahil tinanggap ng donor ang imbitasyon niya upang ito na mismo ang maghatag ng “corner stone”. Ngayon lang din makikila ni Soraya ang espesyal na panauhin dahil foundation to foundation lang ang naging transaction. Pagkakataon niya rin upang personal na makapagpasalamat.
Hindi naman nagtagal, dumating na kanayang hinihintay, sakay ito ng isang luxury vehicle na angkop lamang sa estado ng pasahero nito.
Kumilos si Soraya upang salubungin ang bagong dating na nuon naman ay palapit na rin sa kanyang kinaroronan. Biglang siyang natigilan, lumakas ang kaba ng dibdib ng makilala ang panauhin. Iisang tao lamang ang nagpapatibok ng ganito sa kanyang puso.
“Mam Soraya Garcia, this is Sir Gerard Montesser.” Pakilala ng kasamang assistant ni Gerard.
Matipid ang ngiti ni Soraya, makahulugan naman ang kay Gerard.
“Raya” Anang tinig na kay tagal ng inaasam na marinig ni Soraya.
“Gerard”
Nagkamayan. Mahigpit na nagdaop ang mga palad…
Dama pa rin ang hiwaga, ang haplos ng nakaraan sa init ng kanilang mga palad. Sa kanilang mga mata ay ang pagtanggap sa katotohanang habang buhay silang bilanggo ng takda nilang kapalaran
Tulad ng kanilang naramdaman nuong una silang nagka-daupang palad, tatlong dekada na ang nakaraan.
“Paano, bakit” Tanong ni Soraya ng sila na lang dalawa ang palapit sa groundbreaking site. Para siyang baliw na tumatawa habang umiiyak.
“Later, I’ll explain it to you later. Come on let’s…