Dream Girl Ko part 15

“S-si Leo Jean, how’s my husband?”

Naupo sa harap ni Eleanor ang doktor.

“Len, Leo is still in operating room. He suffered six bullets. Two of them are serious shots. We are still doing our best.”

Napaiyak si Eleanor at Meanne sa narinig.

“Kelangan namin ng blood Len. Leo is type is AB. Wala tayong stock niyan dito kasi alam mo na naman uncommon siya, meron ba sa family na pwede?”

“Si Leo at Dindy lang ang AB, lahat kami type A.”

Dito nagsalita na si Ariel.

“Ah, D-Doc, type AB po ako.”

Napatingala si Eleanor at Meanne sa binata.

“Okey. And who are you?” Ang doktor.

“Ahh, Jean, siya ang boyfriend ni Sara. Si Ariel.”

“Aw ok. Ano, are you sure about this?”

“Yes Doc.”

“Sige, sumama ka muna sakin, will do some tests.”

Bago nakahakbang si Ariel, hinawakan ni Eleanor ang braso niya.

“Ariel, okey ka lang?”

“Yes, Ma’am.”

“Sure about this?”

“Opo.”

“Thank you, anak. Thank you.”

***

EIGHT MONTHS LATER..

Espesyal ang araw na ito para ki Ariel. Narito kasi ang kanyang ama at mga tiyahin. Sa unang pagkakataon pinababa niya ang mga ito upang makapiling niya sa araw ng kanyang pagtatapos, sa college of civil engineering. Kumuha sila ng mumurahing hotel para sa tatlong araw na pamamalagi sa Manila. Nang makita niyang maayos na ang kanyang sarili sa salamin lumabas siya ng banyo upang ipakita sa ama ang kayang itsura.

Pages: 1 2 3 4