***
December, 2012. End Of The World.
Lahat ay kinakabahan na sa paggunaw ng mundo. Maging ang mga tao ay nagwawala na sa labas, ang iba ay naghihinagpis, ang iba naman ay nagkukumahog na pumunta sa simbahan at kanilang isinuko ang kanilang mga sarili at nagkumpisal sa pari, lahat ng kanilang mga kasalanan ay kanilang inilantad. Lahat ay naghihinagpis.
Kalat na sa buong mundo ang balitang magugunaw na daw ang mundo, patunay lang na magaganap na ito sa mismong buwan ng Disyembre, 2012 dahil narin sa isang Ancient Mayan Propechy noong unang panahon pa lamang. Kahit sa iba’t-ibang balita sa sulok ng mundo ay ito ang laman.
“Lahat ng tao ay nagwawala at hindi mapakali dahil sa balitang magugunaw na ang mundo ngayong buwan din ng Disyembre, ang buwan ng pagkabuhay ng ating Panginoon ay siyang ring buwan kung kailan ito babalik. Ngayon.”
“Darating na ang Anak ng Tao! Darating siya upang linisin ang kasamaan na ngayo’y naghahari sa kaniyang mundong ginawa! Lumapit kayo at isuko ang inyong sarili sa kaniya, at pagsisihan niyo ang mga nagawa niyong kasalanan at maglingkod sa kaniya. Hindi pa huli ang lahat! May nalalabi pa kayong oras para gawin iyun! Huwag kayong matakot! Sasagipin kayo ng inyong pananampalataya sa kaniya!”
Nanghihinang napaupo si Cindy sa sofa habang pinapanood ang mga balita na nakikita niya ngayon sa telebisyon, hindi siya makapaniwala sa napapanood niya. Pati sa kaniyang social media, tungkol sa paggunaw ng mundo rin ang pinag-uusapan. Trending topic ngayon ang hastag End Of The World at December 2012 sa Twitter. Kahit mga sikat na personalidad at mga artista ay nagpopost ng mga prayer of repent. Lahat ng mga tao ay nagkakagulo na dahil sa balita. Hindi niya tuloy maiwasan ang kabahan. Hindi pa siya handang mamatay, pero maganda din yung makita na niya ng personal si Lord, pero hindi. Sorry, Lord, I’m a Christian and a true believer, I can memorize all the Holy doctrines, kahit yung Hail Mary and Our Father, kahit ang Oratio Imperata, kaya ko. Palasimba ang mga magulang ko, kaming magpapamilya ay palasimba. May nagawa din naman akong maganda sa mundo, nakakagawa rin ako ng kasalanan pero pinagsisihan ko naman agad at nagkukumpisal din naman ako agad, Pero sorry, hindi pa po ako handa.
Marami pa siyang mga plano. Para sa sarili niya, at para sa pamilya niya. Hindi pa siya gaanong matagal sa kaniyang trabaho bilang isang professional journalist, last year pa lang siya nakapagtapos ng college at nakahanap ng trabahao marami pa siyang pangarap para sa pamilya niya, bibilhan niya ito ng bahay at ililipat na niya ito sa Maynila, dahil nasa probinsya ito ngayon habang siya ay nasa Maynila. Hindi pa siya fully paid sa bahay na tinitirhan niya ngayon, gusto niyang magpundar pa para sa pamilya niya, mapagtapos ang dalawa pa niyang kapatid na nasa hayskul. At higit sa lahat…
Wala pa siyang boyfriend since birth! Hindi pa siya nakaranas na sex! Virgin na virgin pa ang drama niya! Hipokrita siya kung ayaw niyang maranasan kung gaano nga ba kasarap ang sex, syempre gusto niyang malaman ang tungkol dun. Ayaw niyang hanggang sa panonood lang siya, gusto niya siya mismo ang makakaranas nito! Gusto niyang magkapamilya pa, magkaroon ng anak at apo. Pero paano, kung magugunaw na nga ang mundo, edi mamamatay siyang birhen!
No way… Lord, pagbiyan niyo nako, kahit pa-birthday gift niyo na lang sakin. Pagunawin niyo na ang mundo, pero wag muna ngayon, pwede sa last week muna ng December, hahanap pa ako ng lalaking deserving sa birhen kong perlas ng sinilangan.
Agad niyang tinawagan ang kaniyang pamilya.
“Nay, mag-iingat kayo diyan. Mahal na mahal ko kayo, huwag niyong pababayaan ang sarili niyo…” hindi niya maiwasang maging emosiyonal, habang iniisip na magugunaw na ang mundo tapos hindi niya pa kasama ang kaniyang pamilya. “At gusto ko pong humingi ng tawad sa inyo ni papa dahil sa mga nagaw kong kasalanan sa inyo, sa mga kapatid ko. M-mahal na mahal ko po kayo.”
(M-mahal na mahal ka d-din namin, Cindy, a-anak… M-magunaw man ang m-mundo, huwag m-mong kakalimutan na nandiyan lang k-kami sa tabi mo. Mahal na mahal ka namin, anak)
Hindi na niya maaninag nang mabuti ang kaniyang telepono dahil sa mga luha sa kaniyang mga mata. Sunod niyang tinawagan si Lexie, isa sa mga kaibigan niya.
“Lex! My Friend!”
(Cindy! My Friend!)
“Mahal na mahal kita, Lex! I’m so thankful to have a friend like you, kahit na minsan napakabalahura ng bibig mo, mahal na mahal parin kitang gaga ka!”
(Ako din, Cind! Kahit na yang bibig mo minsan maka-Diyos, minsan maka-demon–)
“Hoy, bibig mo pasmado! Pero totoo naman…”
(Basta! Magunaw man ang mundo, huwag mong kakalimutan na mahal na mahal ka namin nila Mavy at Gary! I love you friend! Mamatay ng walang joowa sige go!)
Sunod naman niyang tinawagan si Mavy. Sakto ding magkasam sina Gary.
“Gary, Mavy, my friends!”
(Cindy, our friend!)
“Gary, kahit ikaw ang pinakamasamang bakla sa mundong ibabaw, tanggap parin kita at ang napakatalas mong dila na ang sarap putulin, tanggap parin kita at mahal na mahal kitang bakla ka! Ikaw naman Mavy, kahit minsan nakakainis na yang pagiging tanga mo minsan, pero naa-appreciate ko parin ang mga nabuting nagawa mo para sakin, at para sa amin. Mahal na mahal ko kayong dalawa, tandaan niyo yan!”
Gary spoke.
(Hindi ko alam kung nagpapaalam ka ba o nang-iiinsulto kang bakla ka. Nahiya ang bangs ko sayo. Pero whatever, ako rin I love you, baks! Magugunaw narin ang mundo, kitakits na lang tayo sa impyerno–)
“Hoy! Bibig mo apakapasmado!”
Mavy spoke.
(But friend, we’re very thankful to have a friend like you. We love you, Cind!)
Pagkatapos niyang makausap ang mga taong importante sa buhay niya. Agad siyang nagbihis at sumakay sa kaniyang kotse papunta sa pinakamalapit na simbahan sa Village nila. Taimtim siyang nagdasal, at nakinig sa litanya ng pari. Napakarami ring mga tao sa loob, may mga iba pa nga na umiiyak habang nakikinig sa pari.
“Wala ng paghihinagpis, dahil pupunuin na ng Panginoon ng kasiyahan ang ating puso. Wala ng lungkot, dahil lahat ng problema ay kaniyang iwawaksi. Wala ng kasamaan, dahil maghahari na ang kabutihan sa padating ng Anak ng Tao. Huwag tayong matakot, kung ito man ay totoo o hindi, dapat parin tayo ay handa sa posibilidad, dahil ang pagbabalik ng Diyos ay parang isang magnanakaw, hindi mo alam kung kailan darating at papasok sa inyong mga tahanan. Kaya magdasal, ihanda ang inyong sarili, isuko lahat ng pangamba at manampalataya sa kaniya.”
Pasalampak siyang umupo sa sofa, problemadong-problemado parin. Nagawa na niya lahat na maisip niya. Ano pa ba ang kulang? Napaisip siya sa saglit nang may bumusina sa labas dahilan para mapatayo siya. Lumapit sa siya bintana at doon nakita niya si Dr. Reigan Romualdez Delos Santos.
Hindi niya maiwasang maglaway habang pinapanood ang mayaman nitong biceps habang sinasara ang pintuan ng kotse, ang dibdib nito na hapit na hapit sa suot nitong asul na long sleeve. Ang guwapo talaga ng binata, nakaglasses ito, mukhang kakagaling lang sa trabaho. What a hot nerdy doctor. Ang kapit-bahay niya na pinanganak atang pasan ang mundo dahil kailan man ay hindi niya ito nakitang ngumiti. Crush pa naman niya ito dahil sa napakalakas nitong appeal, Panay nga ang bisita ng mga kaibigan niya lalo na si Gary, masilayan lang ang makisig na doktor na ito. Napakasungit lang. Every time she approached him, tumataas lang ang kilay nito, may minsan rin na nakakasabay niya itong nag-eexercise sa umaga, pero ni isa hindi man lang sila nagkausap ni ‘hi‘ ni ‘ho‘, kahit ‘good morning‘ wala!
Then a ridiculous idea came to her mind.
Dumireto siya sa kusina at kumuha ng limang beer sa kaniyang fridge at walang sabi-sabing tinungga niya iyun, napangiwi pa siya dahil sa pait nito ngunit binalewala niya iyun at nilaklak lahat, mawala lang ang hiya niya sa katawan para sa gagawin niya mamaya.
Pasuray-suray siyang umakyat sa hagdan papunta sa kaniyang kwarto, para magbihis, yung tingin niya hindi na maipaliwanag dahil lasing na lasing na siya. Nang makapasok na siya, dumiretso siya sa kaniyang closet at hinablo ang isang satin night dress na hanggang tuhod niya. Hinubad niya lahat ng kaniyang saplot, maliban sa kaniyang panty at isinuot iyun. Kinalas niya ang pagkakatali ng kaniyang buhok at bahagya iyung binuhaghag. Ngumiti siya sa salamin at lumabas na.
Sakto naman na lumabas ang binata at may dala-dalang trashbag at inilagay sa tabi. Nakalimutan niya, mamaya na pala pupunta ang trak ng basura para mangolekta. Umiling siya at ngumiti.
“Dr. Reigan!”
Bumaling ito sa direksiyon niya. Kumunot ang noo nito. Ang guwapo talaga, kahit naka-cargo shorts lang ito at polo shirts, mas lalo pa atang gumawapo sa paningin niya ang binata. Pasuray-suray siyang lumapit sa kinaroroonan ng binata na ngayon ay nakapamulsang nakatingin sa kaniya at hindi maipinta ang mukha. Nagtataka siguro dahil may baliw sa harap nito.
“May proposal ako sayo, doc.” ngumisi siya. “We can talk about it kung papapasukin mo’ko sa bahay mo.”
He arched his brows.
“Are you okay? You look drunk, umuwi ka na sa inyo.” tumalikod na ito.
Agad niyang nahawakan ang braso nito dahilan para mapatigil ito. Ngumiti siya sa binata.
“I said I have a proposal!”
Hinawakan nito ang kamay niya at winaksi. Ang sungit talaga!
“You’re drunk, and I don’t talk with drunk woman, Cindy.”
Bahagya siyang natauhan nang tawagin siya nito sa kaniyang pangalan. Ang baritono nitong boses, at ang paraan nito sa pagsabi ng kaniyang pangalan, ang hot. Mas lalo pa atang gumanda ang simple lang niyang pangalan kapag si Reigan ang bumibigkas.
“You know my name?” natatawang tanong niya. “I felt special, doc.” napahawak pa siya sa kaniyang dibdib..
Pansin niya ang pagbaba ng mga mata nito sa kaniyang dibdib.
“The fuck…” pati ang pagmura nito ang sexy. “You’re nipples are fucking visible, Cind. You’re fucking outside! Dapat nagsusuot ka ng— Fuck this! Come inside, you woman!”
Hinawakan siya ni Reigan sa kaniyang kamay at pumasok sila sa bahay nito. Lihim na nagdiwang ang kaniyang sistema dahil sa wakas ay nakapasok na siya sa bahay nito. Dream accomplished, kaunti na lang at pwede na siyang kunin ni Lord.
Pinaupo siya nito sa pang-isahang sofa. Galit na galit itong tiningnan siya, siya naman ang laki ng ngiti. Umupo ito sa mahabang sofa.
“What proposal do you want to talk about? At bakit lasing ka?” tumikhim ito. “Did you and your boyfriend broke up?” natawa siya sa tanong nito.
“Walang maghihiwalay dahil wala naman akong boyfriend…” ikaw ang gusto kong maging boyfriend. “I’m freaking single since birth, doc. I’m clean as Nature’s Spring.”
Tumaas ang sulok ng labi nito, ngunit din iyung nawala. He shifted on his seat.
“Yeah, whatever, I’m not even interested.” umirap siya sa sinabi nito. “What proposal are you talking about?” anito.
She smiled. Tumayo siya at tumabi ng upo kay Reigan, heto na naman ang mapang-insulto nitong kilay na palaging nakataas, napakasuplado talaga. Itinukod niya ang siko at ibabaw ng backrest ng sofa at patagilid na humarap sa binata.
“My proposal is… Be my boyfriend and have sex with me.”
Hindi agad nakasagot si Reigan, nakatitig lang ito sa kaniya. Tinitimbang kung nagsasabi ba siya ng totoo o naglolokohan lang sila dito. Nanliit ang mata nito, at nilaro ang dila.
“Yeah, you’re drunk… Iuuwi na kita.”
Nagulat pa siya nang hablutin siya nito at pinatayo para pauwiin. But she let go of his hand, tumingin ang binata sa kaniya.
“I said be my boyfriend and I want to have sex with you!”
“Are you fucking crazy?! Lasing ka lang kaya iuuwi na kita at baka kung ano pa ang magawa ko sayo. You stubborn woman.” hahawakan na sana nito ang kamay niya ngunit agad niya iyung iniwas. “Why are you doing this?!”
“Because I fucking like you!” sigaw niya rito para marinig ng binata ng malinaw. Ramdam niya na natigilan ito.
“W-what did you say?” see! Nilakan na niya sigaw niya, gusto pang ulitin. Bingi ata ang lalaking to.
“Magugunaw na ang mundo, everyone is panicking because the end of the world is coming… And before I die, I want to do something that is firsts to me, and that is to have sex, and have a boyfriend… I know its fucking ridiculous, but I’m single since birth, and before I die and leave this world, I want to experience having sex with someone…” sumimangot siya. “… And I like you, kaya ikaw ang gusto kong ibigay ang virginity ko, kahit na ang sungit-sungit mo at suplado, gusto parin kita.”
Mahina itong natawa sa huli niyang sinabi.
“Are you serious? And what are you talking about? End of The World? Nagpapaniwala ka naman sa mga nakikita at nababasa mo online?” para siyang batang tumango kay Reigan.
“Because it’s true. Workaholic ka kasi kaya wala kang pakialam sa paligid mo.” mapakla itong natawa.
“No, it’s because it’s beyond ridiculous. Bakit alam nila na ngayon magugunaw ang mundo? Diyos ba sila? Have they talk to God, or did God message them? Ano, chatmate sila ni Lord?”
Hinampas niya ang balikat nito. “Hoy! Bibig mo, napakapasmado.” tumawa lang ito at napailing.
Napahawak na lamang siya sa sandalan ng sofa nang biglang lumindol ang paligid niya, o talagang ang paningin lang niya dahil sa kaniyang kalasingan. Napahawak siya sa kaniyang ulo.
“You okay?” tanong nito.
Sinamaan niya ito ng tingin. “Bakit ba ayaw mong makipag-sex sakin? Maganda naman ako, sexy. May panama din naman siguro ako sa mga babaeng natitipuhan mo… And most of all, I’m a girlfriend and wife material, I know how to cook and do laundry, walang washing machine, ha, kamay sa kamay! And I can bake and make perfect cookies!” pagmamayabang niya. “At maka-Diyos ako, kung magkakaanak tayo, lalaki silang puno ng pananampalataya at may takot sa Panginoon, lalaki silang mabuti at mabait sa kapwa, gaya ko. Hindi tulad mo na palaging nakasimangot.”
Humagalpak sa tawa si Reigan na siyang ikinakunot ng kaniyang noo. Aba’t ang baliw! Ang seryoso niya sa puntong iyun tapos tatawanan lang niya ito. Nakakainsulto sa kaniya.
“Yeah, I perfectly know that and I can see it,” anito na natatawa parin. “But still no, gaya ng sabi ko, hindi ako nakikipagtalik sa lasing. Because there’s a possibility that you will regret it the next day, and put the blame on me.”
She tsked.
“Tse! Baka nahihiya ka lang kasi juts ka.” tumawa siya at binilatan ang binata.
Sinamaan niya ito ng tingin at tinalikuran ito. Bahala siya buhay niya! Kung ayaw niya, edi wag! Ang sarap na ng grasiya na nakahain sa harap niya tapos hindi niya lalantakin?! Edi wag! Magutom sana siya.
Makailang hakbang pa ang nagawa niya at hawak na niya ang door knob ng pinto nito nang may isang mapangahas na braso ang humawak sa kaniyang beywang at isinandal siya sa pinto. Napalunok siya nang magtama ang kanilang paningin, nakakalasing ang titig nito, ang bagsik ng mata ng binata, para siya nitong kakainin nang wala sa oras.
“What did you say?”
She smirked.
“Bakit,doc? Masakit bang marinig ang katotohanan?” mahina siyang natawa. “Kayo talagang mga lalaki, naaapakan ang pride niyo kapag sinasabihan kayo na mala-sausage yang junior niyo, when in the first place totoo naman. So, just accept it, Dr. Reigan.” ngumiti pa siya nang pagkatamis-tamis. Pinasidahan niya ng tingin ang katawan nito. “Ang laki at ang sarap nga ng katawan, maliit naman ang kaibigan. Usseelesss….!”
A smirked formed on his lips. Hindi natinag sa sinabi niya.
“My pride is intact, Ms. Salandones. Hindi ako nainsulto, pero ang kaibigan ko ang nainsulto mo. My friend is not as small as sausages, he is as big as babys’ arms.”
Siya naman ang tumawa, with palakpak pa. “Weh? Hindi ako naniniwala,” iling niya. “Patingin nga. Kahit pa-teaser lang.”
A smug written on his handsome face.
“Wow, you do know how to find ways, huh?” nagkibit-balikat lang siya. Pinulupot niya ang braso sa leeg ng binata at ngumiti rito. “Don’t blame me after this, love.”
“Yes, doc.”
He laughed, but then she was in dazed when his lips crashed her lips. Napaungol siya sa uri ng halik na iginawad sa kaniya ni Reigan, nakasarap ng labi nito, napakalambot, ang sarap kagat-kagatin. Itinaas ni Reigan ang kaniyang kaliwang hita at pinulupot sa beywang nito. Nang sapuin ng binata ang kaniyang pang-upo, pinulupot na niya ang kanang hita sa beywang nito, kaya karga na siya ni Reigan na ngayon ay abala parin sa kaniyang labi, animo’y isang sabik na sabik na leon.
Hindi niya maalala ang sunod na nangyari hanggang sa mailapag na siya nito sa malambot na bagay… Hanggang sa daanin na siya ng antok.
NAPA-ARAYSA SAKIT si Cindy nang magising siya at sapong-sapo ang kaniyang nananakit na ulo dahil sa kalokohan niya kagabi, uminom ba naman ng walang kain. Bumangon siya at napatitig sa kawalan…
At biglang humagalpak ng tawa, may pagpalakpak pa ng kamay.
“Hays, panaginip lang pala yun. Akala ko totoo…”
Tumayo na siya at dumiretso agad sa banyo para maligo. Akala talaga niya na totoong pinuntahan niya si Dr. Reigan at talagang nagpakagaga sa harap nito. Pero in fairness, kahit nasa panaginip lang niya nangyari, parang ramdam na ramdam niya ang halik nito sa kaniyang labi, hanggang ngayon.
“Kahit sa panaginip, ang sarap niyang humalik. May pasipsip pa ng dila,” halakhak niya habang nagsha-shampoo. “Pano pa kaya kung totoo, baka maiyak ako sa sarap.”
Lumabas siya ng nakaroba habang tinutuyo ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya, hinagis niya pagkatapos ang tuwalya at lumabas na sa kwarto para maghanda ng kaniyang makakain. Nagsalang agad siya sa coffee machine at kumuha ng mga ingredients na lulutuin niya para sa umaga.
Ngunit napatigil siya.
“Ilang araw na lang pala, magugunaw na ang mundo.” nawala ang saya sa kaniyang mukha nang maalala ang realidad. “I should use my remaining weeks to be happy as much as possible.” She inhaled and exhaled. She closed her eyes. “Wag mag-isip ng negatibo, dapat positibo lang.” ngumiti siya at dinilat ang mga mata.
Nang may kumatok sa kaniyang pintuan. Take note, ang lakas ng katok.
“Wait lang!” sigaw niya habang papalapit sa pinto.
Agad niya iyung binuksan. Ganun na lamang ang pagtigas ng kaniyang katawan nang makitang si Dr. Reigan ang nasa labas ng kaniyang pintuan. Ang gwapo ng binata kahit sa simpleng suot nito. P-pero teka, anong ginagawa ng crush niya dito? Isang himala! Dininig na ba ni Lord ang kahuli-huling wish niya na matikman ang binata? Sana naman, Lord. Kahit free taste lang, okay nako.
Tumikhim siya at ngumiti sa lalaki.
“G-good morning, Dr. Reigan. May kailangan ka? Coffee, do you want coffee?” niluwagan niya ang pinto, lihim na nagdasal na sana makausap pa niya ito ng matagal.
“Yeah, I do need something…”
Dahan-dahan siyang tumango at ngumiti sa lalaki.
“Ano naman yun?”
“This…”
At walang sabi-sabing lumapit ito sa kaniya at hinawakan nito ang kaniyang beywang at nilukumos ng halik ang kaniyang labi. Ang natitirang hang-over niya sa katawan nawala, at biglang nagising lahat ng organ system sa loob ng kaniyang katawan… And when Reigan’s lips moved and bit her lower lip, a soft moaned came out and her mouth opened. Hahalikan na niya sana pabalik ang binata nang lumayo ito. Nadismaya siya bigla.
But what the fudge! Dr. Reigan kissed her! Totoo bato? Her crush just kissed her! Isa itong malaking flash news, talagang magugunaw na ang mundo dahil lahat ng pangarap niya unti-unti ng natutupad.
“Looks like you’re already sober,” feeling confused, kumunot ang kaniyang noo. “I think I can make love with you now and be as your boyfriend for a day, after you fell asleep while kissing me…” unti-unting nanlaki ang kaniyang mga mata sa sinabi nito.
“W-we kissed… A-and what do you mean… M-make love, and b-boyfriend…?”
Mahina itong natawa.
“This is what I’m talking about,” anito at naiiling pa. “The reason why I…