Extra Jump! Ang Mga Hari Ng Basketball Ep. 15

Extra Jump! Ang mga Hari ng Basketball ep. 15
author: cloud9791
#extrajump

Names and people in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.

SPG content: This story posted on this page/website might include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the age of 18, or if such material offends you or if it is illegal to view such material in your community, please exit the page or stop reading now….

© 2022 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner without the expressed permission of the author by any means available.
—————————————————–

Kay Janesse…

The scene was amazing. Our students are cheeringand malakas ang hiyawan sa loob ng gym ng San Gabriel. I got caught up in the frenzy. So caught up that I even forgot about Marcus.

Thirty-one all na ang score and hawak na naman ng Kings ang bola. Handle ni Captain Zeb ang bola. He’s like a small forward but acting like a point guard for the team. A point forward! He’s the one directing the plays. Sa top of the key sya nagdidribble ng dahan-dahan. He looked up and suddenly drove strong to the basket. Three tall Benedictine players rushed towards him! That’s how Captain Zeb commands respect from the opposing teams. He’s so manly and has this huge upper body strength.

Three players became open… The tall, dashing and handsome one Ace Mendoza, the other. The one with the sleepy eyes he’s name what’s that again… Tristo something. Then there’s Glenn. Glenn Torio. The same meek and quiet loser who just recently tried to court me. The Nerve! As if naman!!

He suddenly went open around the left side just outside the three-point line. Captain Zeb who seems to have eyes behind the back of his head saw this and passed the ball to Torio! The crowd seems to know him already a little bit. A buzz kind of ingay emanated from the students watching the game when Torio catches the ball.

Parang tumayo ang lahat sa ringside ng mahawakan ni Glenn ang bola. Kahit si Marcus beb napatingin kay Torio. There were 3 girls who I noticed stood up from the San Gabriel crowd when Glenn was about to shoot.

This beautiful Korean girl. The daughter of the owner of the school Jenny. Then there was this cute girl the basketball team manager, Bea. Another gorgeous woman at the middle part of the stands. She almost prettier than me. One of the rumored heads of the brotherhood of delinquents from outside school. Alexa!? What she’s doing here? Didn’t know she knew Glenn? And she looked worried for Glenn.

What the!? I didn’t know Glenn was this good-looking already!!? Then Glenn shot the ball with a quick release!! The ball seemed to hover in the air for a slow-motion moment. WAAAAAHHHHH!!!! Our gym went crazy!! The shot went in!! Then from the sides a young pretty looking young teen went and make pahid Glenn’s pawisan noo. What the Fuck!? That’s Captain Zeb’s beautiful sister! Maricor something.

Is this really Glenn Torio?? Parang hindi ako makapaniwala. My mind went blank for a moment. I don’t know what I’m feeling right now. Glenn ran past by me and he looked good looking all of the sudden. Well, hindi naman talaga sya pangit din kahit noon. Pero ngayon sa kanyang basketball uniform running. He seemed attractive now. He’s not the lampa kid anymore. Did he also grow taller? Parang feeling ko mas matangkad na sya kesa dati?

There’s a change in the air. Ramdam ng lahat ang pagbabago. Hindi na talunan ang San Gabriel team. I can feel the Rising of a young team. Are the Kings really back for contention? Ang San Gabriel ang dating Hari ng mga Basketball nagbabalik na!?

———————————————–

Kay Bea…

Wew!! WOW!! Glenn pasok na naman!! Mukhang sineryoso ni gago ang promise ko ah!! Paano yan Bea girl mukhang mapapasubo ka nyan? Ang mga kilos at galaw nya mas seryoso rin ang itsura nya. MAs mabilis din sya sa depensa!!

Tsaka pagpasok nilang dalawa ni Rudy Macario nag-inject ng panibagong sigla sa team! GO SAN GABRIEL!! Kaya natin maipanalo to!!

Pumunta ng low post ang seven-footer na sentro ng Benedectine! Sa kanya pinasa ang bola.

Bantayan mo Macario!! Ang hiyaw ko sa isip ko. PAgsalo ng bola walang dribble-dribble tinira agad ng hook shot ng matangkad na sentrong puti si Slaters! PASOK!! OH No!! Isa nalang ang lamang namin! Focus pa rin maglaro ang Bene-Salle! Isa sa mga top team’s last season. Sanay sila sa mga pressure-pack situations!

PAlitan na ang score sa second half! Ang galing! Nakakasabay na ang team namin sa isa sa mga pinakamalalakas na teams sa Region! Eto na yata talaga ang pagbabalik ng San Gabriel Kings! Ang dating team na nakapanalo ng 3-peat ilang taon na ang nakararaan!

————————————-

57-56 ang score. Lamang ng isa ang kalaban. Ilang minutes nalang ang natitira sa 2nd half. Juskopo!! Bakit ako kinakabahan!! Si Glenn parang hinihingal na! Kahit si Ace Mendoza labas na rin ang dila. Hawak ng Benectine Univ ang bola. Binigay nila ang bola sa SF nilang si Perez. Isa na namang black looking player ng Bene-Salle. Nagbabantay sa kanya si Captain Zeb. Pero mukhang medyo pagod na rin si Captain! Isang mabilis na drive sa basket ang ginawa ni Perez ng kalaban, naiiwan si Captain, NOO!!!

——————————–

Kay Rudy Macario…

Maganda ang laban! Dikit lang kami sa team ng mayayaman na to. Sabi nila puro mayaman daw nag-aaral sa Benedictine! May allowance ang mga players nila galing sa school. Pero wala akong pakialam. Tatalunin namin kayo! Andito ang mga kaibigan kong si Glenn at supladong gago na si Ace. PAgtingin ko tangina!! Hingal kabayo na si gagong Ace!

Tanginang to sa inuman nakikipagsabayan sakin. Sa basketball mahina pala tong gagong to! Hoy bantayan mo maigi yung kaharap mo!! Ang sigaw ko sa isip ko. Pero nung makita ko si Captain Zeb, naiwan ng player ng Bene-Salle. Kelangan mo mag-step-up Macario!!

Dun ko nakita. NAmamalikmata lang ba ako. Sa may entrance ng gym. Andun si… Andun si Denise ba yun!? Ang kaputian nya at kagandahan ganun pa rin! Pumasok sa alaala ko ang nakaraan.

“Pag nakatapos ako promise lagi tayong manunood ng sine! Lagi kitang ilalabas! PApasyal tayo sa malalayo Denise. Pangako ko yan!!”

“Sira!”Tapusin mo muna ang pag-aaral mo!” Ang mahinang palo sakin sa may pisngi ni Denise.

Maykaya sina Denise. Malaki ang bahay. May dalawang kotse sa loob ng bakuran nila. Samantalang ako isang binatang galing probinsya. Pero sinagot nya ko! Kahit wala naman talaga akong maipagmamalaki. Minsan sya pa ang nanlilibre sakin. Kaunti lang ang naipapadala saking allowance nila nanay at tatay galing sa probinsya. Pangako ko sa mga magulang ko sisikat ako sa Maynila!

Pero ang pangako ko kay Denise. Gagawin ko ang lahat para maipagmalaki nya ko sa mga magulang nya! Kahit ngayon naalala ko pa kumakain kami sa fastfood. Sagot pa rin nya ang pagkain namin. Pero minsan hinatid ko sya bahay nila. Nakita ako ng Daddy nya. Halata na agad sa mga mata ng daddy nya ang pagka-inis sa kin.

Sa itsura ko palang lumang t-shirt at basketball shorts ang suot. Katabi ang isang kaygandang dalagang si Denise. Pinapasok kaagad ng Daddy nya si Denise.

“Iho, nag-aaral pa ang anak ko. Ayaw kong nakikipag-boyfriend sya agad. Lalo na sayo!”

Pero sir” Sinubukan ko pa magpaliwanag.

“May maipapakain ka ba sa anak ko? Saan kayo titira? Go on boy. Ayaw kong makikita ka dito sa pamamahay ko ha.” Ang Daddy ni Denise.

Nakita ko pa si Denise loob ng bahay nila. MAlungkot ang itsura nya. Alam ko mahal ko sya. Mahal nya ko. Pero parang wala syang maggawa sa parents nya. Sabagay sino nga lang ba ako. Isang hamak na mahirap na probinsyano.

Pero nung makita ko si Denise nanunood sa laban namin. Parang mas lalo akong ginanahan! NAkita ko ang mabilis na drive ng SF ng kalaban. Tumalon sya ng mataas. Tangina tong magda-dunk!? Kusa nalang gumalaw ang katawan ko! Tumalon ako para sapalin ang bola! Bahala na!!

Parang narinig ko ang sabi sakin ni Coach Dido. Ako daw ang anchor ng defense at rebounds! Ayoko nga!! Gusto ko umiscore!! Mas gusto ko katulad ni Ace na magaling umiscore! Pero sabi nya defense wins championships daw. Rebounds win the game, ano nga ba uli yun!? Ah basta!! Di yan pwede sa harapan ko bata!!!

NApigil ko malapit na sa may ring ang pag-dunk ni Perez!! Bagsak si gago sa court!! Putangina mo buti nga sayo!! NAkuha ni Captain Zeb ang rebound. Pinasa nya ang bola kay Tristo!

Takbo Macario!!” Ang hiyaw nya!

Takbo naman ako agad! Takbuhan din pabalik sa depensa ang ibang players ng Benesalle. Nakita ko tatlo kami ni Tristo, Ace at ako ang fastbreak!! Biglang pinasa ni Tristo ang bola kay Ace. HOY! Bakit sa kanya!!

Lumayup si Ace. Sapal sya ni Slaters! Ang malaking center ng kalaban! Ogag kasi tong si Tristo eh! Kita ng pagod na si lampang Ace. Sana sakin mo nalang pinasa! NAkita ko tumaas ang bola papunta sa may bandang side ko. Parang narinig ko uli ang mga paalala sakin ni Coach.

“Basta sa defense at rebounds ikaw secret weapon ko! KAyong dalawa ni Glenn ang dalawang secret weapon ko!!”

REBOUND!!! Ang sigaw ng isip ko!

———————————-

Kay Bea…

PAgod na si Ace! Dapat dakdak na yun eh! Lumayup pa sya, nasapal pa tuloy sya ng kalaban! Mukhang mga pagod na mga players namin. Pero nakita ko ang isa pang kulay na pulang uniform ng team namin! Bukod sa berdeng kulay ng Bene-Salle isang lumilipad sa ere na player namin ang soaring for the rebound!

Si MACARIO!!!

Parang pelikula lang ang lahat! PAgsapo nya ng bola sa ere. Isang malupit na one-hand putback dunk ang ginawa nya!! Talsik si Bolado ang powerforward ng kalaban!! Dumapa sa court ang player na yun ng Bene-Salle! Ang lakas!!! WEEEWWW!!! Ang galing mo RUdy!!! Grabe ang taas ng talon ni Macario sa Rebound na yun!!

Hiyawan ang mga tao!!Lamang na kami!! Ilang seconds nalang ang natitira!! Syet sina Ace at Glenn mga hingal kabayo na!!

“Defense!! DEFENSE GLENNN!! ACE!!!…