Extra Jump! Ang Mga Hari Ng Basketball (Ep. 6)

Extra Jump! Ang mga Hari ng Basketball (ep. 6)
author: cloud9791

Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.

SPG content: This story posted in this page/website might include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the age of 18, or if such material offends you or if it is illegal to view such material in your community, please exit the page or stop reading now….

© 2021 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.
———————————————————

Kay Torio…

Kinabukasan pagpasok ko ng school. Ito na ang pinakahihintay kong araw! Kung makakapasok ba ko sa basketball team o hinde! Pagpasok ko sa loob ng Gym. Andun na si Rudy Macario, Ace Mendoza, at Alan Tristo.

“Oh, bakit ngayon ka lang bro?” Tanong sakin ni Rudy.

“Eh…” Si ako.

Pagtingin ko naman kay Ace. Tumango lang siya at nginuso ako na pumwesto na. NAkita ko yung Alan Tristo naka-linya silang tatlo!

Hindi ko masabi kasi kinausap na naman ako nung ilang studyante ng Beta Tres Sigma. Nakita ko sa may gitna ng court may mahabang lamesa dun. Andun nakaupo ang isang lalakeng mejo chubby at may puti-puti na sa buhok. Yun na ba si Coach!!? Kinabahan ako! Sa tabi nya andun si Vice Captain Bong Alolor. Hindi sya naka-ngiti, lalo akong kinabahan! Sa may kanan ni Vice Capt andun naman si Bea DelaVen! Ang makulit at maingay naming team manager!

Sa may kaliwa ni Coach may isang matangkad na lalakeng ngayon ko lang nakita… Sino kaya yun!? Hinde kaya ang eto ang captain namin!?? Medyo moreno din sya katulad ni Rudy MAcario. Pero mas malaki at matigas ang mga muscle nitong lalake!

“Eto na ba yun Bea?” Nung magsalita ang lalake.

“Opo Captain! Sila po ang mga sumali sa tryouts natin CAPTAIN!” Ang sagot naman ni Bea ng mala

kas ang boses.

Nakakatawa yung reaksiyon ng lalake sa lakas ng boses ni Bea. Parang kahit sya nasindak sa lakas ng boses ni DelaVen!

“Siguro alam nyo na kung bakit kayo andito.” Ang pagpapatuloy ng lalake.

“YES SER!” Ang hiyaw ng tatlong katabi ko.

“Ye-yes ser!” Ang bati ko na rin nahuli pa ako nakakahiya.

Nakita ko sa may mga stands na parang hagdan kung tingnan. Kung saan nauupo ang mga studyante pag may game. Andun ang nag-iisang babaeng nanunood sa min. Maganda sya!! Ang maputing kutis nya at mamulang labi. Kumaway sya sakin ng pasimple… Si JENNY!!

Dun halos nawala ang kaba ko sa katawan! Suot nya ang isang malaking basketball jersey at shorts. Napakaganda at cute nya!! Lumundag ata ang puso ko sa sobrang tuwa! Sana maging girlfriend ko sya! Alam ko malayo mangyari, pero hindi naman masamang mangarap!!

NApabalik ang tingin ko kay Captain nang…

“Ahem!” Si Captain.

“Sir! Sir Yes SER!!” Ang parang tanga kong sagot.

Nakakahiya nakita ata ako patingin-tingin kay Jenny. Nakita ko napa-bungisngis si Jenny habang nanunood samin.

“Ace MEndoza?” Ang tawag ni Captain.

“Captain.”

Lumapit sa lalaking tawag nila ay captain si Ace. Eto na nga siguro talaga ang captain? Tanga ko talaga! Napansin ko mas matangkad ng kaunti si Ace kay captain. Pero ang mga muscle ni captain mas malaki at ang katawan mas malapad.

“Congratulations… You’re now part of San Gabriel Kings!”

“Thank you, Captain.” Ang sagot lang ni Ace.

Walang masyadong makikitang ekspresyon sa mukha ni Ace. Eto ang kilala naming Ace talaga. Yung medyo nakita namin na naglabas sya ng kaunting ekspresiyon ay nung nalasing sya! Haha. Napapangiti ako mag-isa nung maalala ko sila ni Rudy. Pumunta si Ace dun sa may kanan ng long table.

Duon may tatlo pa palang mga lalake! PArang ngayon ko lang silang nakitang dumating? O kay Jenny lang kasi natuon ang atensiyon ko? Duon tumabi si Ace at pumila uli. Sino kaya yung mga yun? AHHHH!! Siguro yung mga current lineup ng basketball team! Si Ace nakatingin lang sa malayo pero pakiramdam ko sa loob-loob nya tuwang-tuwa sya!

“Rudy! Rudy MACARIO?” Ang tuloy na pagtawag ni Captain.

“Sir Ako po!! Andyan na po! HAHAHA!” Ang tuwa ni Rudy.

Napatingin pa sya sakin…” Una muna ako bro!” Bulong pa nya sakin.

PAgdating nya sa harap ni Captain.

“Good ako sayo. Malaki expectation ko sayo MAcario.”

“Oo naman Captain! Maaasahan mo ko!!” Ang lakas ng boses ni MAcario.

Kahit si Macario nanliliit ang mga muscle sa tabi ni Captain! Shet! Sana ako na! Sana ako na tawagin! Parang nahahalata ni Jenny ang mga pinaggagawa ko. Panay ang bungisngis nya dun sa may stands!

“Tristo… Allan Tristo! Tama ba to?”

“Yes… Tama…” Nang lumapit si Allan kay Captain.

“Maaasahan ko ba ang dedication mo sa team?”

“Titingnan ko…”

Nakita ko sumimangot si Captain sa wala sa hulas na sagot ni Alan Tristo. Feeling ko may namumuong tensyon sa dalawa!

Tumingin ako sa paligid ko. Ako nalang ang natitira! Ako na siguro ang susunod na tatawagin!

Nang tumalikod si Captain… Parang nalaglag ang panga ko. Shet!! Mukhang di ako nakapasok sa basketball team ah!! Gusto ko tawagin siya si Captain. Captain! CAPTAIN AKO PA!!

“Captain…” Turo ni Bea sakin.

“Ahhh… Meron pa pala… Bakit tatlo lang nakasulat dito kasi Bea?” Yung Captain.

Dun lang uli humarap sakin si Captain. Teka ano nga bang pangalan nito? Basta para akong si Puss in boots yung nagmamakaawa pagtingin sakin ni Captain. Please… PLEASE! Sana makuha ako! Loser na nga ako sa girls… Wag naman pati sa basketball… GOD!! Tawag ko sa itaas.

“Torio? Glenn Torio?” Ang basa ni Captain.

“Ahh Ako po yun!! Sir ako po yun!!” Ang lakas ng boses ko nagtaas pa ako ng kamay!

Paglapit ko sa harap ni Captain… Eto na ang isa sa mga pinakamasarap na mga salitang narinig ko sa buong buhay ko…

“Pasok ka na…” Ang sabi sakin ni Captain.

Dun sa may stands nakita ko si Jenny nagtaas ng dalawang kamay!

YEHEEYYY!!!!!” Ang malakas na sigaw ko!

Dinig sa buong gymnasium ang hiyaw ko!! Baka nga lumabas pa sa gym sa lakas!!

© 2021 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

————————————————————————–

Kay Bea…

YES!! KUMPLETO NA ANG BASKETBALL TEAM NAMIN!!

Hawak ko ang maliit kong notebook na may listahan ng roster namin sa season na to… May mga check ako ng players namin…

Center – Rovic Samson (injured)

Power forward – Jomard Santos

Small forward – Ace Mendoza (Rookie)

Shooting guard – Zeb Jacinto (Captain)

Point Guard – Bong Alolor (Vice-Captain)

Reserves:

Point guard – Glenn Torio(Manyak Rookie)

Shooting guard – Alan Tristo

Small forward – Richie Dizon

Power forward – Rudy Macario (Rookie)

Center – Sam Locsin

Point guard – Ron Lontoc

Small forward – Brian Marzan

Eto ng school namin ang susunod na pinakamalakas sa Luzon! Sunod na ang National Championship!! May drawing ako ng logo ng Kings sa harap ng notebook ko. Andito kami ngayon sa gym ng San Gabriel. Tinatawag ni Captain Zeb Jacinto isa-isa ang mga rookies na papasok sa team namin.

Hanggan sa si manyak nalang ang natira. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nya nang tumalikod na si Captain nang matawag na nya lahat ng pasok sa lineup. Hindi ko alam kung bakit sobrang apektado ako na hindi natawag si Torio. Nakita ko kung paanong araw-araw sya nagpa-practice para galingan pa lalo ang jumpshoot nya!

Nahihiya naman akong mag-suggest kay Captain. Pero kelangan ko magsalita! Bubuka palang ang bunganga ko nang…

“Zeb may nakalimutan ka ata.” Si Vice Captain Bong.

“Huh? Meron ba pero ito lang nakasulat…”

“Ipihit mo…”

Paglipat nga ni Captain andun nya nakita ang pangalan ni Torio!!

“Ah oo nga… Pasok ka na… Glenn…”

Kitang-kita ko pagkasabi nun ni Captain kung gaanong tuwang-tuwa si Torio!

“YEHEY!!! MARAMING SALAMAT CAPTAIN!!”

Feeling ko ako rin, masayang-masaya sa nakikita ko kay Torio. Bakit nga ba!? Pagkapa ko sa may gilid ng mata ko… May luha!! SHET!! Baka makita ni Torio!! Pinunasan ko agad!

BUO NA ANG SAN GABRIEL KINGS!!! HUMANDA KAYO MUNDO NG BASKETBALL!!!

© 2021 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

————————————————————————–

Kay Zeb Jacinto…

Ang kauna-unahang practice ng San Gabriel sa season na to…

“Iba talaga tong batang to… Anong masasabi mo Zeb” Si Coach Dido habang pinapanuod namin si

Ace.

Ang sinasabing pinakamagaling na rookie na galing sa junior high!!

Pinanuod namin si Ace habang naka-isolate sa right side sa bandang 3-point line… Ang nagbabantay sa kanya si Richie Dizon! Ang 6’5 small forward na 2nd year sa kanyang senior high!

“Mukhang siniseryoso bantayan ni Richie si Ace ah coach…” Sabi ko kay coach.

“Para sa isang 2nd year hindi sya papayag malagpasan ng isang rookie”

Malaki ang agwat ng height ni Ace kay Richie. PEro sa experience at defense hindi papahuli si Richie. Isang pretty boy looking na binata pero masipag sa depensa!

TEEGEESHH!! TEEGSSHH!! TEEGSSHH!! Ang dahan-dahan dribble ni Ace ng bola sa kanyang kanang kamay.

“Mukhang sinusukat nya si Richie…”

“Oo nga coach…” Kahit ako hindi makapaghintay na makita ang galing ng sinasabing magiging num

ber 1 rookie ngayon season!!

TEEGEEWSSHHHH!!! Pag-dribble ng mabilis drive ni Ace sa kanan!

“Mabilis sya!!” Si Coach Dido!

Kahit ako nagulat sa tangkad nyang yon ang bilis at lakas ng kanyang first step!! Pero hindi nagpatalo si Richie! Alam ko kahit sya nagulat parehas samin ni Coach. PEro marami nang binantayanna magagaling na players si Richie. NAkasunod sya agad sa malakas na drive ni Ace!!

“Hindi ka makakawala sakin Rookie!!” Ang dinig pa namin galing kay Richie.

Gulat namin ng mabilis ang pull-up bahagyang fadeaway jumper ni Ace!! SHOOOWW!! Ang smooth na bitaw ng pag-shoot ng rookie!!

SHOW!SHOW!! SHOWWW!!! PASOK!!! Smooth na smooth ang galaw ng rookie na to!

Nagkatinginan pa kami ni Coach sa nasaksihan! Natural na natural na ang pagka-pure scorer nitong si Ace! Ilang taon na ring kulelat ang Kings sa Nationals. Nang makita namin si Ace nagkakarun kami ng pag-asa! Ang pangarap ko… Sana man lang bago ako grumaduate. Mapa-champion ko man lang ang SAn GAbriel!!

“Zeb tingnan mo nga yon…” Turo ni coach sa isa pang rookie.

Hmmm… Sino nga ba to…. Ahhh si Rudy MAcario…. Pa-fast break nun ang 2nd year na si Brian Marzan. Bitbit ang bola ng isang kamay. Mukhang -lelayup tapball ang pag-shoot. AKala ni Brian sya nalang mag-isa. Ambilis ni Macario sa isang iglap andun agad sa may likod ni Brian at tumalon ng pagkataas!!

WOOOWW!!” Ang halos sabay namin ni coach Dido.

BOOSSHHH!!! Ang malakas na hampas na pagka-sapal ng bola ni Macario! Tumalsik sa malayo ang bola pagkatapos tumama sa board!

“Mukhang nagkaroon tayo ng height at jumping ability sa dalawang to Zeb” Ang may pag-asang ngiti

ni Coach sa akin.

Biglang sumingit si Bea Dela Ven sa gitna namin ni Coa…