author: cloud9791
#cloud9791pangakitngmundo
Names and persons in this story are entirely fictional. They bear no resemblance to anyone living or dead.
SPG content: This story posted on this page/website may include pictures and materials that some viewers may find offensive or violent. If you are under the age of 18, or if such material offends you or if it is illegal to view such material in your community, please exit the page or stop reading now….
© 2023 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner without the expressed permission of the author by any means available.
======================================
Kay Jasmeena…
Natatandaan pa ni Jasmeena ang mga pangyayari, kahit medyo malabo na. Hindi nya alam ngayon paano sya bumalik sa mga eksenang nagbago ng kanyang buhay. Gabi noon isa pa syang batang probinsyana. Niyayakap sya ng ina na si Jasmine. Andun ang kanyang amah na si Romeo sa di kalayuan parang may kinakausap na kaygandang babae. Isang babaeng may kakaibang aura.
Andun rin ang kanyang Tita Nia. Isa lang si Tita Nia Wohlenger nya sa grupo anduon. Anduon din ang kanyang Tito Richard. Ang asawa nitong si Tita Sheila Orphan at ang kanilang maliit na anak. Mas matanda lang sya dito ng kaunti alam nya.
Andun din ang kanyang Tito Herberto. May karga itong batang maliit din natutulog. Bakit kaya sila andito sa harap ng bahay namin ang mga tanong ng batang si Jasmeena sa sarili.
“Hindi na ba natin maggagawan ng paraan to Jasmine?” Ang pamilyar na boses ng kanyang Tita Rachel.
Tulad ng kanyang inang si Jasmine, kayganda rin ng kanyang Tita Rachel. Nakasuot ito ng isang daster ng pamprobinsya. Yumuko ito at hinaplos-haplos ang kanyang ulo. Ang alam nya hindi na nag-asawa ang kanyang Tita Rachel. Tumutulong nalang ito sa pag-aalaga sa kanya. Madalas ito sa bahay ng kanyang Lolo at Lola.
“Ewan ko… Ewan ko… Sabi kakausapin daw sya ni Mahala.”
Netong huli lang nalaman ng batang si Jasmeena ng malaki-laki na sya. Si Halmeera Mahala ang Maria ng Kadiliman! Isa sa mga dhiyosa na kinikilala sa buong mundo. Maraming dhiyos at dhiyosa sa buong mundo. Isa si Halmeera Mahala sa mga kinatatakutan!
Ang alam ni Jasmeena ina nung batang karga ni Tito Herberto nya ang si Halmeera. Hindi nga lang nya matanong yung Halmeera kasi natatakot sya dito. Madalas itong dumalaw sa bahay nila kasama ang kanyang Tito Herberto. Pero nakakapagtaka walang ibang taong nakakakita dito.
Dahil siguro sa kanyang third eye? Hanggan ngayon hindi pa rin nya ito maintidihan pero naman daw nya ito sa kanyang amah na si Romeo!
Hanggan sa naramdaman ni Jasmeena natigilan ang lahat ng tao sa paligid. Tila parang nanigas nalang sa takot at hindik ang lahat. Maging ang kinatatakutan nyang si Halmeera Mahala ay natigilan din.
Lumitaw ang parang isang malaking butas na kayliwanag! Nanlaki ang mga mata ng batang Jasmeena. Sumungaw ang mukha ng isang lubhang kaygandang dalagita. Siguro mga ilang taon lang ang lamang sa kanya nito. Nakangiti ito ng parang kaysaya. Pero hindi nya alam kung bakit may kakaiba syang nararamdaman sa pagdating ng bagong nilalang na ito!
“Jasmeena! Papakabait ka anak ha! Mahal na mahal ka namin ng Papa mo!” Ang biglang yakap pa lalo sa kanya ng mahigpit ng kanyang inang si Jasmine.
Tulo ang luha sa kaygandang mukha ng kanyang ina. Alam nya kahit bata pa lang sya kung gaano kalakas ang kanyang ina. Kahit sya’y bata pa. Alam nya marami daw ang natatakot sa kanyang ina, maging sa kanyang Papa Romeo.
Pero malaki ngayon ang pinagtataka nya bakit parang hindi makakikilos ang kanyang mga magulang sa takot ba to??
Nakita nya ang kanyang papa Romeo papalapit na rin sa kanilang dalawa ni Mama nya. Niyakap silang dalawang mahigpit ng kanyang ina. Di pa rin nya maintindihan masyado ang mga pangyayari.
“Kamusta ka na Halmeera! Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita! Tila ba pinagtataguan mo ba ako Halmeera?” Ang tanong ng bagong dating na nilalang galing sa butas ng kayliwanag pa rin hanggan ngayon.
“Haah!? Hinding-hindi Mahal na MariDeta Krossa! Maari ko ba namang gawin sayo yun!?” Yumukod pa ang Halmeera na parang isang alipin sa harapan ng kaygandang dalagitang nilalang.
Itsura nito ay batang-batang dalagita na kayputi. May suot na kulay itim din katulad ng kay Halmeera Mahala. May hiwa sa gitna ang maitim na kasuotan halos luwa na ang hindi kalakihang mga dede nito. May mataas na hiwa sa may kaliwang hita.
“Hihih… Ang akala ko ay iniiwasan mo na ako Halmeera. Halika tumindig ka… Hindi mo na kailangan lumuhod dyan na parang isa kang mortal na tao.”
Manghang-mangha ang batang si Jasmeena sa mga pangyayari. Paanong ang Maria ng Kadiliman ay takut na takot ngayon sa bagong dating na nilalang!?
“WAg ka tumingin!” Sabay takip sa kanyang mga mata ng kanyang Tita Rachel.
“Baka mapansin ka nya! Sya ang Maria ng Kamatayan! MariaDeta Krossa!” Ang malakas na bulong sa kanila ng kanyang ina ni Tita Rachel nya!
Ang Maria ng Kamatayan! ISa sa mga dhiyosa ng Kamatayan!! Sinasabing si MArideta Krossa ang pinakalamalakas at makapangyarihan sa lahat ng mga dhiyos ng Kamatayan! Katabi ng Maria ng kamatayan ang isa naka-itim ng baluti na malaking lalaki. Tila bantay ito ng Maria ng Kamatayan. Sa kaliwang balikat nito ang isa magandang babae na halos wala ng suot.
Kaya pala! Kaya pala kahit ang Maria ng Kadiliman ay nangingilag din sa Mariadeta Krossa na ito!
“Tapos na ang binigay ko na palugit… Binigyan pa kita ng ilang buwan bilang pagkonsidera sa pagkakaibigan natin Halmeera… Pero tila parang iniiwasan mo ako.”
“Hindi Mariadeta… Pangako hindi ko maggagawa sayo yun” Ang nakayuko ang ulo na si Halmeera.
“Ang ayaw na ayaw ko sa lahat yung niloloko ako eh.”
Halatang nanginig ang Halmeera sa tinuran ni Mariadeta. Parang nagbago din ang kulay ng gabi sa kaitaasan. Luminya ang ilang liwanag ng kidlat duon!
“Pero hindi mo naman ako lolokohin di ba Halmeera. Magkaibigan tayo di ba?” Ang nakangiti pa ring si Mariadeta Krosa.
Sa Kaitaasan ng langhit makikita dun ang hugis ng isang kaylaking dambuhalang halimaw! Paikot-ikot makikita lang ang katawan nito sa pagitan ng mga maidilim na ulap.
“Pero bakit parang dinala mo yung malaking alaga mo si Bakunawa ba yun…” Ang mga mata ni MariaDeta napatingin sa taas.
“Isang paraan lang ng paglalakbay MariaDeta. ISang paraan lang ng paglalakbay…”
Napangisi uli ang Maria ng Kamatayan. Parang nag-iisip ito kung ano ang gagawin. Naghanda rin ang lahat ng tao sa paligid.
Humakbang ng isa ang Halmeera tila naramdaman ang balak ng grupo nila Romeo na magtangka lumaban. Sumenyas ng pribado sa grupo na wag magtatangka kumilos.
“Hala… At ako’y marami pang gagawin…” Si Maria ng Kamatayan.
Biglang may nagliwanag at lumabas na kapangyarihan!
“Hinde na ako makapagtiis sa mga to! Laban na kung laban!” Si Richard!
Napapalibutan ng malakas na liyab na apoy ang buong katawan ni Richard!
“Tatay!” Ang hiyaw ng batang kasama ni Sheila Orphan at Richard.
“Richard! What are you doing!?” Ang hiyaw naman ni Sheila.
Sa kanang kamay ni Richard nababalot ito ng kaylaking liyab ng apoy! Sa kapangyarihan ngayon nila Romeo, Richard, Jasmine, Nia at Rachel maaring lagpas na sa mga pinakamalakas na Mishrin ang lima! Sa isang banda halos singlakas na rin nila ang kapangyarihan ng ilang Anghel!!
Laking gulat naman ni Halmeera sa nasaksihan. Hindi na nya napigilan ang lalaking si Richard. ISa sa mga pinakiusap nya sa Maria ng Kamatayan nuon na wag munang kunin ng dhiyosa ng kamatayan!
Mas malaki pa sa Maria ng kamatayan ang bola ng apoy ngayon sa kamao ni Richard. Tatama na ito kay MariaDeta! Makikitang gusto makialam ng dalawang bantay ni Mariadeta. Sumenyas lang ng pagpigil ang Maria ng Kamatayan.
“Ano to? Naglalaro ka ng apoy? Kapangyarihan ng isa ko pang kaibigan…”
Gulat ng lahat ng isang daliri lang ng Maria ng Kamatayan ang ginamit para pigilan ang kamao ni Richard na nababalot ng isang malaking kapangyarihan ng apoy!
“Hahaammm…” Ang parang inaantok na si MariaDeta.
Pagsenyas n…