Inabot ni Carmi ang isang compay-issued organizer, calculator, tatlong signpen na black, blue, at red, pencil, notepad, at clipboard. Parang nag-grocery siya sa dami. “Sir kaya niyo po?” Alok ni Carmi na tulungan si Richard.
“Ok lang, maraming salamat ha,” Ang mabait na tugon niya.
“Sir, kuha nalang po kayo sa kin ng A4 kasi wala pa pong supply e,” Alok ni Carmi at bumalik na sila sa opisina.
Pagdating ng tanghalian, isa-isang nagsitayuan ang mga kagrupo niya, natira na lang si Eric at Carmi. “Pre, lunch?” Alok ni Eric at tumayo na si Richard para sumama.
“Ikaw Carmi?” tanong ni Richard at kumaway lang ito.
“Hindi kumakain ng lunch yan e, kaya ang payat!” bulong ni Eric.
Malaki ang canteen ng company nila, halos 7,000 kasi ang empleyado rito. Sa pagmamasid niya, nakita niya ang mga unang nakilala. Si Arlene nasa isang grupo ng mga kababaihan na mukhang mga taga-HR lahat. Si Clyde, may kasamang dalawang lalaki at isang babae na halos ka-age nito. Si Ger nasa gitnang lamesa kasama sa grupong mukhang mga manager.
Pagkakuha ng pagkain, pumwesto sila sa isang round table na may apat pang nakaupo, tatlong lalaki at isang babae. Isa-isang pinakilala ni Eric ang mga ito.
“Si John ng Logistics, si Amy at Ronald ng Engineering, tsaka si Bob ng facilities,” Isa-isang nagsikamay ang apat. “Batchmates kami lahat dito, tapos magkakasama sa bahay. Well, except for Amy. Babae nga pala yan, maikli lang buhok,” Sabay tawanan lahat.
“San ka ba umuuwi pare?” tanong ni John.
“Sa Bicutan sir,” Sagot ni Richard.
“Layo a, balak mong mag-board? Bakante pa yung isang kama sa amin,” Alok ni John.
“Pinagiisipan ko pa nga e, medyo mahal na kasi gas tsaka toll fee,”
“Kung gusto mo sa apartment ka na lang ni Amy tumuloy, bakante rin yung isang kuwarto don, nagasawa yung dating roommate niyan e. Baka kasi ma-rape ka pa kung kay John ka sumama,” Sabay tawanan lahat at ngumarat ng pabiro rin si John.
“Lahat ba kayo mga dayo rin?” tanong ni Richard.
“Actually ako lang talagang tagalog dito e,” sagot ni Ronald. “Ako taga-Makiling lang, si Eric taga-Bulacan, si Amy sa Las Pinas, si Bob taga-Ilocos, kaya locos-locos yan e,” biro niya at tawanan muli. Mukhang ok kasama tong tropa ni Eric, isip ni Richard.
“Laro tayo mamaya?” alok ni Amy.
“Oo ba, pre nagba-badminton ka ba?” tanong ni Bob.
“Minsan, pag sinisipag,” Sagot ni Richard na pasimple pa ring nakatingin kay Amy.
Si Amy ay isang cute na Sr. Engineer. Cute hindi dahil maliit siya, pero dahil maliit yung mukha niya, parang si Winona Ryder. Maputi rin ang complexion nito, hindi maintindihan kung magkahalong tisay at tsinita. Around 5’3” ang taas ang may pagka-athletic ang body. Bagay na bagay ang “Demi Moore in Ghost” hairdo niya, yung nauso nung kasikatan nung movie nila ni Patrick Swayze.
“Mahilig ka sa sports ma’am?” tanong niya kay Amy.
“Konti…hehehe,” Sabay ngiti.
“Konti, e varsity nga to sa volleyball sa school namin e, tapos ngayon baliw na baliw sa badminton, tapos founder pa ng mountaineering society dito sa company. Aktibo nga to e, duda ko minsan tumitira ng shabu to e, dadalwang isip tuloy ako kung bakit ko pa nakuhang ninang ng panganay ko!” hirit ni Ronald sabay hampas sa balikat ni Amy.
“Kaw pare, pamilyado ka na?” tanong ni Ronald.
“A, hindi pa, pero gusto ko na nga e,” sagot ni Richard.
Napansin niyang napangiti si Amy then humirit, “First time yun a, a man looking for commitment,”
Kiligan lahat ng nakaupo “UUUUUYYYYY!” na parang mga bata.