A person can only be written in the Sex Note once as a target. Lust effect won’t work the second time a person’s name is written as a target. But if the lust effect expires and no intercourse happened between a target and the recipient, their names will be automatically erased from the notebook 24 hours after the expiration. And they can then be written again.
======
Lalong nanlaki ang mga mata ni Gerald sa narinig.
Natulala sya at walang salitang namutawi sa kanyang bibig.
Ibinaba ng nagpakilalang Ralph ang kanyang kamay na di inabot ni Gerald at nilingon na lang ang alalay nya.
“Magbantay ka lang muna dyan sa labas.” Utos nya.
“Pero Boss, baka bumalik yung kung ano man yon.”
“Hindi yun basta-basta makakabalik.”
Walang nagawa si Bogart kundi tumango.
Pumasok na si Ralph sa apartment at isinara ang pinto.
Tumuloy ito sa sofa at naupo.
“Alam kong naguguluhan ka. Alam kong marami kang katanungan ngayon. I will explain everything.” Sabi nya kay Gerald.
Tinitigan lang sya ni Gerald.
Tama ito. Napakaraming tanong na naglalaro sa isipan nya ngayon.
Mukhang wala naman itong balak na gawan sya ng masama. Kaya naglakad sya palapit dito at naupo sa isa pang sofa.
“Now let us begin. Like what I have said earlier, ako si Ralph Solomon. And I am the real owner of the Sex Note which I know is currently in your possession.”
Wala pa ring mahanap na salitang sasabihin si Gerald. Biglang bigla sya sa mga pangyayari.
“Pamilyar ka ba sa kwento ni King Solomon?”
Napakunot lang ng noo si Gerald.
“Si King Solomon na anak ni King David. Ang pinakamatalinong haring nabuhay at ang…”
“Oo. Kilala ko sya.” Pagputol ni Gerald sa lalaki.
“Good. So pamilyar ka ba sa kwento nya? Particularly with the demons.” Tanong ni Ralph.
Saglit na nag-isip si Gerald bago umiling.
“So that’s where I’ll start.” Sumandal si Ralph sa sofa bago magsimula.
“Aside from great wisdom, binigyan din ng Diyos si Solomon ng isang singsing thru Archangel Michael. This ring had the power to command the demons. Magiging alipin ng taong nagmamay-ari ng singsing na iyon ang kahit na sinong demonyong matatatakan nito. At isa sa mga demonyo na naging alipin ni King Solomon ay si…” .
“Asmodeus!” Putol muli ni Gerald kay Ralph.
“You guessed it right! Ginamit ni King Solomon ang mga demonyong alipin nya para maitayo ang Temple of Solomon. I am assuming you’re familiar with it.”
Tumango si Gerald.
“Pero bukod doon, lingid sa kaalaman ng lahat and it’s not even listed in any writings or scriptures, ay ginamit din ni King Solomon ang mga demonyo for his personal agendas. He used them to destroy his enemies, conquer their kingdoms, find and take their wealth, subdue their people and many other things.”
“Teka. Kilala si Solomon as a man of God. Kung ginawa nya talaga yang mga sinasabi mo, hindi dapat sya kinampihan ng Diyos.” Kontra ni Gerald.
“Pero yung mga kalaban ni Solomon that time ay may mga ibang Diyos na sinasamba. So they were also enemies of God. You probably know how jealous God is. And you probably know what he did with His enemies back then.” Sagot ni Ralph.
Muli ay natahimik si Gerald.
“King Solomon would have been the perfect man of God if not only for his one mistake.” Patuloy ni Ralph.
“He wanted to change the world. He wanted to end the all conflicts and war. He wanted everyone to love one another. And he wants every person in the world to worship only one god. And he can only do that kung lahat ay sasang-ayon at susunod sa kanya. Starting with every leader in every country. And with all the power and wisdom he had, he thought of a thing that would help him achieve that dream.”
Tiningnan nya si Gerald sa mga mata.
“Can you guess what that thing was?” Tanong nito sa binata.
“Sex Note…” Mahinang usal ni Gerald.
“You got it right again.” Nakangiting sabi ni Ralph.
“Pero sa totoo lang ay hindi naman talaga Sex Note ang gustong ipagawa ni King Solomon. It was originally called The Book of Peace. In their language of course.
Gusto ni Solomon na magustuhan sya ng lahat. He wanted every leader to be obedient to him and help in achieving his dream of a peaceful world. Mabuti ang layunin nya. Ang pagkakamali nya lang ay sa demonyo sya lumapit.”
Tumayo si Ralph at sumilip sa labas ng bintana.
“Sa lahat ng demonyo, si Asmodeus ang pinakatuso. Sa kanya pinakanahirapan si King Solomon. At kahit naging alipin na sya nito ay madalas pa rin itong sumuway sa mga ipinagagawa nya dito.
When Solomon asked him for help, the demon suggested a special book na magpapasunod sa lahat ng taong maisusulat dito ang pangalan. Solomon thought it was a good idea. Naisip nya na halos kapareho lang ito ng kapangyarihan ng singsing nya. Ang pagkakaiba lang ay sa tao ito gagana at di nya na kakailanganin pang tatakan ang mga gusto nyang pasunurin. All he had to do was write their names.
The King agreed and Asmodeus saw a way to set himself free.”
Binuksan ni Ralph ang bintana at hinawi ang kurtina para papasukin ang preskong hangin.
“He didn’t mention that the book will have another effect on the person whose name will be written on it.
Bukod kasi sa pagiging masunurin ay makakaramdam din ito ng matinding kalibugan sa taong nagsulat ng pangalan dito. At nang matuklasan ito ni Solomon ay doon na nagsimula ang pagkalulong nito sa tawag ng laman. Sa bawat lugar na puntahan nya ay nagkakaroon sya ng asawa. Lahat ng babaeng matipuhan nya ay nakukuha nya at nalululong sa kanya.” Pagpapatuloy nya.
Muling bumalik sa sofa si Ralph at naupo.
“But what he didn’t know was Asmodeus tore a page from the Notebook. Ibinigay nya yung page na yun sa isang babaeng sumasamba sa ibang diyos. Inutusan nya ang babaeng isulat ang pangalan ng hari sa papel na iyon. At nang masilayan sya ng hari ay agad tumalab ang bisa nito. Asmodeus conspired with that woman.”
“May nabasa ako about the downfall of Solomon. Nahumaling sya sa isang babae at inutusan sya nito na mag-alay sa ibang diyos.” Si Gerald.
“Correct!…