Sex Note 6

Sex Note Guide #4:

Once the lust effect wears off, the target will lose all memories of what happened during the entire time he/she was under it.

======

Hindi halos nakatulog si Mary nang gabing iyon. Di nya maintindihan ang sarili. Di nya maalis sa isip nya si Gerald at kasabay non ay ang pag-iinit ng katawan nya na mas lalo pa nyang ipinagtaka.
Ilang ulit nyang pinigilan na magsarili at magparaos dahil alam nyang maling pagpantasyahan nya ang lalaking halos itunuring na rin nilang kapamilya. At iyon ang pumuyat sa kanya.

===

Samantala sa Impyerno…

Kasalukuyang nakatambay si Asmodeus sa kanyang trono sa impyerno. Pinapanood ang mga kawawang kaluluwang nalugmok sa kalibugan noong sila’y nabubuhay pa.

Ang parusa nila ay walang katapusang pakikipagtalik sa isa’t-isa. Di sila pwedeng huminto kahit isang segundo dahil ang kaparusahan ay isandaang hagupit ng latigo sa bawat isang segundong paghinto.

Tila hindi parusa ang pakikipagtalik sa unang tingin ngunit makalipas lamang ang isa o dalawang oras sa parusang ito ay hihilingin mo nang ikaw ay mamatay. Ngunit di iyon mangyayari.
Mararamdaman mo lang lahat ng sakit at pagod ngunit kahit gaano pa kalala iyon ay hinding-hindi ka kukunin ni Kamatayan.

“Oy, Asmo!” Isang dumadagundong na tinig ang gumambala kay Asmodeus. Nilingon nya ang pinanggalingan nito.

“O, bakit andito ka? Gutom ka nanaman? Bawal mo kainin mga alaga ko dito.” Salubong ni Asmodeus sa bwisita.

“Di ako makikikain. Nangangamusta lang. Anong balita?” Sagot ng panauhin.
Sya si Beelzebub. Ang isa pang demonyong prinsipe ng Impyerno. Ang prinsipe ng gluttony o katakawan.

“Anong balita? Ayun, bumalik na ulit si AdobongLamok.” Si Asmo.

“Oo nabalitaan ko nga. Buti nga isinali nya ko dito eh…” Si Beelzebub ulit.

“Saka panalo din BREN kagabi sa M2…” Si Asmo.

“Napanood ko din yun. Pinakaba nga ako eh. Pero bukod pa dun alam ko may ginagawa ka nanaman kalokohan dun sa lupa.” Si Beelzebub.

“Sinong nagtsismis sayo nyan?”

“Si Belphegor.”

“Kingina ka! Amin agad! Di mo man lang itinago yung source mo. Nyahahaha”

“Syempre! Demonyo ako eh! Bwahaha! Saka ginagawa mo daw basurahan yung lugar nya eh. Kaya ipinagkalat nya na sa lahat yung ginagawa mo dun.”

Nyahahah! Basurahan naman talaga yung lugar nung dugyot na yun eh. Nyahahaha!”

“Teka, may naaamoy ako…” Si Belphegor ulit.

“Ano nanaman naaamoy mo?” Si Asmo.

“Amoy masarap.”

“Pekpek lang naaamoy mo. Andaming nagkakantutan dito eh.”

“Gago! Di yun! Amoy masarap na pagkain.”

“Guni-guni mo lang yun. Lumayas ka na!”

“Hindi. Meron talagang masarap eh.”

“Wala nga. Umalis ka na! Istorbo ka dito eh.”

Bigla syang hinatak ni Beelzebub kaya’t napaalis sya sa kanyang trono. At doon ay nakita ng masibang demonyo ang isang balot ng Choc-Nut.

“Sabi ko na eh!” Si Beelzebub sabay hablot ng pagkain sa trono ni Asmo. Pagkakuha ay parang bula itong naglaho.

Nanlaki ang mga mata ni Asmodeus sabay sigaw.

“TANGINA MO BEELZEBUUUUUUUB!!!”

===

Higit isang linggo rin ang nakalipas nang makatanggap ng tawag si Gerald mula kay Mrs. Reyes. Ang tenant nyang may-ari ng water station.
Sinabi nitong bumalik daw doon ang empleyado ng munisipyo na nangingikil at tinatanong kung sino ang nagsuplong sa kanya sa munisipyo. Natanggal daw ito sa trabaho at nakatakda na rin kasuhan.
Nagbanta din daw ito at sinabing ang kumpare nya ay hepe ng mga pulis.
Sinabi daw nito na mag-ingat sila dahil di nila kilala ang binangga nila.

Halatang takot na takot si Mrs. Reyes sa nangyari. Ang asawa nito ay isang engineer at kasalukuyang nakadestino sa malayo. Hindi nya alam kung ipapaalam ba nya sa asawa ang nangyari. Ayaw nyang mag-alala ito kaya’t kay Gerald nya na lang muna ito sinabi.

Sinubukan naman syang pakalmahin ni Gerald. Sinabing huwag nang mag-alala dahil sya na ang bahala. Pero ang totoo ay di nya rin alam ang gagawin. Kung totoo nga na may kapit ang taong iyon ay baka mas lumala pa ang sitwasyon sakaling magsumbong sya sa mga pulis. Isa pa ay wala silang patunay na nagbanta nga ito.

“Asmo, anjan ka ba?” Tawag nya sa kaibigan.

Lumingon-lingon sya sa paligid pero walang demonyong sumusulpot.

“Asmo?” Tawag nya ulit.

“Gusto mo ng Choc-Nut? Ibibili kita…”

Pero di pa rin sumusulpot ang demonyo.

Ngayon nya lang naalalang ilang araw nya na nga pala itong di nakikita. Ano nanaman kayang pinagkakaabalahan nun?

Tinungo nya ang drawer kung saan sya nag-iiwan ng pera. Wala na iyong laman.
Simula kasi nung nalaman nyang nahihilig ang demonyo sa Choc-Nut ay nagtatabi na sya ng pera doon para di na nito pinapakelaman yung alkansya nya.

=

Nang gabing iyon ay di naman mapakali si Mary sa kanyang higaan. Alas-dos na ng madaling-araw pero di pa din sya dinadalaw ng antok. Hindi naman mainit pero pinagpapawisan sya.

Bumangon sya at nagtungo ng kusina. Binuksan ang ref at kinuha ang pitsel ng malamig na tubig. Di na sya gumamit ng baso. Inalis nya lang ang takip nito at tinungga.
Halos napangalahati nya ang laman ng pitsel bago ito ibinalik sa ref.
Isasara na sana nya ang pinto nito nang may masulyapan sya sa loob nito. Sa pinakailalim na lagayan ng mga gulay. Pipino, talong sitaw, kalabasa, okra at ampalaya.
Napakagat sya ng labi dahil muling nag init ang pakiramdam nya. Saglit syang nag-isip bago binuksan ang drawer ng mga gulay. Dinampot ang talong at hinimas. Pinakiramdaman. Isinunod ang pipino at ampalaya.

Napabuntong-hininga syang ibinalik ang mga ito sa ref at isinara na ang pinto. Bumalik na sa kanyang silid at pinilit na lang ang sarili na makatulog.

Kinabukasan ay mag-aalas dose nang nagising ang dalaga.

“O, tinanghali ka ng gising ngayon ah.” Bungad ni Aling Nancy sa dalaga.

“Oo nga, Ma. Napasarap po yung tulog.” Sagot ni Mary.

“Ayos lang yan. Wala ka naman pasok ngayon kaya dapat nagpapahinga ka talaga.”

“May lakad po kayo?” Tanong ni Mary nang mapansing nakapang-alis ito.

“Oo. Pupunta akong Divisoria para makapamili ng tela. May pagawa kasi sakin. Ikaw na muna bahala dito. May pagkain na dyan. Ako’y aalis na.”

“Sige po, Ma. Ingat po kayo.”

Dahil di nakapag-almusal ay tinungo agad ni Mary ang kusina at sinilip ang ulam.
Pakbet at pritong isda.

=

Alas-tres na ng hapon pero di pa rin bumabalik ang ina ni Mary kaya’t tinawagan nya ito.

“Hello, Ma.” Si Mary.

“O, bakit napatawag ka?” Si Aling Nancy.

“Di pa kasi kayo umuuwi. Madami ba kayong pinamili? Baka kailangan nyo ng katulong magbitbit.”

“Naku, hindi na. Kaya ko to. Andito ako sa Tita Susan mo ngayon. Nagkita kami sa Divisoria kanina kaya dumaan muna ako sa kanila. Baka gabihin na ako kaya ikaw na muna ang bahala jan.”

“Ah, ganun po ba? Sige po. Mag-iingat po kayo.”

Wala na syang maisip gawin. Nakapaglinis na sya ng bahay at nababagot. Kaya’t naisipan nyang mag-Netflix na lang para magpalipas ng oras. Kaya lang ay naalala nyang nag-expire na nga pala yung subscription nya. Kaya kailangan nyang kargahan yung Paymaya account nya.

=

Sa 7-11…

“Hi Sir Rald!” Bati ni Kim sa binatang kakapasok pa lang ng store.

“Hi Kim!” Balik namang bati ng binata at direchong naglakad sa pwesto ng mga snacks.
Doon ay nakita nya si Jenna.

“Hi Jenna!” Bati dito ng binata.

“Hi din Sir!” Si Jenna na kasalukuyang nag-aayos ng mga snacks sa estante.

“Oo. Hehe. Walang magawa eh kaya manonood na lang ako.”

“Buti ka pa panood-nood na lang.” Biro ng dalaga.

“Actually buong linggo akong busy kasi madaming pumasok na trabaho. Ngayon lang makakapagrelax.”

“Ay, ganun ba? Sige Sir, enjoy.”

Naglakad si Gerald papasok ng aisle. Tumingin-tingin ng chichiryang pwedeng meryendahin habang nanonood. Kasalukuyan namang nakatuwad si Jenna dahil inaayos nito ang mga chichirya sa may gitnang estante. Di maiwasang sipatin ng binata ang malaman at matambok nitong pwet. Nakaramdam ng init ng katawan ang binata at unti-unting nagising ang alaga nito sa loob ng suot na basketball shorts.

“Hi Mam! Good afternoon po! Welcome to seven eleven!” Ang malakas na bati ni Kim na gumambala sa pamboboso ni Gerald.

Agad namang napalingon ang binata sa gawing pinto ng store at nakita kung sino ang bagong pasok.

“Uy, Mary! Kamusta?” Bati nya dito.

“Kuya! Ayos lang naman. Magpapaload lang ako. Ikaw?” Si Mary.

“Eto, bumibili lang snacks.” Sagot ng binata.

“Makabili nga rin ng snacks.”
Naglakad si Mary sa estanteng kinaroroonan nila Jenna at Gerald.

“Good afternoon po Mam!” Bati ni Jenna kay Mary.

“Good afternoon din.” Nakangiting balik ng dalaga.

Sa eksaktong likuran ng nakatuwad pa ring si Jenna namili ng chichirya…