Tahimik na nagkukumpulan ang anim na demonyo at si Gerald sa abandonadong warehouse.
Napasarap ang kwentuhan nila kaya ni hindi man lang nila namalayan na gumabi na pala.
“So ayun na nga. Kagaya nga nung sinabi ko nung last chapter ay…”
KLANG!
Isang malakas na tunog ang pumutol sa pagkukuwento ni Asmo.
KREEEEEEEKKKK
Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa direksyon ng malaking pintong bakal ng warehouse na unti-unting bumubukas.
At nang tuluyan na itong bumukas ay may tatlong pigura silang naaninag.
Dahil liwanag lang ng buwan na pumapasok mula sa mataas na bintana ang nagsisilbing ilaw sa warehouse at sa labas naman ay maliwanag, tanging mga silhouette lamang ng mga pigura ang naaaninag nila.
At para mas dramatic ay biglang nagtago ang buwan sa likod ng makapal na ulap kaya’t lalo nilang di makita ang mga mukha ng panauhin.
Binuksan saglit ni AdobongLamok ang browser nya para i-check kung tama nga ba ang spelling nya ng silhouette. At nang makatiyak na tama ito ay bumalik na sya para ituloy ang kuwento.
“Sino yan?” Tanong ni Lucifer.
“Patatawarin!” Agad na sabi ni Leviathan.
WAPAK!
Isang malakas na batok nanaman ang ibinigay ni Satan kay Leviathan.
“Anong patatawarin? Eh di pa nga sila kumakanta!” Singhal nito.
“Ikaw kingina mo ka ha! Namimihasa ka nang hinayupak ka!” Reklamo ni Leviathan.
“Bakit? May angal?” Si Satan.
“Wala! Sinabi ko lang namimihasa ka. Bawal na ba yun?” Biglang kambyo ni Leviathan.
Nakarinig sila ng mga yabag ng sapatos. Naglalakad na ang tatlo papasok.
Ang unang pumasok sa isip nila ay nasundan sila nila Ralph. Pero nang maaninag nilang mabuti ang mga pigura ay mukhang di naman. Dahil maliit masyado ang bulas ng nasa gitna para maging si Ralph. At tila hugis babae.
“Sinabi ko na nga ba. Tama ang tip na may kakaiba nga sa lugar na ito. May mga nagtipon-tipon palang mga demonyo.”
Sa pigurang nasa gitna nagmula ang tinig. At nakumpirma nila na babae nga ito.
“Anong nangyari sa inyo? Napalayas din ba kayo sa impiyerno?” Tanong ng babae.
Tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad. Di man lang nabagabag na mga demonyo ang nilalapitan nila.
“Sino ka ba kayo?” Muling tanong ni Lucifer.
Huminto sa paglalakad ang tatlo.
At para dramatic ulit ay sya namang paglitaw ng buwan mula sa likod ng ulap. Ang liwanag nito ay tumama sa mga mukha ng mga nasa harapan nila ngayon.
“Ako si Alexandra. Alexandra Trese. At ako ay isang babaylang mandirigma ng lugar na ito.” Pagpapakilala ng babae.
“Sila naman ang mga kasama ko. Sina Crispin at Basilio.”
“Babaylang mandirigma? Trese? Narinig ko na ang mga yan. Anong kailangan mo samin? Paano mo nalaman na nandito kami?” Muling tanong ni Lucifer.
“Hindi na mahalaga kung paano ko nalamang nandito kayo. At ako ang dapat na magtanong sa inyo kung anong ginagawa nyo dito.” Matapang na sagot ni Alexandra.
“At ano naman sayo kung nandito kami? Di ka ba natatakot samin? Alam ko na hindi ordinaryong mga tao yang kasama mo pero wala pa rin kayong laban sa aming anim!” Banta ni Lucifer.
“Base sa itsura mo ay ikaw ang demonyong si Lucifer. Dating anghel na itinapon sa lupa. Wag kang hangal! Alam ko na di kayo maaaring pumatay ng tao!”
“Kyahahahah! Matapang kang babae. At marami ka rin nalalaman.” Si Lucifer.
“Sabihin nyo na kung anong pakay nyo dito. Ako ang bantay ng lugar na ito. Ang tagapagpanatili ng kaayusan. Kaya kung binabalak nyong maghasik ng lagim dito ay ako rin ang una nyong makakalaban.”
“Wag kang mag-alala. Wala kaming balak na gawing di maganda dito. Sinasamahan lang namin ang kaibigan namin… Gerald, magpakilala ka sa bisita natin.” Tawag ni Lucifer.
Agad lumapit si Gerald at nagpakilala.
“Ako nga pala si Gerald. Pasensya na kung nakaabala kami sa inyo. Wala kaming balak na masama.” Pakilala ng binata.
“Isa kang tao! Bakit kasama mo ang mga demonyong ito?” Halatang nagulat si Alexandra.
“Ah, eh… Mahabang kwento eh. Pero totoong wala kaming balak na gawing masama dito. Nagtatago lang kami kasi may huma-hunting sakin.” Paliwanag ni Gerald.
“At sino naman iyon? At bakit?”
“Ahm…” Tumingin si Gerald sa dalawang kasama ni Alexandra.
Naunawaan naman ng dalaga ang ibig nitong sabihin.
“Crispin, Basilio, hintayin nyo na lang ako sa sasakyan.” Sabi ng dalaga sa dalawang kasama.
“Pero bossing, di ka namin pwedeng iwanan kasama yang mga yan.” Si Crispin.
“Wag kayong mag-alala. Di ako pwedeng gawan ng masama ng mga yan. Saka kung sakali na meron man ay wala rin kayong magagawang dalawa dahil totoong wala kayong laban sa kanila.”
“Pero bossing…” Si Basilio.
“Sige na, bumalik na kayo sa sasakyan.”
Wala nang nagawa ang dalawa kundi sundin si Alexandra.
At nang mawala ang dalawa ay muli syang bumaling kay Gerald.
“Ngayon, pwede mo na bang sabihin?” Tanong ni Alexandra.
“Ganito kasi yun…” Panimula ni Gerald.
Ikinuwento ni Gerald ang mga nangyari. Pero di nito sinabing Sex Note ang kinuha sa kanya ni Ralph. Ang sinabi nya lang ay may kapangyarihan ang notebook na iyon para pasunurin ang kahit na sinong tao.
At di nya rin sinabi na mga anghel ang tumulong dito at galing ito Ralph sa angkan ni Solomon.
“So yun na nga. Kaya nagtatago kami ngayon kasi masyadong malawak ang sakop ng impluwensya ng taong yun.” Pagtatapos ni Gerald.
“Sinabi mo na hindi totoong Ralph Solomon ang pangalan nya.” Si Alexandra.
“Oo. Kahit si Asmodeus ay di alam ang totoong pangalan nya. Ganun sya kaingat at katalino.” Sagot ni Gerald.
“Alam ko na may mga itinatago ka saking mga detalye. Pero wala na akong pakelam sa kung ano mang problema nyo. Basta wag lang kayong gagawa ng gulo sa lugar ko.”
“Promise. Magpapakabait kami.” Si Gerald na itinaas pa ang isang kamay na tila nanunumpa.
“Duda ako dyan sa sinabi mo.” Sabi ni Alexandra sabay tingin sa mga demonyo.
Nagngitian naman ang mga demonyo at nagpa-cute pa.
“Bueno, nasabi mo na wala kang matutuluyan di ba? Sumama ka na lang sakin. Para mabantayan na rin kita at masiguro ko na wala nga kayong gagawing kalokohan.”
“Ha? Sasama ako sayo?” Si Gerald.
“Oo. Wag kang mag-alala. Ligtas ang bahay ko. At may ipapakilala din ako na pwedeng makatulong.”
Tumingin si Gerald sa mga kasamang demonyo.
“Teka, kung isasama mo sya ay sasama rin ako. Baka ikaw naman ang may gawing di maganda sa kaibigan namin.” Si Asmodeus.
Tiningnan sya ni Alexandra mula paa hanggang ulo.
“Walang problema. Pero baguhin mo yang anyo mo.” Sabi ng dalaga sa demonyo
=
Kasalukuyan na silang bumabyahe.
Si Crispin at Basilio sa harapan ng sasakyan habang sa likod naman ay sina Alexandra, Gerald at Asmodeus na nagkatawang tao.
“Ihinto nyo muna.” Sabi ni Alexandra.
“Yes bossing!” Sagot ni Crispin.
Huminto sila sa isang kalsada at bumaba si Alexandra.
“Gerald, sumama ka. May ipapakilala ako sayo.” Tawag ng dalaga.
Bumaba si Gerald at sumunod din si Asmo.
Naglakad sila ng ilang hakbang at huminto sa tabi ng isang punso.
“Tabi-tabi po.” Sambit ni Alexandra.
Bahagyang umuga ang lupa at ang punso ay unti-unting lumalaki. Naging sintaas ito ng isang puno at nagkaroon ng mga kamay at paa.
Nagulat si Gerald sa nasaksihan.
“Wag kang matakot. Di ka nyan aanuhin.” Sabi sa kanya ng dalaga.
Tapos ay sa mahiwagang nilalang naman sya bumaling.
“Gusto kong makita ang amo mo.”
KLANG!
May kumalampag na bakal sa likuran nila kaya naman napalingon sila dito.
“Anong kailangan mo, munting Trese?” Tanong nilalang na nagtatago sa isang manhole.
“Ano yan? Gremlin?” Tanong ni Gerald.
“Isa syang nuno. Ang pangalan nya ay Nuno… Nuno, ito naman ang kasama ko. Si Gerald…”
“Hmm… Isang tao. At isang…” Natigilan si Nuno.
“Ano yang isang kasama mong yan? Hindi sya tao. Hindi rin maligno… Tama ba ang kutob ko?”
“Isa syang demonyo.” Sagot ni Alexandra.
“Hmmm… May bago ka nanamang kaibigan! At ano naman ang maipaglilingkod ko sa inyo, munting Trese?“
“May insidente ng sunod-sunod na pagkawala ng mga bata sa Tundo. May impormasyon ka ba tungkol dun?”
“Hmm… Alam mo naman na walang nakikita o naririnig si Nuno…”
Di pa man tapos ang sasabihin ng laman-lupa ay may kinuha si Alexandra sa bulsa. Binalatan ito at ipinakita kay Nuno.
Isang ChocNut na sinaki ng isang putol ng bareta ng sabong panlaba.
Nanlaki ang mga ng maligno.
Halos malaglag naman sa lupa ang panga ni Asmodeus.
“Huwaaaaaw! Kalaking ChocNut! Akin na lang yan!” Sigaw ng demonyo.
“Teka! Akina yan! Sasabihin ko na sayo ang gusto mong malaman.” Sabi ni Nuno.
=
Pagbalik sa sasakyan ay may tinawagan si Alexandra sa telepono.
“Hello, Captain Guerrero. Walang kinalaman ang mga maligno sa pagkawala ng mga bata. Isang sindikato ng mga tao ang may kagagawan nyan. Kaya nyo na yang kasong yan. Itetext ko na lang sayo yung kuta nila… Sige.”
Pagkaputol ng tawag ay bumaling naman sya sa dalawa sa harapan.
“Umuwi na tayo.”
“Copy bossing.” Sabay na sagot ng kambal.
“Pasensya na kung walang naitulong sa inyo si Nuno. Ibig sabihin lang nun na masyadong makapangyarihan ang kinakalaban nyo.” Sabi ng dalaga kay Gerald.
“Walang problema. Malaking tulong na yung pagpapatuloy mo samin. Maraming salamat.”
=
Pagdating nila sa bahay ni Alexandra ay itinuro ng dalaga ang kwarto na pansamantalang tutuluyan ni Gerald.
“Kwarto yan ng isang kasama ko na si Hank. Nasa Siquijor sya ngayon para mag-imbestiga ng nangyayaring kababalaghan doon. Yan na muna ang gamitin mo.”
“Maraming salamat sayo. Ang bait mo talaga.”
“Nandoon naman ang kwarto ko. Kung may kailangan ka ay kumatok ka lang.”
“Bossing, lalabas lang kaming dalawa.” Paalam ng kambal.
“Saan naman kayo pupunta?” Tanong ng dalaga.
“May double date lang kami. Hehe.”
“Kayong bahala.” Naglakad na papunta ng sariling kwarto ang dalaga.
“Ikaw, mukhang mabait ka naman kaya ikaw na muna ang bahala sa bossing namin ha. Pag may nangyaring di maganda dyan, samin ka mananagot. Hehehe…” Baling nila kay Gerald.
“Ah, eh… Sige. Enjoy kayo…” Sagot ng binata.
=
Nagpapahinga na si Gerald sa kwarto. Kasama nya doon si Asmodeus na kanina pa palakad-lakad at tila balisa.
Tumalikod na lang ng higa si Gerald at pumikit para makatulog.
Huminto ang demonyo at tumingin kay Gerald na kapipikit pa lang.
“Huy!” Tawag ng demonyo.
Pero nanatiling nakapikit si Gerald.
“Huuuyyy!” Mas nilakasan pa ni Asmo ang pagtawag.
Pero di natitinag ang binata.
“Nagtutulug-tulugan ka pa ha. Teka…”
PSHIINGGG PSHIINGGG
Halos mapatalon si Gerald sa lakas ng tunog.
“Ano yun?” Tanong ny…