August 17, 2015
Hapon nun, papunta kami ng mga kaklase ko sa susunod naming klase. It was the first semester kung saan applied na ang calendar shift. It was the first semester after 4 long months of school vacation.
I was on my 2nd year taking up Business Administration.
Nakarating kami sa building ng College of Engineering kung saan may isang minor Math subject kaming doon sa building gaganapin ang klase.
Normal sa mga unang week ng klase ang hindi agad alam kung saan ang rooms. Lalo pa at hindi namam namin building iyon.
Kaya nag tanong-tanong ang mga kasamahan ko sa mga estudyanteng nakatambay sa may hagdan sa gilid ng building.
“Excuse me mga boys! Pwede bang magtanong kung san banda tong building na to?”
Pinakita namam agad ni Jackson a.k.a Jackie na kaibigan naming bakla ang papel kung saan nakalagay ang schedule at building kung saan kami magkaklase dapat nung araw na iyon.
“Ah sa may likurang bahagi to ng building namin. Freshmen ba kayo?”
Tanong ng isang lalaki galing sa grupo nila
“Nako hindi. Sophomore na kami pero first time naming may subject dito sa building nyo.” Si Jackie
“Oh I see.”
Napalingon naman sa mga kasama niya nang maramdaman kong parang may mga matang nakatingin sakin.
And that was the very first time na nakita ko siya. I can still remember the way he dressed that time.
He was wearing a blue and white stripes shirt. Nakapantalon at may suot na relos kasama ang isang loombands na usong-uso pa nung time na yun.
Ni hindi man lang siya umiwas ng tingin nang mahuli ko siyang tumitingin sa direksyon ko. Ewan ko pero bigla akong na conscious kaya I looked away from his stare.
Hindi ko na namalayang tinatawag na pala ako nila Jackie at iba namng kasama dahil nga pupunta na kami sa buulding kung saan ang math subject namin.
“Oy dzai, halika na male-late na tayo neto eh.”
Nagpatianod nalang ako nang hilahin na ako ni Jera paalis sa lugar.
Pero bago kami tuluyang makalayo sumulyap pa ako sa likuran namin para tinginan kung nakatitig pa ba ang lalaking iyon sa akin.
Nagulat nalang ako nang nakasunod pala ang grupo nila sa paglalakad sa amon pero may kalayuan ang distansya ng aming grupo sa isat-isa.
Natapos ang araw namin na pare-pareho kaming nakatambay sa cafeteria ng university namin para magpahinga bago sabay-sabay na pumunta sa terminal ng jeep kung saan kami sasakay papunta sa kanya kanya naming dakayan papauwi sa mga bahay namin.
“In fairness…” may kalakasang boses ni Jackie “Hindi masyadong nalaspag ang beauty ko today ha. Di tulad kahapon ang lalayo ng mga classrooms natin from one subject to another mga besh.”
“Sus para namang ayaw mo yung rumarampa ka sa harap ng mga lalaki pag naglalakad tayo.” tukso ni Jera kay Jackie
“Oo nga saka, kahapon nga lang diba may mga bago ka nang parokyano.” Gatong ko
“Well, di ko naman sila masisisi.” Sabat ni Jackie
Pareho kaming napatawa ni Jera dahil sa pagfi-feeling netong si Jackie.
Maya-maya ay may isang grupo ng estudyante na pumasok sa cafeteria kaya mas lalong umingay ang lugar.
Tuloy lang kami sa pagkekwentuhan pero nang umangat ako ng tingin sumentro naman ang titig ko sa mga natang nakatitig din pabalik sakin.
Di ko man lang nagawang iiwas ang agad ang tingin ko sa gulat ko na sila pala yung mga lalaking napag tanungan namin kanina na puro mga Engineering major.
Muli, iniwas ko ang tingin ko pero nagulat naman ako nang marinig ko ang nanunuyang tinig mula sa table nila.
“Alriiight!! Mukhang may is sa’ting tukuyang tinamaan!”
At sinundan ito ng kantyawan nila. Napatingon maman kami sa table nila.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Saka napansin kong wala naman silang inorder talaga at nagkantyawan lang buong panahong nandoon ang grupo ng mga kalalakihang iyon.
Bago pa tuluyang magdilim ay umalis na kami sa cafeteria at naglakad papunta sa terminal ng jeep na nasa loob lang rin ng campus namin. Ito ang pangunahing sinasakyan papunta sa centro ng syudad kung nasaan ang mga sakayan.
“Hay nako pumo nanaman!”
Sabi ni Jera nang maunahan nanaman kami ng kumpulan ng mga estudyanteng nag aagawan pasakay sa isang jeep.
“Hayaan mo na, hintay nalang ulit tayo. Mabilis lang naman yang mapuno eh.” Sabi ni Jackie
“Saka malapit lang rin naman ang babaan mo. Kami nga ni Jackie malayo-layo pa eh.”
Yun nga ang ginawa namin. Makalipas ang ilang minuto may iba pang mga estudyanteng dumating para maghintay ng masasakyan na jeep.
At sa pangatlong pagkakataon nung araw na iyon, nagtagpo nanaman kami ng grupong iyon.
Nagulat ako nang magsalita si Jackie.
“Uy, kayo pala yan. Salamat ulit sa pagtulong samin kanina ha.”
“You’re welcome sa inyo.” Sagot ng isa sa kanila
“Stephie, halika dito wag ka diyan nako mamaya mabangga ka ng mga dumadaan.” Hinila ako ni Jera
Hindi ko na kasi namalayang nasa mga bandang likuran na pala nila ako kakausog para hindi ako matamaan ng usok mula sa jeep.
“Nako ano ba itong baby namin. Masyadong alagain.” inirapan ko ang panunukso ni Jackie
“Ang usok kasi diyan eh. Ang sakit kaya sa ilong.” Sabat ko
“Ay nako, pauwi naman na ano ngayon kung maalikabukan pa tayo lalo.” Sabi ni Jackie
“Huy gurl, wag mo itulad itong baby girl natin sayo ha. Alam mo naman to bawal maalikabukan ang porselanang kutis.” Dagdag tukso ni Jera
“Hoy, mga baliw kayo diyan ewan ko sa inyo.” Mahina kong saway na tinawanan lang nila
“Dito ka nalang daw sa tabi ng kasama namin.”
Tatlo kami ng mga kaibigan kong sabay na napalingon sa pinaggalingan ng boses. At galing iyon sa mga kalalakihang napagtanungan namin kanina. Malakas na kantyawan nanamn ang sumunod.
Kita ko na.an agad ang gulat pero natatawang ekspresyon sa mukha nina Jera at Jackie.
“Ay iba, nakabingwit ka ata agad Stephie.” Sambit ni Jackie
Isang iling lang ang sagot ko at hinfi na pinansin ang mga lalaking todo kantyaw sa akin.
Sa wakas ay may bakanteng jeep na dumating. Agad kaming nakasakay.
Mahaba-haba ang byahe namin na umaabot ng kalahating oras para marating ang babaan namin. Mga 10 minuto naman ang distansya ng babaan ni Jackie mula sa babaan ko kaya naun na siyang bumaba.
Napasandal ako sa upuan n…