Naalala ko pa nun. Kaputukan ng Aldub kaya usong uso rin ang term na ‘pabebe’ Uso rin ang Com De Garcon designed shirts and stuff.
Looking back, simple lang talaga noon. Andyan ang social media pero hindi ganoon ka toxic.
May mga pagkakataong pag bumibili kami ng snacks sa may bandang building nila, nakikita ko siya. Pasimple kaming tumititig ni Kean sa isat-isa. Laging ako na ang umiiwas ng tingin kasi nahihiya ako na maging mga kabarkada niya ay nakatingin lang rin sakin at parang binabantayan yung kilos ko.
Nakaka conscious yung ganoon.
Pag naman nakakasalubong ko ang isa sa mga kabarakada niya nahihiya rin akong mamansin sa kanila. Pero pasimple naman silang kumakaway sakin na binabalik ko rin.
Sa mga sumunod na araw, naging ganoon na ang ginagawa namin ni Kean tuwing Friday. Hihintayin niya ako sa building namin hanggang matapos ang klase ko.
Sabay kaming pupunta sa cafeteria para sabay na mag miryenda at magkwentuhan bago pumunta sa sakayan ng jeep sa loob ng university namin.
“Bumaba ka nalang kasi mamaya sa babaan mo. May mga kasama naman ako lagi sa loob ng jeep hanggang sa babaan.”
“Eh pano kung mamaya mag-isa ka lang? Baka mamaya niyan may biglang sumakay na mga loko tas pag tripan ka pa.”
“Eto naman ikaw lang gumagawa ng kwento diyan na ikapapahamak ko kuno eh.”
“Ah basta tuwing Friday or maging Thursday ganyan ang routine natin. Saka diba nga weekend na yan di tayo magkikita ng ilang araw. Pag Monday naman saglitan lang rin kasi madalas nagkaklase kayo agad.”
“O sige na di ako makikipagtalo sa gusto mo. Saka alam mo naman ang schedule nyong 3rd Year EE students diba, laging nagbabangga sa sched rin namin.”
“Steph,” mahinahon niyang tawag “Paano pag… tinanong kita kung pwede ba akong manligaw, okay lang ba? Or it will make you feel awkward? Kasi if it does then maybe I can push that aside first.”
Hindi na agad ako nakapagsalita at tumingin nalang sa pagkain ko muna.
“Bakit mo ba kasi gusto manligaw eh pwede namang friends nalang muna tayo.”
“Syempre iba parin yung maging tayo na. Alam mo naman na yun diba? Saka ilang beses na akong nagpaparinig din naman sayo tungkol diyan pag magkasama tayong dalawa.” Inikot-ikot niya ang straw na parang naghahalo ng juice sa baso niya
Ilang segundo bago ako ulit nakapagsalita.
“O sige kung yan ang gusto mo gawin. Pero ayoko na baka mamaya gusto mo laging tayo nalang magkasama. Dapat mga kabarkada parin natin mas madalas nating kasama.”
“Oo naman. Alam ko naman yun eh. Saka busy rin kami sa mga group projects kaya lagi talaga kaming magkakasama. Pero pag Fridays dapat magkasama talaga tayo ng matagal kasi eto lang naman ang time na nakakapag usap tayo ng matagal.”
“Okay sige payag ako.”
“Walang bawian?” Tanong niya
“Wala.” Payak kong sagot
Ngiti lang ang sinagot niya. Kumilos siya at napansin kong hinubad niya ang isang loomband na suot-suot nya mula pa man nung unang beses ko siyang makita.
“Here.” Marahan niyang isinuot sa aking pala-pulsuhan ang bagay na iyon “I don’t know if you’ll like it but I know uso to ngayon and even the previous year or semester. I just want to give you something. For now, eto na muna.”
Napangiti ako.
“Thank you. Ikaw may gawa?” Tanong ko habang nakatingin sa loomband
“Hmm, nope Enzo just made me buy that. Marami kasi kaming nadaanang nagbebenta ng ganyan nung nag field trip kami.”
(Enzo is one of the real names ng mga kabarakda nya. If by chance you’re here sa fss, hello sayo Enzo. Ikaw yung laging sumisigaw ng Alright! tuwing magkakasalubong ang mga barkada natin lalo na sa school gym. It was your way to tease me and Kean back on the days. Ikaw raw ang Ryan Rems nga barkada nyo eh haha)
“But it’s nice.” Timitig ako sa kanya
“You like it?” Agad akong tumango “You’re welcome, baby.”
“Sus baby diyan.” He laughed
“Eh sa yun ang tawag sayo ng mga kabarkada mo nung unang araw tayong nagkita diba? Sa may sakayan ng jeep.”
I then remembered that time. Nung umayaw ako sa sobrang usok galing sa tambutso ng jeep.
“Ahh that time. Sila kasi eh inaasar lang ako nun.”
“Well but that’s you, baby.” Hinaplos nya ang buhok ko na nagpa init sa pisngi ko
Tulad ng sinabi niya nanligaw nga si Kean sa akin. At halos araw araw akong laging dinadaanan sa mga klase ko sakaling magkalapit lang ang building namin o nasa iisang building ang klase namin.
May isang classroom kami noon na nasira ang kisame kaya kailangan naming lumipat ng classroom. At dahil wala nang ibang vacant rooms, wala rin kaming choice kundi doon nalang magklase sa Office of Student Affairs.
Kung tutuusin hindi mo rin talaga siya matatawag na office kung saan kami nagkaklase. Kasi parang ginawa nalang rin siyang room nung nag confirm na ang professor namin na doon na kami magkaklase hanggang matapos ang semester.
Bale open space siya. Parang pagkapasok mo sa building kayo agad na mga nagkaklase ang bubungaran ng kung sino man ang papasok na student doon.
Meron namang ibang rooms pero occupied na dahil ata yun sa mga senior high that time kasi hindi pa naipatatayo ang building nila.
Ang dean ng College of Engineering, na college nina Kean ay isa sa mga may opisina rin sa Office of Student Affairs kaya madalas rin silang napapadaan doon para sa kung ewan ko kung ano.
Ilang beses ring nangyari na padaan-daan ang barkada nila sa gilid namin habang nagkaklase kami. So you can only imagine gaano ka open ang area kung saan kami nagkaklase. Dinadaan-daanan lang talaga kami kaya dapat marunong kang mag concentrate lalo na pag exams.
Sa tuwing dumadaan sila, hindi ko rin talaga maiwasan na mapatingin sa kanila. Lalo na at students rin sila ng professor ko sa minor subject na ito kaya binabati rin talaga nila ang prof kapag dumadaan sila. May times pa ngang magkekwentuhan pa talaga sila saglit.
At sa lahat ng times na yun, lagi kaming nagkakatinginan ni Kean. Alam nyo yung parang nag-uusap kayo pero sa mata lang?
Tapos minsan, kapag nagkakakwentuhan ang grupo nila at ang prof namin, dun siya pupwesto sa may malapit sa bintana kung san ako banda naka-upo at mag-uusap kami na puro lang sensyasan.
Magtatanong sya kung kumain na ba daw ako. Sasagutin ko naman siya ng iling or tango. Minsan habang nag eexam kami, dadaan sila at pasimple nya akong ichi-cheer.
Isang beses, habang nagkaklase kami sa building nila bigla akong napalabas mula sa room namin.
“Ba’t ka andito eh diba may klase ka pa?”
Pabulong kong tanong nang makita kong padaan-daan siya sa classroom namin habang nagdi-discuss ang professor namin sa isang math subject
“Ha? Eh wala lang.”
Nakangiti niya pang sabi at kumaway pa kay Jackie nang masulyapan nya eto
“Oy Kean tumigil ka diyan may klase ka rin ng gantong oras diba? Ba’t ka nandito sa labas?”
“Well, it’s because I miss you already.” Hinaplos nya ang buhok ko “Hindi kasi kita inabutan sa caferteria kaninang lunch.”…