SUGO (Kabanata VI)

***Happy Long Weekend guys! Medyo matatagalan pa ako mag post sa susunod na kabanata dahil may bakasyon kami. Kaya abang2 lang muna kayo. Salamat ulit sa nag follow at nag friend request sa akin.***

Title: SUGO

Author: Celester


Genre: Fantasy, Horror, Action, Adventure, Comedy, Drama, Erotic

KABANATA VI: THE NECROMANTIC WAR – PART II (CHAOS AND INVASION)

Sa pagpapatuloy ng Kasaysayan ng Digmaang Nigromansya…

Makalipas ng kalahating-oras ay muling bumalik sa kolisiyum ang mga manunuod upang panuorin nanaman ang susunod na laban. Ang tagisan ng lakas ng mga heneral laban sa mga higanteng halimaw.

“Tong! Tong! Tong!” Tunog ng tambol na pinapalo ng Berdugo hudyat na magpapatuloy ang paligsahan.

“Mga alugod kong manunuod! Oras na para ipagpatuloy ang ating paligsahan! Kanina ating nasaksihan ang unang laban! Ang heneral ng mga Engkanto ay nagwagi laban sa higanteng halimaw na alimango! Ipinamalas niya ang angking galing sa pakikipaglaban! Samakatuwid ay karapat-dapat talaga ang pagiging heneral ng mga Engkanto na si Hen. Gilthunder!”

Anunsyo ng komentarista tungkol sa unang laban kanina.

“Woooooo!” Hiyawan mga manunuod.

“Pangalawang laban naman ay ang nagwagi kanina ay Heneral ng mga Duwende laban sa higanteng halimaw na Bakulaw! Ipinakita sa atin lahat na ang Heneral ng mga Duwende ay may itinatago pala ng kakayahan na ikinagulat natin! Kaya, ang natutunan natin sa pangalawang laban ay hindi dapat basta-basta maliitin ang manlalaban! Kahit malaki man o maliit!”

Anunsyo ng komentarista tungkol sa pangalawang laban na ikinagulat ng lahat ng manunuod.

“Woooooo!” Hiyawan nanaman ng mga manunuod.

“Tama! Hindi tayo basta-basta maliitin ang manlalaban! Baka masurpresa pa tayo!” Sabi ng isang manunuod.

“Oo nga naman! Ako nga malaki nga ako at malakas pero may mas malakas pala sa akin!” Sabi naman nung isang manunuod.

“Ang susunod na laban ay ang Heneral ng mga Babaylan laban sa higanteng halimaw na makamandag na ahas, Ang Higanteng Kobra! Pinaniniwalaang ang higanteng halimaw na ito ay nagbabantay sa kayamanan na matatagpuan sa Isla ng Limasawa(Mainland Leyte) na malapit sa dakilang karagatan ng Mubius (Karagatang Pasipiko)!”

Anunsyo ng komentarista para sa susunod laban. Tumayo ang Heneral ng Babaylan mula sa kanyang kinauupuan sa gilid ng ring pagkatapos ay lumakad papasok sa ring.

Nang makarating na siya ay hinubad niya ang suot na mahabang damit na may hood. Tumambad sa kanila ang lahat ng manunuod ang napakagandang at maamong mukha ang Heneral ng mga Babaylan na si Heneral Ibyang.

Nakasuot ito na kulay puting kasuotan ng sinaunang Pilipino. May mga suot din siyang gintong pulseras at gintong kwintas. Tila mala-dyosang tingnan ang Heneral ng mga Babaylan na si Hen. Ibyang.

“Wooooooooo!” Lalong naghiyawan ang manunuod dahil sa nakikita nilang napakagandang Heneral ng mga Babaylan. Naglalaway sila.

“Rarararara! Ang ganda! Rararara!” Reaksyon ni Haring Sindri sa kanyang nakikita at naglalaway ito dahil sa kanyang nakitang napakagandang Heneral ng mga Babaylan.

Kaya naman ay bigla itong tumayo pagkatapos ay tatalon sana ito pero nakahanda na pala si Haring Elyedas sa kanyang mahikang lubid. Napigilan niya si Haring Sindri dahil sa kapilyohan niya.

“Hahahahaha! Akala mo Haring Sindri ha. Hahahaha!” Kaya pinagtawanan siya ni Haring Punong Ingkong Andu.

“Rararara! Pakawalan mo ko Haring Elyedas! Rararara!” Pagmamakaawa ni Haring Sindri kay Haring Elyedas.

“Haayyy… Dyan ka nalang para walang gulo ang mangyayari.” Sabi ni Haring Elyedas sa kanya.

“Tsk! Tumahimik ka dyan! Baka mabatukan kita sa kapilyohan mo!” Napipikon naman si Haring Hatur kay Haring Sindri.

“Ipinakita narin sa wakas ang angking gandang Heneral ng mga Babaylan na si Hen. Ibyang! Ano kaya ang kakayahan niya?! Malalaman natin yan mamaya!”

Reaksyon ng komentarista kay Hen. Ibyang.

“Wooooooo! Galingan mo Heneral ng mga Babaylan! Kahit matalo ka ay okay lang sa amin!” Sigaw ng isang manunuod.

“Sana makasama kita Heneral kahit mahawak lang ang kamay mo!” Sigaw naman nung isang manunuod.

Pinakawalan na ang Berdugo sa kulungan ang Higanteng halimaw na Kobra. Kalmado naman ang heneral ng mga Babaylan sa kanyang pwesto habang nakapukos siya sa makakalaban niyang higanteng halimaw. Lumabas na sa kulungan ang higanteng halimaw na makamandag na ahas, ang kobra.

“Sssssssssssss!” Ungal niya habang nagtalsikan ang mga makamandag na asidong laway niya sa paligid ng ring.

“Lubhang mapanganib ang mabangis na halimaw na ito! Ano kaya gagawin ng heneral ng mga Babaylan?!”

Reaksyon ng komentarista habang pinoprotekhan siya ng mga Berdugo.

“Tong!” Tunog ng tambol na pinalo ng Berdugo. Hudyat na magsisimula na ang ikatlong laban.

Nagsimula ng sumugod kay Heneral Ibyang ang higanteng halimaw na kobra na nakagapang na mabilis habang ang heneral ng mga Babaylan ay kalmado at nanatiling nakatayo sa kanyang pwesto.

“Sssssssssssss!” Ungal ng higanteng halimaw na kobra pagkatapos ay binugahan siya ng makamandag na asidong laway.

Nakailag agad si Hen. Ibyang sa pamamagitan ng pagtalon niya sa ere.

“Tsk! Simple lang pala to!” Sa isipan niya habang minamaliit niya ang kalabang halimaw.

“Mag-iingat ka Heneral Ibyang!” Sigaw ni Haring Punong Ingkong Andu kay Hen. Ibyang.

“Mukhang matindi tong laban. Ano sa tingin niyo?” Sabi naman ni Haring Elyedas sa napanuod niyang laban ngayon.

“Rararara! Tingnan natin. Rararara!” Sabi ni Haring Sindri kay Haring Elyedas.

“Di niyo alam na ang higanteng halimaw na yan ay napakatalino.” Sabi ni Haring Hatur tungkol sa higanteng halimaw na makamandag na ahas.

“Habang bumuga ng makamandag na asidong laway ang higanteng halimaw na kobra, nakailag agad ang heneral ng mga Babaylan!”

Reaksyon ng komentarista sa nakikita niyang laban ngayon.

“Ssssssssssss!” Ungal ng makamandag na higanteng ahas.

Habang nasa ere pa si Hen. Ibyang, hindi niya namalayan na patibong lang pala ang ginawang atake ng higanteng halimaw na kobra sa kanya.

Kaya hinampas siya ng malakas ang higanteng halimaw na kobra sa pamamagitan ng buntot. “Aaaghhh!” Napasigaw siya sa sakit matapos siyang hinampas ng buntot ng higanteng kobra. Kaya bumagsak siya tapos ay sumadsad sa sahig ng ring.

“Ssssssss!” Ungal nanaman ng higanteng kobra.

“Nakakagulat ang atakeng ginawa ng higanteng halimaw na kobra! Ano kaya ang gagawin ng heneral ng mga Babaylan?! Lubhang malakas ang kalaban niyang halimaw!”

Reaksyon ng komentarista sa laban lalo ng ang nakakagulat na atake ng higanteng halimaw na kobra kay Hen. Ibyang.

“Hen Ibyang! Huwag kang susuko! Ipakita mo sa kanila kung gaano ka kagaling na heneral ng mga Babaylan!” Sigaw sa suporta si Haring Punong Ingkong Andu.

“Pambihirang atakeng ginawa ng halimaw na yan!” Reaksyon naman ni Haring Elyedas sa ginawa ng higanteng kobra.

“Rararara! Di lang malakas, mautak pa tong halimaw na yan! Rararara!” Sabi ni Haring Sindri sa kanila habang nakagapos parin sa mahikang lubid ni Haring Elyedas.

“Tsk! Sabi ko sa inyo eh! Mautak talaga yang halimaw na yan.” Sabi ni Haring Hatur sa kanila.

Sa gilid ng ring naman kung saan nakaupo sina Hen Gilthunder, Hen. Dougdig na hindi pa rin nagkamalay matapos sa kanyang laban at yung heneral na nakahood.

“Tsk! Mag-ingat ka sa susunod Hen. Ibyang!” Sigaw ni Hen. Gilthunder kay Hen. Ibyang.

“Huwag kayo mag-alala! Nagpapainit pa ako dito! Tsk!” Sagot ni Hen. Ibyang habang tumayo siya uli at napadura ng dugo.

“Hindi ko akalain na mautak pala tong halimaw!” Sa isipan niya.

“Sssssssss!” Ungal nanaman ng higanteng halimaw na kobra na hudyat na aatake uli kay Hen. Ibyang.

Binugahan naman siya ng napakaraming makamandag na asidong laway ng halimaw na kobra.

Umuusok ito sa paligid ni Hen. Ibyang habang muli nanaman niya inilagan ang atake ng halimaw sa kanya. Tumlalon siya sa ere para iwasan ang atake ng kobra pero hinampas nanaman siya uli ng buntot ng kobra. Bumagsak siya sa sahig.

“Puta!” Napamurang sabi niya.

“Nako! Katulad kanina ay ganun din ang nangyari sa kanya! Kumakapal ang usok mula sa makamandag na asidong laway ng halimaw!”

Reaksyon ng komentarista tungkol sa laban nila ngayon.

Ginamitan ng mahika ang Berdugong Engkanto ng harang sa paligid ng ring para ang usok na mula sa makamandag na asidong laway ng kobra ay hindi papunta sa kanila at sa lahat ng manunuod.

“Sssssssss!” Ungal nanaman ng halimaw na higanteng kobra.

“Hen. Ibyang! Galingan mo naman! Sayang ang kagandahan mo!” Sabi ng isang manunuod.

“Bahala na Hen. Ibyang! Ang importante ay maganda ka!” Sabi naman nung isa.

“Tsk! Hen. Ibyang! Pag-isipan mo muna ang galawan ng kalaban mong halimaw! Huwag kang kampante!” Payo ni Haring Punong Ingkong Andu sa heneral niya.

“Nanganganib ata ang heneral ng mga Babaylan.” Nagtataka si Haring Elyedas sa labang pinapanuod niya lalo na ang heneral ng mga Babaylan na si Hen. Ibyang.

“Rararara! Huwag kayo mag-alala dahil nararamdaman kong nag-iisip ng estratehiya ang heneral ng mga Babaylan. Rararara!” Sabi ni Haring Sindri sa kanila.

“Huh! Akala kasi tong heneral simple lang ang laban niya.” Sabi sa isipan ni Haring Hatur sa napanuod niyang laban.

“Habang binugahan ako ng makamandag na laway itong halimaw, tsaka ako iilag pero bigla niya akong hampasin sa pamamagitan ng buntot niya!” Sa isipan ni Hen. Ibyang habang nag-iisip ng paraan kung paano niya aatakehin ang kalabang halimaw na kobra.

“Hmmm…” Obserbasyon ni Hen. Gilthunder.

“Huh? Nasaan ako? Huh? Haaaaaaaa!” Nagkamalay na si Hen. Dougdig habang katabi niya si Hen. Gilthunder.

“Huh?! Natapos ko na ba ang laban?” Tanong niya.

“Hehehe! Gising kana pala heneral ng mga duwende.” Sabi ng katabi niyang heneral ng mga Maligno.

“Panalo ka sa laban kanina lang Hen. Dougdig.” Sagot sa kanya ni Hen. Gilthunder.

“Haayy.. Buti naman. Teka?! Haaaaaa! Paano ko siya natalo?!” Gulat na tanong ni Hen. Dougdig.

Hindi niya alam kung paano niya natalo ang kalaban niyang higanteng halimaw na Bakulaw.

“Hahaha! Ikaw talaga Hen. Dougdig. Basta nanalo ka sa laban Hen. Dougdig. Panuorin mo nalang ito ang bagong laban.” Sabi ni Hen. Gilthunder sa kanya.

“Haaayy! Hindi ko naman ginusto to eh.” Sabi niya. “Aatake nanaman siya!” Sa isipan ni Hen. Ibyang.

“Ayan nanaman ang higanteng halimaw na kobra! Wala na kayang ibang paraan para kontrang atake ni Hen. Ibyang ang kalaban niyang Halimaw?!”

Napatanong ng kometarista kay Hen. Ibyang habang pinagmasdan parin niya ang laban.

Pinag-ikis niya sa harap ang mga braso ni Hen. Ibyang pagkatapos lumiliwanag ang kulay dilaw na katawan niya.

Nagsilabasan ang mga pintados sa kanyang katawan.

“Ako nanaman!” Sabi niya at pinaghanda na niya ang gagawin niyang atake.

“Igawas ang balahibo ni Minokawa! (Ilabas ang balahibo ni Minokawa)!” Nagbanggit siya ng kanyang kapangyarihan.

Pinagwasiwas niya ang mga kamay pataas tapos ibinababa niya papunta sa gilirang bahagi ng katawan niya ang mga kamay at kinamao niya ito.

“Pako ni Minokawa! (Pakpak ni Minokawa!)” Lumabas sa kanya sa likurang bahagi ang nagliliwanag na kulay dilaw na pakpak ni Minokawa.

“Ssssssssss!” Ungal ng higanteng halimaw na kobra para aatake nanaman kay Hen. Ibyang.

Binugahan naman niya ulit ang makamandag na asidong laway papunta kay Hen. Ibyang. Umilag muli si Hen. Ibyang pagkatapos ay napansin niyang ang buntot ng halimaw na kobra ay papatama sa kanya pero alam na niya ang estratehiya ng kalaban niyang halimaw kaya sa wakas ay nailagan na niya ang buntot ng higanteng kobra sa pamamagitan ng pagaspas ng pakpak niya.

“Wooooo! Sa wakas ay nailagan na niya amg buntot mg higanteng halimaw na kobra sa pamamagitan ng kanyang pakpak! Ano kaya ang susunod niyang gawin?!”

Reaksyon ng komentarista tungkol sa ginawa ng heneral ng mga Babaylan.

“Woooooo!” Hiyawan ng mga manunuod sa ginawa ni Hen. Ibyang.

“Ayos!” Tuwang-tuwa si Haring Elyedas sa napanuod niya.

“Rararara! Ang ganda niyang tingnan na nakapakpak siya! Rararara!” Hangang-hanga si Haring Sindri sa ipinakita ng heneral ng mga Babaylan na si He. Ibyang.

“Yan…. Yan! Ipakita mo sa kanila kung gaano kagaling Hen. Ibyang!” Suporta ni Haring Punong Ingkong Andu sa heneral niya.

“Tsk!” Napabagnot naman si Haring Hatur. Habang lumilipad sa ere si Hen. Ibyang ay binugahan siya ulit ng makamandag ng asidong laway.

“Yun lang ba ang kaya mo halimaw ka!” Sa isipan ni Hen. Ibyang sa kanyang kalaban na halimaw.

“Sssssssssssss!” Ungal ng higanteng halimaw na kobra. Pinaligiran niya si Hen. Ibyang sa pamamagitan ng kanyang katawan.

“Tsk!” Reaksyon ni Hen. Ibyang habang pinalibutan siya ng katawan ng higanteng ahas.

“Nako! Hindi natin makikita sa loob si Hen. Ibyang dahil pinalibutan siya ng katawan ng ahas!”

Reaksyon ng komentarista sa ginawa ng ahas lay Hen. Ibyang.

Nakatuon sa kanya ang higanteng ahas habang nasa baba si Hen. Ibyang sa pagitan ng ulo ng ahas sa kanya. Para siyang nakakulong sa chamber.

Binugahan siya ng napakaraming makamandag na asidong laway. Sa nakikita ng lahat ng manunuod ay maraming usok na lumabas sa loob ng pinalibutang katawan ng ahas.

“Ano nangyari sa kanya?” Napatanong si Hen. Gilthunder kung ano mangyari kay Hen. Ibyang dahil nasa loob ito ng pinalibutang katawan ng higanteng ahas.

“Igawas ang himbis ni Bakunawa! (Ilabas ang kaliskis ni Bakunawa!)” Dumipensa si Hen. Ibyang sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

Pagkatapos ay lumipad siya palabas sa pinalibutang katawan ng higanteng ahas.

“Wooooooo!” Hiyawan ng manunuod.

“Woooo! Ayan siya oh!” Sabi nung isang manunuod.

“Ssssssss!” Ungal nanaman ng ahas habang lumingon ito muli sa kanya.

“Igawas ang kurente ni Bakunawa! (Ilabas ang kuryente ni Bakunawa!)” Umatake na si Hen. Ibyang sa pamamagitan ng pagwasiwas ng braso at kamay niya pagkatapos ay tinira niya ang bolang enerhiya patama sa ulo ng higanteng ahas.

Pero hindi niya inakala na napakaliksi ang higanteng ahas na ito kaya umilag ang halimaw na higanteng ahas sa kanyang atake.

“Kaboom!” Tunog ng pagsabog kung saan ang bolang enerhiya ay tumama sa sahig. Nagdulot ito ng pinsala sa ring.

“Tsk! Napakabilis tong halimaw na ito.” Reaksyon niya sa kalabang halimaw.

“Ang gandang ipinakitang atake ang heneral mg mga Babaylan pero nakailag naman ang higanteng halimaw na kobra!”

Reaksyon ng komentarista sa kanyang nasaksihan.

“Sssssssssss!” Ungal nanaman ang higanteng ahas.

Gumalaw ang higanteng halimaw na kobra at inalis niya ang katawan na pinalibutan niya ang ring pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang pwesto.

Nagtataka si Hen. Ibyang kung bakit bumalik sa pwesto ang kalaban niyang halimaw.

“Huh?! Bakit kaya bumalik sa pwesto ang higanteng ahas?!” Napatanong bigla si Haring Elyedas sa kalaban ni Hen. Ibyang.

“Rararara! Mukhang may ibang gagawin ang ahas ha. Rararara!” Obserbasyon naman ni Haring Sindri.

“Hmmm… Hen. Ibyang maging alerto ka baka may binabalak ang kalaban mong halimaw!” Payo ni Haring Punong Ingkong Andu sa heneral niya.

“Ano kaya ang gagawin ng halimaw na ito?” Takang tanong naman si Haring Hatur. Nasa ere parin si Hen. Ibyang habang nakatuon parin siya sa kalabang halimaw.

“Bakit kaya bumalik siya sa pwesto ang higanteng halimaw na ito?” Takang tanong niya.

“Ssssssssss!” Ungal ng halimaw na kobra. Iniluwal niya sa loob ng katawan ang napakaraming itlog mula sa tiyan niya.

“Itlog niya?” Sabi ni Hen. Ibyang sa nakikita niya.

“Ssssssssss!” Ungal nanaman ang higanteng ahas. Ang mga itlog niyang iniluwal ay pumisa pagkatapos ay nagsilabasan mula sa itlog ang napakaraming cobra sa loob ng ring. Ilang sandali lang ay napuno ng ahas sa loob ng ring. Kaya hindi pwede lumapag si Hen. Ibyang sa ring baka kagatin siya bigla ng anak ng higanteng halimaw na kobra.

“Ang daming anak ng halimaw na ito! Napuno ng makamandag na ahas ang buong ring! Ano kaya ang gagawin ng Heneral ng mga Babaylan?!”

Reaksyon ng komentarista sa panibagong estratehiya ng halimaw.

“Mukhang napapagod si Hen. Ibyang.. Haring Punong Ingkong Andu.” Napansin ito ni Haring Elyedas.

“Rararara! Dahil sa nalanghap niyang mga usok galing sa makamandag na asidong laway ng higanteng halimaw na kobra. Rararara!” Yun din ang napansin ng Hari ng mga Duwende n si Haring Sindri.

“Tsk! Mautak talaga!” Sabi naman ni Haring Hatur sa ginagawang halimaw na ahas.

“Hen. Ibyang!” Napabugnot ang mukha ni Haring Ingkong Andu sa sitwasyon mg heneral niya.

“Haaa… Haaa…. Haaaa…” Hingal na hingal si Hen. Ibyang habang hindi pa niya natamaan kahit ang kapangyarihan niya sa kalaban niyang higanteng halimaw na kobra.

“Hingal na hingal si Hen. Ibyang dahil sa epekto ng makamandag na asidong laway na higanteng ahas. Hindi niya namalayan na unti-unting na niya ito nalanghap papunta sa katawan niya.” Obserbasyon ng Heneral ng mga Maligno na nakahood habang pinagmasdan niya si Hen. Ibyang.

“Tsk! Huwag kang susuko Hen. Ibyang!” Sa isipan ni Hen. Gilthunder.

“Waaaaaaa! Si Hen. Ibyang oh! Mukhang napapagod siya!” Sabi naman ni Hen. Dougdig habang tinuro niya sa direksyon ni Hen. Ibyang. “

Haa.. Haa… Haaa… Hinding-hindi ako papatalo sa halimaw nato. Haaaaaaaaa!” Sumugod si Hen. Ibyang papunta sa kalaban niyang halimaw kahit hingal na hingal dahil sa epekto ng lason dumadaloy sa katawan niya.

“Sssssssss!” Ungal ng higanteng halimaw na kobra. Nakahanda narin ang kontra-atake ng higanteng halimaw na kobra.

“Mukhang nanghihina ngayon ang Heneral ng mga Babaylan! Pero hindi siya susuko at nagsimula na siyang sumugod!”

Reaksyon ng komentarista sa nasaksihan niya lalo na ang Heneral ng mga Babaylan na si Hen. Ibyang.

“Delikado ang sitwasyon ang Heneral ng Babaylan ngayon. Kung magpatuloy siya sa pagkilos lalo na ang katawan niya, lalo bibilis ang daloy ng lason sa katawan niya. Kung papunta nato sa utak at puso niya baka katapusan na niya.” Obserbasyon ng Heneral ng mga Maligno sa kalagayan ni Hen. Ibyang.

“Tsk! Hindi maaari to!” Napakamao si Hen. Gilthunder sa kalagayan ni Hen. Ibyang.

“Hen. Ibyang! Huwag ka masyadong gumalaw! Lalo bibilis ang daloy ng lason sa katawan mo! Kung magpatuloy ka baka ikapapahamak mo!” Payo ni Haring Punong Ingkong Andu sa kanya.

“Sssssssssss!” Ungal ng higanteng ahas habang muli nanaman itong bumuga ng makamandag na asidong laway patama kay Hen. Ibyang.

“Pst! Pst! Pst!” Tunog ng bumugang laway ng higanteng halimaw.

“Igawas ang himbis ni Bakunawa! (Ilabas ang kaliskis ni Bakunawa!)” Agad naman dumipensa si Hen. Ibyang sa mga tinirang makamandag na asidong laway sa kalaban niya pero lalo siyang nanghihina.

“Haaaa… Haaaaaa… Haaaaaa… Haaaa” Lalong bumilis ang paghingal niya kasabay ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Halos pumikit na ang kaliwang mata ni Hen. Ibyang pero hindi siya susuko sa laban.

Sumugod si Hen. Ibyang papunta sa ulo ng higanteng halimaw na kobra pagkatapos ay itinira nanaman niya ang bolang enerhiya patama sa higanteng halimaw.

“Igawas ang kurente ni Minokawa! (Ilabas ang kuryente ni Minokawa!)” Tumira siya ng pangalawang kakayahan.

Naging hugis na maalamat na ibong si Minokawa ang bolang enerhiyang tinira niya sa kalaban pero hinampas ng buntot ng higanteng kobra ang tinira niyang kapangyarihan at ito’y bumalik sa kanya.

“Ano?!” Nagulat siya sa ginawa ng higanteng ahas sa tinira niyang enerhiya.

“Kaboom!” Tunog ng impak kung saan ay tumama kay Hen. Ibyang ang kanyang kapangyarihan sa kanya.

“Aaaaaaggghhhh!!!!!” Tinamaan siya habang nasa ere.

“Hen. Ibyang!” Napasigaw si Haring Punong Ingkong Andu sa heneral niya.

“Tsk! Putang ina!” Napamura si Haring Elyedas sa sitwasyong nangyayari kay Hen. Ibyang.

“Nako po! Tumama sa kanya ang kapangyarihang dapat sana ay para sa halimaw na kalaban niya pero kinokontra lang ito ng halimaw na kobra!”

Reaksyon ng komentarista sa ginawa ng halimaw na kobra.

Nawala ng parang bula ang nagliliwanag na pakpak ni Hen. Ibyang tapos ay bumagsak siya sa sahig na may mga maraming ahas. Duon ay kinuyog at natabunan siya ng maraming ahas na anak ng higanteng halimaw na kobra.

“HENERAL IBYAAANNGG!” Sumigaw si Haring Punong Ingkong Andu sa sitwasyon ni Hen. Ibyang. Napatayo siya sa pag-alala sa kanyang heneral.

“Hindi maari!” Pati na rin si Haring Elyedas.

“Tsk! Kawawang heneral.” Sa isipan ni Haring Hatur.

“Rararara! Hen. Ibyang. Rararara!” Nagulat din si Haring Sindri.

“Ssssssssssss!” Ungal ng higanteng halimaw na kobra.

“Hen. Ibyang! Sana hindi kapa patay! Huhuhu!” Sabi nung isang manunuod.

“Nakakatakot pala tong halimaw! Di lang malakas, mautak rin!” Reaksyon naman nung isang manunuod.

“Hmmmm…” Takang sabi ng Heneral ng mga Maligno.

“Nararamdaman mo ba yun Hen. Gilthunder?” Tanong ng Heneral ng mga Maligno kay Hen. Gilthunder habang ay nakatuon si Hen. Gilthunder sa direksyon kung saan bumagsak sa sahig si Hen. Ibyang.

“Oo nga nararamdaman ko.” Sagot ni Hen. Gilthunder sa heneral ng mga Maligno.

“Hmmm… Rarararara! Pagmasdon niyo! Di pa tapos ang laban. Rararara!” Obserbasyon ni Haring Sindri.

“Huh?! Ano?!” Nagulat naman si Haring Elyedas sa sinasabi ni Haring Sindri.

“Hen. Ibyang?!” Pati na rin si Haring Punong Ingkong Andu.

“Tsk! Parang kanina lang nung Heneral ng mga Duwende.” Reaksyon ni Haring Hatur kung saan katulad daw kanina ang pangatlong laban ngayon.

Samantala kung saan ay nakalaya na ang Hari ng mga Dyablong Nigromante na si Haring Chrollo…

“Hmmmm… Kay gandang pagmasdan ang lugar na ito. Hehehe! Nararamdaman ko maraming malalakas na nilalang nabubuhay dito. Hahahaha! Maganda to! Magiging alipin ko kayo!” Batid niya habang nakatayo sa pagitan ng nakahandusay na bangkay na pinaslang niyang pamilyang mangingisda na Babaylan.

Binuksan niya ang misteryosong aklat, Ang Aklat ng mga Dyablong Patay o Demon Necromonicon.

“Quaeso revela, princeps tenebrarum! (Magpakita ka, Prinsipe nang Kadiliman!).” Sabi niya habang nakabukas ang aklat.

Lumabas ang itim na usok sa aklat, unting-unti ito naging hugis kalansay nang tao ang aparisyon, nakatayo ito sa harapan niya.

“Ut id libero everti. Quid servies? (Nakalaya kana pala. Ano ang maipaglilingkod mo?)” Sabi nang Aparisyon na bumungad sa kanya.

Tumingin si Haring Chrollo sa mga nakandusay na bangkay kung saan pinatay niya kanina ang pamilyang mangingisda na Babaylan tapos ay humarap uli sa Aparisyon.

“Exercitum constituere volo ut hunc locum occupare possim. Quid faciam principem tenebrarum? (Nais kong bumuo ng hukbo para sakupin ko ang lugar na ito. Ano ang dapat kong gagawin Prinsipe ng Kadiliman?)” Tanong niya sa nagpakitang aparisyon sa kanya.

“Est chrollo simplex rex, videsne iacentem? vivifica eos virtute tua, dum adhuc ibi sunt animae eorum. (Simple lang Haring Chrollo, kita mo yang nakahandusay? Buhayin mo sila sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan habang nandyan pa ang kaluluwa nila.)” Sagot ng aparisyon sa kanya.

“Sige! Sequar mi Princeps tenebrarum (Sige! Masusunod mahal kong Prinsipe ng Kadiliman).” Sagot niya. Bumalik sa loob ng aklat ang Aparisyon na kinausap niya.

Habang lumingon ulit si Haring Chrollo sa nakahandusay na pamilyang pinaslang niya, binuhay niya ito at dinungisan ang mga kaluluwa nila.

Nangingisay pa ang katawan ng mga bangkay at ilang segundo lang ay bumangon ito at lumuhod sa kanya.

“Kamahalan.” Sabay sabi ng mga pamilyang binuhay ng hari ng mga dyablong nigromante.

“Maligayang pagbabalik alugod kong kawal.” Pagbati niya sa mga binuhay ng pinaslang.

“Sasamahan niyo ko sakupin ang lugar na ito. Araw at gabi hindi tayo titigil hanggat hindi natin masasakop ang buong kapuluan ng lugar na ito. Maliwanag ba mga kawal?” Sabi niya.

“Opo kamahalan! Sasama kami sa inyong hangarin ang sakupin ang buong kapuluan ng lugar na ito.” Sabi ng mga kawal niya. Nakangiting demonyo si Haring Chrollo sa mga kawal niya.

“Hehe! Mabuti mga alugod kung kawal! Kung ganun ay tayo na! Hahaha! Hahahaha!” Sabi niya habang humalakhak na mala-demonyong boses. Nagsimula ng sumakop si Haring Chrollo kasama ang mga alugod niyang kawal sa maliit na isla malapit sa Sugbo.

Kada baryong mapapasokan nila ay walang sinayang na oras ang kanilang pananakop. Bata man o matanda ay dinudungisan niya ang mga kaluluwa para maging alipin niya. Lahat ng mahihina ay ginawa niyang alipin habang ang mga malalakas ay ginawa niyang sundalo o kawal. Lalo lumakas ang hukbo niya hanggang sa nasakop na niya ang buong maliit na isla na malapit sa Sugbo.

Pagkatapos niyang sinakop ang buong maliit na isla ay pinagtitipon niya lahat ang mga kawal at alipin. Lumipad siya sa itaas para mag anunsyo sa kanyang mga alugod niyang alipin at kawal tungkol sa kanyang layuning sakupin ang buong kapuluan ng Perlas ng Silanganan.

“Mga alugod kong kawal at alipin! Ngayong oras na ito! Ako na ang bagong niyong Hari sa buong kapuluan na kinatatayuan niyo! Ako si Chrollo! Ang Dyablo ng Nigromante at Ako ay Hari ng mga Dyablong Nigromante! Simula ngayon! Umpisahan natin ng maghasik ng lagim upang makamit natin ang layunin! Ang masakop ng buong kapulua