2015 (Chapter 5)
Ang apat na sulok ng kanyang maliit na na opisina ang nagsilbing kulungan ni Damian. Kailangan kong makalabas dito! sabi ni Damian sa sarili habang nag-aalala kay Mylene na kasama ngayon ng matandang lalaki at alalay nito sa loob ng kanilang banyo, samantalang nakaharang naman sa tapat ng pintuan ang dalawa pang alalay na nakaabang …