KRIIING KRIIING KRIIING. Tunog ng alarm
Panibagong umaga nanaman. Goodmorning Pinas at Goodmorning world. Masayang usap ko sa hangin. Nakaugalian ko na to maging hyper umaga palang para mawala ang badvibes ngayong araw na paparating.
Excited na excited ako today kase this is the first day of my 2nd year college life. Kaya madaling madali ako nagprepare. Kumain at naligo at nagbihis sabay ayos ng buhok at konting pabango at umalis na ko ng maliit na inuupahan kong barong barong.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong rolls royce na nasagilid ng kalsada at animoy nasiraan.
Tutal maaga pa naman ay nagpasya ako lapitan si manong driver na problemadong problemado. Tutal nasideline din naman ako sa mga talyer ay baka makatulong ako.
Oy boss ano nangyari dyan? Tanong ko
Di ko nga alam eh. Bigla nalang tumigil at ayaw magstart. Nakakaasar nga baka magalit yung boss ko e. Buti nalang medyo mabait tong anak ng amo ko. Sagot ni manong
Teka tignan ko boss kung ano problema try mo start sa loob. Utos ko
Ay madali lang to ganto lang yun kelangan lang higpitan to. Isip ko
Isa pa start mo ulit manong.
Ayon nag start na sa wakas. Tuwang tuwang usap ni manong.
Magkano yun utoy?tanong ni manong
Ay nako wag na ho simple lang naman ginawa ko. Pag tanggi ko.
Pilit padin nya inaabot ang pera na sabi nya na pinabibigay ng boss nya. Pero lumayo nalang ako at nagpaalam ng nakangiti Habang nag aalcohol para mawala ang konting dumi sa kamay.
Makalipas ang ilang saglit ay nakadating na ko sa school. Pumasok sa room at umupo sa bandang sulok. Lumipas ang ilang saglit dumating na ang mga kaklase ko na mahahalata mo na talagang mayayaman dahil sa mga gamit nila. After a while dumating nadin ang prof namen.
And as usual wala na naman ako katabi kasi nga kilala nila ako na di rich kid kaya madalas iniiwasan ako.
Makalipas ang 30 mins ay biglang dumating si dean at may kasamang isang mala anghel sa ganda na babae.
Excuse me po meron po tayong bagong transfer na student. Ah iha kindly introduce yourself. Sabi ni dean sa magandang babae.
Hi my name is Cescilia Kathrina Sy but my friends calls me Cess Sy. Im 20 y/o. I hope we can all be friends.
Habang nag papakilala si Cess ay naririnig ko ang bulungan ng mga kaklase ko.
“Cescilia Sy? You dont mean the only daughter of the Sy family? The richest family in the PH?” Usap ni Claire na anak ng isang governor sa isang probinsya.
Agad naman pinalis ni Ulrich ang katabi nya sa upuan para doon paupoin si cessy. Si Ulrich ay galing din sa isang mayaman na pamilya at varsity dito ng basketball kilala din sya sa pagiging pakboi.
Oh sya iha mamili kana kung saan mo gusto maupo medyo madami pa namang bakanteng upuan. Usap ng prof namin
Dito ka nalang Cess Sy bakante ang katabi kong upuan. Pagprepresinta ni ulrich
Dun po maam. Sabay turo sa may kinaroroonan ko.
Gulat na gulat man ako ay napa turo ako kung dito ba talaga sa tabi ko? Dito po? Sabi ko.
Yep gusto ko po don maupo maam. Sagot ni cess
Okay go ahead hija. Sagot ng prof namin.
Sobra akong pinagpapawisan ng malamig sa nangyayari. Lahat ng mata ay saken nakatingin halata mo ang inggit at pagkaaaar ng mga kaklase ko lalong lalo na ang mga lalaki.
Pagupo ni Cess ay hindi ako makatingin sakanya. Para akong robot na straight body lang. Talagang mahahalata mo na sobra akong kinakabahan sa mga nangyayari. Hindi kaya balak ako gawing alila ng babaeng to? Isip ko. Pero muka namang hindi sya ganong klase ng babae na mananapak ng kapwa.
Agad nagpakilala si cess sa mga seatmates namen at sa pang huli ay kinuhit nya ako at
…